Chapter 54: Its Time

288 7 2
                                    

"H-huh?" Gulat na tanong ko.

"Anong huh? You should be happy!" Masayang sabi ng bunso kong kapatid.

Inirapan ko naman siya sa sinabi niya.

"Siraulo ka din eh! Paano ako magiging masaya eh sinira mo ang heels ko?!" Bwisit na sabi ko. Nandito ako sa Mansiyon namin ngayon. Sinundo ako kanina sa bahay namin nila alyssa.

Ewan ko kung tungkol saan ang party napupuntahan namin basta maraming bibigatin ang pupunta. Sa isang Five Star Hotel ito gaganapin ang akala ko nga Engagement Party nila ate Danna at kuya pero sabi nila privacy na nila iyon. Malapit na din ang kasal ng dalawang iyon.

"Asan ba si mommy?" Tanong ko.

"Mommy ka ng mommy, hindi mo kaya ng wala si mommy?" Supladong tanong niya.

Bakit ba binabato niya din ako ng tanong. Bakit ko ba naging kapatid ito?

"Lumayas ka na nga lang dito. Mas lalo mo lang pinapasakit ulo ko." Inismiran naman niya ako bago umalis sa kwarto ko.

Kumuha ako ng bagong heels dahil sinira ni James yong nilabas na sapatos kanina. Nang maisuot ko ito ay tumayo ako sa harap ng Salamin. Simpleng dress lang ang sinuot ko na above the knees.

 Simpleng dress lang ang sinuot ko na above the knees

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Mommy chose it. Bagay na bagay saakin. Mas pumuti pa ako lalo dahil sa kulay. Big curls ang ginawa ko sa buhok ko at inipit ko ito pagilid using the rose gold hair pin na bigay ni ate alysson. I put simple make up as in sobrang simple lang smokey yong ginawa ko. Nang matapos ako mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa kitchen. Ala-sais palang ng gabi pero nagugutom na ako.

Nilabas ko sa ref yong Grapes at pinahugas ko ito sa katulong na dumaan sa harap ko.

"Thank you." Pasalamat ko sa katulong na naghugas sa ubas ko.

Pinicturan ko muna bago ko binawasan nagse-cellphone lang ako. Tamang IG lang, minay-day ko iyong grapes ko. Wala lng trip ko lang imyday. Nakalahati ko na yong ubas ng sumulpot si James.

"Kumakain ka nanaman." Sabay kuha niya din sa Ubas.

"Ano ba james!" Nilayo ko naman sakanya yong Bowl.

"Napaka-damot!" Iniwan naman na niya ako. Infairness ang pogi nanaman niya sa suit niya.

Narinig ko naman na tinatanong ako ni daddy kung nasaan ako. Kausap niya siguro si james. Busy parin ako nagi-scroll sa IG ng mag pop-up ang message ni Alyssa.

alyssashi: where are you?

alianelee: home

alianelee: is cessy with you?

alyssashi: i saw her. she's with sean.

Napakunot noo naman ako. Bakit sila magkasama? Ewan ko pero bigla akong kinabahan. Nakalahati ko lang yong grapes. Babalikan na lang kita mamaya grapes.

Clash Of Campus Royalties Where stories live. Discover now