CHAPTER 1

31 2 2
                                    



LEXIE'S POV

Kinuha ko agad sa kwarto ko yung notebook at ballpen. Pinapunta ko na rin dito si Lena at dito na rin siya pinatulog. HAHA! Gagawa kami ng plan kung paano mainlove saakin yung playboy na yun.

Narinig ko yung doorbell namin at agad akong tumakbo para buksan yun. Nakita ko si Lena na may dalang pagkain at naka-pajama. Malapit lang naman kasi yung mansion nila sa mansion namin kaya mabilis siyang nakakapunta dito. Pinapasok ko siya at umupo naman siya sa sofa.

"So, ano yung sabi mong plano natin?" Tanong niya saakin. Tumabi naman ako sa kanya at nilagay sa table na nasa harap namin yung notebook at ballpen ko.

"I want to experience to be a nerd, mag-tratransfer ako sa school niyo," Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Tapos dapat mainlove saakin yung mga famous na playboy sa school niyo tapos mag-rerevenge ako tapos maiingit saakin yung mga fangirls niya tapos ako pa rin ang pipiliin niya tapos magkaka-roon kami ng happy ending katulad ng nasa libro na binasa ko" Sabi ko sa kanya with an excited tone.

"S-si C-chord ba yung tinutukoy mong playboy?" Napatigil naman ako sa pagiging excited ng makita ko ang mukha niya. Lungkot at selos ang mukha niya ngayon. Sabi na ehh, may gusto to duon sa playboy na yun ehh.

"Hindi! Yung kapatid mo! Si Gavin!" Sabi ko sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"May gusto ka kay kuya?!" Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Nagbago naman ang itsura niya at niyakap ako.

"Botong-boto ako sainyo! Ang saya-saya siguro kung ikaw yung magiging sister-in-law ko!" Sabi niya saakin. Namula naman ako sa sinabi niya. Ako? Mapapangasawa ng isang Gavin Elliot Gomez? Kapatid pa ng bestfriend ko? WAHHH! Kinuha ko na yung ballpen at gagawa na kami ng plan kung paano maiinlove saakin si Gavin.

Bago pa ako magsulat, may inamin muna saakin si Lena.

"Lexie, medyo nakaka-hiya kasi yung sasabihin ko. Alam ko naman na panget ako, bookworm, nerd. Minsan nga gusto ko ng maging katulad mo. Gusto ko ng baguhin ang sarili ko. Katulad mo na maganda, fashionista. Pero kasi ito talaga ako ehh, ito talaga ang gusto ko" Tapos tinuro niya yung damit niya na maluwag, yung glasses niya sa mata, tapos yung libro niya.

"Ewan ko pero kasi umaasa ako na pwede kong mabago yung playboy sa school namin. Gusto ko ding msinlove saakin si Gavin" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sabi na ehh! May gusto siya duon.

"Uyy Lena, hindi ka panget magkamukha lang tayo ohh, mas maganda ka pa nga saakin ehh. Sige, diba mag-kaibigan si Gavin at Chord ba yun? Ehdi tutulungan nalang din kitang mapalapit sa kanya" Sabi ko sakanya. Napa-ngiti naman siya sa sinabi ko.

"Talaga? Thank you talaga Lexie! Pero wag mong papaalam kay kuya Gavin hah? Nahihiya ako ehh" Sabi niya. Tumawa naman ako at sinabi ko rin sa kanya na wag sasabihin kay Gavin na gusto ko siya.

Nag-simula na kaming magsulat kung paano maiinlove saakin si Gavin.

"How to make the playboy inlove"

● dress like a nerd
● act like a nerd
● transfer to a school
● get the queenkas' bully you
● act weak
● and the playboy should defend you
● have interactions with the playboy
● help your bestfriend
● and then make the playboy inlove with you!

"Done!" Sabay naming sabi ni Lena.

"Sure na ba tayo diyan? Baka kasi pag nalaman nila na pinag-planuhan natin sila, layuan nila tayo" Sabi niya saakin. Hinwakan ko naman yung balikat niya at ngumiti.

"Hindi tayo mahuhuli niyan, basta itago lang natin to" Sabi ko. Nag-nod naman siya sa sinabi ko.

"So, bukas na natin gawin yung make-over mo, 1 week nalang bago ang school diba?" Nag-nod naman ako.

"Tapos sa isang araw ka nalang mag-enroll sa school namin, sasamahan nalang kita"

Inaya ko na siya sa kwarto ko. Kumuha muna kami ng pagkain at pumunta sa kwarto ko, manonuod nalang kami ng movies saka matutulog na rin. GoOd nIghT pHoz.










"Bilisan mo na kaya diyan Lexie, ang tagal-tagal mong mag-ayos!" Narinig kong sigaw saakin ni Lena.

"Wait lang! Hindi ko mapantay yung kilay ko" Sigaw ko sa kanya at pinapantay pa rin yung kilay ko. Hanggang sa may maalala ako. Tatangalin ko naman pala to mamaya. Nerd nga diba? Bobo ka talaga Lexie.

Dali-dali akong pumunta sa sala kung nasaan si Lena na kanina pa naghihintay saakin. Nang nakita na siya ako lumabas na kami ng mansion at nanduon na sa labas yung driver nila kasama yung kotse nila. Sumakay naman kami agad.

"Lexie! Nandito na tayo" Narinig kong sabi ni Lena saakin. Nakatulog na kasi ako. Sa mas malaking mall pa kasi kami pumunta kaya medyo malayo. Sinabi ni Lena sa driver nila na sunduin nalang kami pag tumawag na siya.

Nagulat ako ng ni-request ni Lena na si Gavin ang susundo saamin. Namula naman ako at nag-smirk naman siya. WAHHH!

Pumasok na kami ng mall at naglakad-lakad muna.

"Lexie, kain muna tayo, gutom na ako. Kulang pa yung kinain natin kanina na breakfast" Sabi niya. Nag-nod naman ako.

"Saan mo ba gustong kumain?"

"Bonchon"

"Ehh, Gerrie's Grill nalang"

"Pancake House"

"Gara! Greenwich nalang"

"Shakeys?"

"Wala naman ditong Shakeys"

"Oh de McDo"

"Ehh. Palagi nalang tayo duon kumakain"

Nagka-tinginan kami ni Lena at sabay naming sinigaw ang

"JOLLIBEE!" Haysss. Dami-dami naming sinabi sa Jollibee lang pala kami kakain.

LENA'S POV

Pagpasok namin sa Jollibee naghiwalay muna kami ni Lexie kasi siya na daw ang oorder. Habang naghahanap ako ng mauupuan namin may bigla akong nakita.

Yung playboy sa school namin sa gustong-gusto ko.

Si Chord.

Nakita ko siyang may ibang babae nanaman, nag-dedate sila. Ewan ko pero palagi akong naiinis pag may kasama siyang babae kahit alam ko naman na playboy siya.

Pumunta agad ako kay Lexie na nakapila na at hinila siya palayo.

"Uyy! Lena, ayaw mo na ba sa Jollibee?"

Author's Note (bluemermaiddddd):

JkNochucheese
mmrskkim

Please vote and follow me! Thank you and Godbless!

Nerd in Disguise (ON-GOING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora