Chapter 7

3.1K 83 2
                                    


KEEN'S POV:



Nagising ako bigla ng may narinig akong kaluskos. Iminulat ko yung mata ko. Ang dilim at wala akong makita. Naiyak nalang ako. Nakidnap ako? Bakit? wala naman akong pera pambayad sa kidnapper. Isa lamang akong simpleng babae na may simpleng pangarap sa buhay.



"N-nasan ako? M-maawa kayo. W-Wala akong pera!" Kahit yata sumigaw ako, walang makakarinig sakin. I'll still try my best. 



"Shut the f*ck up!"


Natahimik naman ako. Biglang may nalaglag na bagay malapit sakin. Baka tamaan ako nun!


Bumukas ang ilaw at sumakit ang mata ko. 



"You must be Shin's wife? Nice meeting you."


Humarap ako dun sa nagsalita. S-Shawn?!"


"Oh, you know me? Good for you." Panong hindi eh nasakin pa yung credit card nya!


"Bakit ako nandito?"


"I want to hurt Shin by using you."


"Ha? Wala kang mapapala sakin."


"Tsk. tsk. You don't know me, Keen. I can do everything. " Ngumiti siya na parang demonyo. Agad akong kinilabutan sa ngiti na yun.


"You wanna go home? Alright. But first, you must follow my rule."


"W-What rule?"


"Don't tell anyone about this and starting next week, gusto ko nasa tabi lang kita."


"Seryoso ka?! Ano namang kalokohan ang pumasok sa isip mo?! What makes you think na susundin kita?"


Tinitigan naman niya ko ng masama. Seryoso nga ata siya. "I'll kill Shin if you'll disobey my rules."


"Nahihibang ka na ba?! Papatayin mo ang sarili mong kapatid?!"


"Yeah, I can do that. I don't care if he's my brother or not. I know that your marriage is fake. Ginagamit ka lang niya para sa pera."-Shawn. Natahimik ako. Sapul na sapul sa puso ko ang sinabi niya.


Lumapit siya sakin saka bumulong."Magtulungan tayo."


"Mahal ko siya! Hindi ko siya kayang saktan!" Bigla nalang nya kong tinulak kaya napaupo ako sa sahig. Kinuha niya ang baril sa gilid niya at bigla niya kong tinutukan sa ulo.  Nanginig ako sa takot habang tuloy tuloy ang bagsak ng luha ko. Oh God, ayoko pa pong mamatay. 

The Dominant Bachelor's fake wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now