Chapter 1: Her first love

9.3K 167 14
                                    


"Fiercer pose, Mira. There...turn to the left... chin up... perfect!" Nagpalit na ako ng damit after ng photoshoot. Mira ang pangalan na ginamit ko. Hindi ko ginagamit ang totoong pangalan ko. Hindi ko naman dapat tatanggapin ang pagiging part time model pero dahil kailangan ko ng extrang pera, grinab ko.


"Kaya lang naman siya nakuha ay dahil boyfriend niya ang anak ng may-ari ng company na ito. Hindi naman siya maganda." Kinagat ko ang labi ko. Gumaganda lang daw ako kapag naka-make up. Part time model ako ng isang clothing company at kababata ko si Andrius. His family owns the Villareal & Lopez Advertising Company. He's been courting me for almost a year. Sinabi ko naman sa kanya na hindi pa ako handa at willing naman daw siyang mag-antay. Na-meet niya ako sa isang party wherein isa ako sa mga photographer. 


"Maputi lang siya. Malaki nga yung dibdib pero retoke lang yan for sure. Ayaw niya ngang magswim suit. Baka malaglag kasi bigla yung dibdib niya. haha."Natural na malaki ang dibdib ko at asset yun. Hindi talaga mawawala ang insecure at plastic sa mundo. 


"Oo nga, girl. Hahaha." I'm a weak woman. Lagi akong nabubully kahit noon pa man. Tabain ako kaya nag-start akong mag-diet at mag-gym para magkaron ng self confidence pero hindi padin maiiwasan na may makasama kang plastic at inggitera sa trabaho.


"Tapos na po ba ako, Ate Vien?"tanong ko sa baklang photographer ko na Ruben ang pangalan.


"Bakit, Mira? May lakad kaba?"tanong niya sakin.


"Ah. Bibili pa kasi ako ng gamot ni mama saka mga pagkain para sa mga bata."sagot ko. May orphanage kasi kami at si mama ang namamahala. May sakit si Mama at medyo magastos pero kakayanin ko to. Yung kalahati ng kita ko, napupunta sa mga gamot ni Mama at sa mga pagkain sa bahay at sa orphanage. 


"Hmm. Ok kayo ng mabait. Kaloka. Sige na gora ka na." Tumango ako at nagmadaling nagbihis.


Palabas na ako ng room at nagulat ako ng makita ko si Andrius sa harap ko. Humalik siya sa pisngi ko.


"Kanina ka pa ba?"tanong ko.


"Hindi naman, babe. Are you going somewhere?"tanong niya.


"Ah, pharmacy saka grocery. Bibili ng gamot ni mama saka pagkain sa mga bata."sagot ko.


"Para sa mga bata?  Ah, sa orphanage nyo. I'll go with you tapos let's have dinner at my house. Nandito ang parents ko and brother."Napatigil ako. Dinner kasama ang family niya? nakita ko na ang mommy at daddy niya sa personal pero ipapakilala niya ako?


Binuksan niya ang pinto ng kotse at pumasok ako sa loob. "Babe, I know hindi pa tayo dahil hindi mo pa ako sinasagot, but damn, gustong gusto ka ng ma-meet ng parents ko. Is it okay if I invite you to my house? Kauuwi lang kasi ni Kuya from the States so may family gathering kami sa house." 


"Sige. Walang problema."sagot ko. He smiled. Dumaretso kami sa pharmacy at binili ang mga gamot ni Mama. After nito, dumaretso naman kami sa grocery store.

The Dominant Bachelor's fake wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon