Chapter 2: The encounter

5.9K 134 15
                                    

Keen's POV:


"Keen!"nagulat ako ng biglang sumulpot si Loyd sa harapan ko. "Alam kong madalas kang tumambay dito. Hindi lang kita matyempuhan. Magkaiba ang sched natin."


Umupo si Loyd sa tabi ko. Binaba ko naman ang librong binabasa ko. "Engineering ang course mo diba?" tanong ko.


"Oo, pwede ba kitang yayain sa mall?"


"Madami pa namang babae dyan. Sila nalang yayain mo, busy ako."


"Hindi ko sila gustong kasama."


"Bakit ako?"


Biglang sumeryoso ang muka niya."May magagalit ba?"sagot niya na reason kung bakit nanlaki ang mga mata ko. 


"Siraulo ka."sagot ko at humalakhak siya.


"Joke lang. Parang hindi ka naman tropa. Samahan mo lang ako sa mall. Bibilhan ko ng gift ang sister ko."


"Si Lara? Ilang taon na ba sya?"


"16 na siya tomorrow."


"Bukas na?! Bakit wala ka pang regalo?"


"Hindi ako makapili. Wala akong alam sa taste ng girls."


"Kapatid mo yun, dapat alam mo."


"Patulong naman oh. Samahan mo ko? kung di ka busy?"


"Sige. Now na ba?"


"Oo sana. Don't worry, hahatid kita pauwi."


"Okay sige. Magpapalit lang ako ng damit sa bahay."


"Hatid na kita."


Tumayo ako sa bleachers at sumunod sa kaniya. Isa si Loyd sa kababata ko na malakas nang appeal. He's a playboy at madaming babaeng nagkakagusto sa kaniya. Bukod don, ang dami niyang dine-date at iba-iba. 


"Wala bang sasabunot sakin bigla?"tanong ko at tumawa siya.


"Wala akong girlfriend ngayon. haha."


"Binigay na ni Tito yung kotse sayo?"tanong ko at sumakay sa kotse niyang Ford Mustang na red. May highlight ito na black. Family of politicians sila Loyd kaya kilala din sila. Ang kasalukuyang Mayor ng lugar nila ay si Antonio Oliveros - ang lolo ni Loyd. Governor naman ang papa nitong si Alexandro Oliveros.


"Yep, pa-birthday niya sakin last year. Stalker ka? Pano mo nalaman na kotse ni dad ito?"

The Dominant Bachelor's fake wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now