CHAPTER 3

11 3 0
                                    



"Aray! Masakit na yung wrisk ko, saan mo ba ako dadalhin?!" Sigaw ko sa kanya. Nakakainis, ang bilis niyang maglakad tapos ang higpit pa ng hawak niya sa wrisk ko. Tapos pinagtitinginan pa kami!

Tumigil siya sa isang pinto. Teka, eto yung classroom na hinahanap ko wah. Papasok na sana siya ng classroom ng bigla ko siyang pinigilan.

"Dito ka rin?" Tanong ko sa kanya. Napa-tingin naman siya saakin at inirapan ako. Bakla! Juk lang Lena HAHA.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko sayo kanina? Oo, magkaklase tayo" Sabi niya. Nag-nod naman ako. Papasok na ulit sana siya sa pinto ng biglang may nambatok sa kanya.

"Bwisit ka talaga Chord Emerson Cortes! Bakit mo ako iniwan kanin--" Napatigil siya ng nakita niya ako, pati ako nagulat.

"GAVIN?!"

"VIVIENNE?!"

"Uyy! Hahanapin sana kita mamaya ehh, buti nalang nakita na kita agad" Sabi niya saakin habang nakangiti. WAHHH! Hahanapin niya ako mamaya?

"Wait, do you guys know each other?" Biglang tanong ni Chord.

"Oo bro, siya si Vivienne, yung sinasabi ko sayong kaibigan ng kapatid ko na maganda at fashionista..." Humina yung pagka-sabi ni Gavin ng makita niya yung suot ko. Napa-ngisi naman si Chord.

"Fashionista ba yan? Mukhang kayang manang"

Ouch. Yung crush ko nirereto ako sa iba.

"By the way, i'm Chord Emerson Cortes, at nuong nagpasabog ng kagwapuhan, ako mismo ang pinasabog" Sabi niya at inabot ang kamay niya para makipag-shake hands.

Binigyan ko muna siya ng nakaka-diring tingin saka nakipag-shake hands. "Lexie Vivienne Flores, maganda" Pag-papakilala ko sa kanya. Para siyang nabilaukan sa sinabi ko. Inirapan ko nalang siya.

"Pumasok na nga kayo!" Sabi ni Gavin at tinulak si Chord sa classroom namin, sumunod nalang ako.

Napatingin naman saamin yung mga "fangirls" yata ni Chord. Tiniliaan lang nila si Chord. Umupo ako sa may dulo at tumabi naman tong panget na to saakin.

"Hi Vivienne" Sabi niya saakin. Inirapan ko naman siya.

"At sino ka para tawagin ako sa 2nd name ko? Close tayo?" Sabi ko sa kanya.

"Lumipat ka nalang ng upuan Emerson" Napatingin naman siya saakin.

"Emerson? HAHA. I like it" Sabi niya habang tumatawa.

"Walang nagtatanong" Sabi ko. Napatigil naman siya sa pagtawa. Nabadtrip ko yata HAHA.

"Hindi ako nabatrip" Nagulat ako sa sinabi niya. Nababasa niya ba isip ko? So yung math namin ngayon ayy pang-bata. Yung sa APE.

"So Addition Property of Equality to hah. Hindi APE na unggoy na kakmukha ng katabi niyo" Sabi ni sir lahat naman kami napatingin sa mga katabi namin.

Napatingin ako kay Emerson. Sabay naman kaming napatawa.

Mukha nga siyang ape.

***

Lunch time na ngayon. Sabay na kaming pumunta ni Lena sa cafeteria at nuong nakahanap na kami ng upuan na pang-apat, kwinento ko naman sakanya yung nangyari kanina.
k
"Lena, alam mo ba kanina dinefend ako ni Chord sa mga queenkas" Sabi ko. Napatigil naman siya sa pagkain.

"Ohh?"

"Tapos magkatabi pa kami sa upuan kanina ehh" Sabi ko sakanya.

"Akala ko ba kapatid ko yung gusto mo? Bakit si Chord?" Sabi niya saakin. Bigla naman akong na-guilty.

"Uyy hindi ko naman sinasadya" Sabi ko at hinawakan siya. Ngumiti naman siya saakin.

"Alam ko naman na hindi mo ako lolokohin bess ehh" Sabi niya saakin. Nakaka-guilty talaga. Pero wait, may naalala ako duon sa binasa kong libro.

Yung playboy bigla nalang tumabi duon sa nerd habang kumain yung nerd sa cafeteria.

Pero hindi yun tatabi saakin ngayon. Duon kasi sa story mag-isa lang kumakain yung nerd at walang kasama. Ako meron--

"Hi Vivienne!" Nanlaki ang mata ko kung sino yung tumabi saakin. EMERSONNN!

"C-chord?" Gulat na sabi ni Lena. Nako, humanda ka saakin mamaya Emerson.

Hinila ko palayo si Emerson. Humanda ka saaking bwist ka! Pumunta kami sa hallway na walang masyadong estudyante.

"Alam mo ba na black belter ako sa karate since i was freaking 10 years old?!" Sigaw ko. Nagulat naman siya at namula. HAHA! Natakot yata tong Chord na to.

"H-huh? U-uyy ano ba ang ginawa ko?" Sabi niya. Pinipigilan kong matawa sa reaction niya.

"Ikaw! Wag na wag kang lalapit saakin pag kasama ko yung kaibigan ko hah! Babatukan kita sa noo!" Sigaw ko nanaman sa kanya. Inakmaan ko siya na susuntukin ko na siya at umilag siya.

"Oo na! Sige" Sabi niya saakin at tumakbo. Tsk, duwag

CHORD'S POV

Ugh! Nakakahiya yung ginawa ko kanina. Pero honestly hindi naman talaga ako natakot kay Vivienne. Bakit naman ako matatakot? Kung matagal na akong may gusto sa kanya?

1 year ago...

"C-chord, t-tara na?" Kinakabahang tanong saakin ni Lena. Kailangan kasi naming pumunta sa kanila para mag-practice. Mag-kateam kami ni Lena at nag-volunteer siya na sa mansion nalang nila kami mag-practice.

Ewan ko ba kung maniniwala ako sa sinasabi ni Gavin saakin na may gusto daw saakin yung kapatid niya. Pero parang oo kasi palaging naiilang saakin si Lena.

Nasa kotse na kami nila Lena at katabi ko si Gavin sa kanan at sa kaliwa naman si Lena.

"Ayy, kuya, pupunta rin daw mamaya si Lexie sa mansion natin, magpapatuling daw sa assignment niya" Sabi ni Lena. Bigla naman akong na-curious sa pangalan na Lexie.

"Who's Lexie?" Sabi ko.

"Ahh, kaibigan ni Lena" Sabi naman ni Gavin saakin.

Pagka-dating namin sa mansion nila Lena nakita may nakita agad ako sa sofa na babae.

Wow, she's beautiful.

Pero hindi pa niya ako nakikita ng biglang tumawag saakin si mom.

[Mom, bakit po?]

[Chord, please come here now na, may biglaang meeting kasi kami ng dad mo sa conpany at walang magababantay ng bahay, naka-day off yung guard natin at nasa bakasyon yung kapatid mo]

[But mom, may practice kami]

[Please, Chord]

[Fine, pupunta na ako diyan]

Mom hanged up the phone. Hindi na ako nagpakita kay Lexie yata yun. Tatanungin ko nalang si Gavin tungkol sakanya.

Umalis nalang ako at umuwi nalang mag-isa.

So ayun. Then tinanong ko nga kay Gavin si Lexie. Mula noon palagi ko na siyang iniistalk sa social medias niya. Ang ganda niya talaga, and nakakapag-taka nga ngayon kasi bakit siya naging nerd, yung social medias niya kasi ang stylish. So i think she has a plan.

Author's note (bluemermaiddddd):

Please vote and comment!

JkNochucheese
mmrskkim

Thank you and Godbless!

Nerd in Disguise (ON-GOING)Where stories live. Discover now