Chapter 26

1.2K 27 0
                                    


KEEN's POV:


After that incident with Shin last night, wala padin siyang response sa mga texts ko. Maging ang calls ko, hindi niya sinasagot. Ang sakit sa ulo at sa puso.


I'm so depressed last night at uminom ako ng isang bote kaya hindi ako nakapasok today. Nagtataka nga ako kasi ang bilis kong nalasing. Siguro bunga nadin ng pagod.


Tumingin ako sa wall clock. It's 10 in the morning at sumasakit padin ang ulo ko dahil sa puyat.



*ring ring ring*



Hinanap ko ang phone ko and I found out na nasa ilalim ng kama ko. Paano napunta yun dun? Ganon ba ko ka-wasted kagabi? Ni hindi ko nga maalala kung paano ako nakauwi! Hindi ko din alam kung anong ginawa ko sa kwarto ko! My room was a mess. Nasa sahig na lahat ng unan at may mga vase din at frames na basag. Sh*t!



"Hello Ma'am? Hello?...."


Sh*t. Nasa phone pala si Abby.


"I'm sorry, Abby. I was just uhm... I'm not feeling well. What is it?"


"Ma'am, marami po kasing naghahanap sa inyo. Papasok po ba kayo today?"


"I don't think so, Abby. I'm really not feeling well. Can you re-schedule my appointments for today?"


"Yes Ma'am. Sure po. Get well soon, ma'am. Take care!"


"Thank you, Abby."


I hung up. Nakahawak nalang ako sa sentido ko. Hindi ako nagbibiro pero mukang magkakasakit nga ako. Umiikot yung paningin ko at ang init init ng pakiramdam ko kahit na may aircon naman.


I can't remember the last time na uminom ako. Yung sa Puerto? Simula ng maging asawa ko si Shin, hindi na muli ako uminom ng alak. Before, sobrang lakas ko uminom pero nung makilala ko ang asawa ko, itinigil ko na kasi ayokong mag-away kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong iniisip ko kagabi. Pero isang bote ng beer lang naman iyon. Imposible talagang malasing ako agad. Siguradong magagalit sakin si Shin kapag nalaman niyang uminom ako kagabi.


Dahan dahan akong bumaba sa hagdan dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. I need coffee.


"Mukang tama nga si Kuya. Kailangan ko ng katulong. Kaso sayang yung bayad ko."-bulong ko.


Pagewang gewang akong naglakad papuntang kitchen. Sobrang sama ng pakiramdam ko. I puked so hard na para bang lalabas na yung bituka ko.


Nilagay ko ang capsule sa coffee maker at nilagyan na ng cup sa ilalim. I sighed. Mahirap din pala ang mag-isa.


The Dominant Bachelor's fake wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now