Translation Games: Filipino - Tagalog

31 9 0
                                    

Pagbati mula sa Jupiter

Isinalin ni clumatic 


"Major? Nakatanggap nanaman ako ng kakaibang signal tulad ng na-record natin noong isang linggo. Hindi na ako naniniwala na scam ito."

"Kaya mo bang matukoy kung saan ito galing?"

"Oo, galing ito sa isang rehiyon sa labas ng Jupiter. Pakinggan mo!"

"Katunog ng mga insekto, kuliglig o kung anuman."

"Tama. Pero sa bandang dulo may mas malalim at buong boses akong narinig bago ito naputol. Posibleng isa itong wika."

"O, sige. Hindi na natin ito pwedeng ipagwalang-bahala. Tawagan mo na ang mga linguists. Ipapaalam ko ito sa presidente."

~~~

"Darling? Nakahanda na ang hapunan. At siya nga pala, nasa mga gamit mo nanaman ang mga larvae. Mukhang naiinip na sila sa observation mission na ito. Kailangan na natin silang hanapan ng mga kalaro.

Tevun-Krus #64 - International III: CommunicationPunkWhere stories live. Discover now