Chapter 37: Death Threat

Start from the beginning
                                    

Nang makapasok na kami sa loob ng Cafeteria ay naglinga linga ako para mahanap si chris.

Medyo marami kasing mga estudyante dito. Pero napansin ko na nagsisilabasan na yung iba.

Maya maya ay natanaw ko na si Chris na nagcecellphone.

"CHRIS!" napatingin ako kay Zils nang sumigaw siya.

"Close kayo?" sarkastikong tanong sa kaniya ni Sandy dahilan para ngumiti lang si Zils bilang sagot.

Napatingin naman si Chris dito sa direksyon namin at napangiti.

"Kakaiba yung ngiti niya ha, ngiting inlove."

"Zils!" may pagbabantang sabi ko at nag peace sign lang si Zils.

Naglakad na ako patungo sa direksyon kung saan naroon si Chris.

***
Arzila's POV

Naglakad na si Mirs papunta dun kay Chris.

"Tara dun, guys!" pag aaya ni Sandy sa 'min at saka siya naglakad na rin papunta doon sa pwesto nina Mirs at Chris.

Maglalakad na rin dapat ako nang pigilan ako ni Jeff.

"Oh, bakit?" may pagtatakang tanong ko.

"Close ba kayo nung Chris?"

"Hindi. Si Mirs naman yung friend nun eh, hindi ako."

"Eh may gusto ka ba sa kaniya?" Nangunot ang noo ko dahil sa tanong ni Jeff.

"Oo," tipid kong sagot.

"What?" gulat niyang tanong.

"Ang OA mo. Joke lang."

"ZILS!" napatingin ako kay Sandy ng tawagin niya ako.

"Halika na daw, guys," sabi ko sa kanila.

Napatingin ako kay Kevin na masamang nakatingin sa isang direksyon. Kina Mirs.

"Ang dilim ng paligid," rinig kong sabi ni Kiel.

"Malamang pagabi na eh," ay ang t*nga ni Niel.

Naglakad ako papunta kay Kevin.

"Bagay sila noh?" sabi ko para asarin si Kevin. Nakaramdam ako ng kaba ng tumingin sa 'kin si Kevin. Nakakatakot yung itsura niya, sobrang seryoso na ewan.

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo. Hinigit ako ni Jeff palayo kay Kevin. Akala ko babanatan ako ni Kevin, yun pala naglakad siya papunta sa direksyon nina.. MIRS?

Nagsisunuran na kaming lahat kay Kevin sa pag aakalang susugurin niya si Chris. Nakahinga naman kami ng maluwag nang umupo siya ng tahimik sa tabi ni Mirs. Pero mukhang hindi napansin ni Mirs si Kevin dahil nagtatawanan sila ni Chris. Ayan na nga bang sinasabi ko eh.

"Mukhang ang saya niyo ah," hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin ng pagkabitter sa sinabi ni Kevin.

Umupo na rin kami dun sa available chair.

"Your here, guys. Akala ko kasunod ko na kayo kanina eh. Ba't ang tagal niyo?" tanong ni Mirs nang marealize niyang nandito na kami. Nakita ko ang pag iba ng itsura ni Kevin dahil hindi siya pinansin ni Mirs. Napansin kong napailing si Kevin, then ininom niya yung coke in can na binili niya.

"May binili pa kasi sila?" sagot ko sa tanong ni Amira.

***
Kevin's POV

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now