Chapter 35

376 10 4
                                    



KEEN'S POV

Ang pinaka-mahirap na part ng relationship ay ang pag-mo-move on. Ang sabi nila madali lang daw pero para sakin, hindi. Madali lang sigurong sabihin na kaya mong mag-move on pero hindi ganoon kadali. Masakit. Sobrang sakit. Depende siguro sa tao kung paano siya mag-momove on. Pero para sakin, base sa storya ng buhay ko, mahirap. Sobrang hirap.


Akala ko happy ending na kasi eh. Masyado akong nag-expect na kami na talaga. Na walang problema. Feeling ko perfect na ang lahat pero sa isang iglap, nagbago yung takbo ng buhay ko. 


It's been THREE YEARS pero si Shin padin. He's my last and forever will be. Si Shin padin ang mahal ko at si Shin lang ang mamahalin ko. That devil Shawn is no match for my husband pero sa sitwasyon ko ngayon, talo ako. I can't be with my husband and my child. Binata na ang Kean ko. Miss ko na sila. Mag-aasawa kaya ulit si Shin? May nakilala kaya siyang bago? May nagugustuhan na kaya siya? I miss you Shin... I miss you so bad.



"We really need to go to an OB-GYN to have you check."


"I can't... masyadong masakit ang pagkawala ng anak ko, Shawn. Hindi ko pa kaya, please understand."sagot ko.


The devil Shawn asked for a baby. Ang hindi niya alam, ayokong magka-anak sa kaniya. Lahat na nga ng reason nasabi ko. Buti na nga lang at naitatago ko yung pills ko. Tinanggal ko sa lalagyan at nilagay ko sa bote ng vitamins para in case makita niya, hindi sya magtaka. I'll be his toy at gawin niya lahat ng gusto niya dahil pinili kong iligtas si Shin at Kean kapalit ng sarili ko. I'm still praying that one day, makakasama ko ulit ang pamilya ko. Habang buhay ako, may pag-asa. My God is alive and I'm sure He'll help me.


Nilingon ko ang taong nasa tabi ko. Tulog na tulog na parang anghel ang muka niya. Kung kagwapuhan naman ang usapan, alam ko sa sarili ko na gwapo siya. Hindi lahat ng gwapo, mala-anghel ang ugali. Itong isang ito, demonyo. Sobra. I sighed.


Tumayo ako sa higaan at naglakad palabas ng MK Hotel. Hindi ko akalaing may hotel si Shawn ditto. May bahay din sila pero mas maganda tong hotel kasi malapit sa dapat. We're in Korea! I smiled. It's like a dream come true! Pero hindi ko akalaing si Shawn pa ang makakasama ko sa pagpunta dito. Namiss ko tuloy si Shin. Hinding hindi niya ko papayagang pumunta dito dahil lilingunin ko lahat ng Korean Oppa na makita ko. Haha! I miss you Shin.... I miss you every single day.


Doble na suot ko pero malamig padin. Naglakad-lakad ako sa labas ng hotel. Katabi kasi ng hotel ay dagat. It's 5 am in the morning kaya konti pa lang ang tao. Gusto kong abangan ang sunrise. Masaya siguro iyon. May ilang tao na din sa tabi ng dagat. Yung iba, may mga ka-date pa at ang aga nilang mag-landian. Hihi.


Naglakad ako papunta sa Coffee Shop. Sasakitan ako ng tiyan kapag nalamigan masyado.


"Annyeong! Ko-pi ul juseyo. Kansahamnida."-ako.


Umupo ako sa labas ng shop habang inaantay ang order ko. Ang ganda ng view. Yung amoy ng hangin napaka-fresh. Yung hampas ng alon sa dagat, ang sarap makinggan. In times like this, alam kong matutuwa si Shin at Kean lalo na kapag magkakasama kaming tatlo ditto. Hindi lang kami maka-gala dahil sobrang busy sa trabaho. Kelan kaya ulit kami mabubuo? May chance pa kaya? Dapat pala tinodo ko na yung gala namin saka bonding before. Kung alam ko lang na malalayo ako sa kanila, hindi ko na pinalampas ang sandaling kasama ko sila.

The Dominant Bachelor's fake wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now