Pilit ko na lang pinapep talk yung sarili ko para kumalma yung puso ko kaso ayaw eh. Yung tiyan ko pa, para kong constipated na ewan! Ano ba 'tong nararamdaman ko, may sakit na ba ako? Kelangan ko na bang magpacheck-up? Tataningan na ba ako ng doctor?

Maya-maya pa ay naramdaman kong gumalaw siya. Umalis na ba siya? Pero bakit may mabigat pa rin sa kama ko? Bakit parang...bakit parang...

ramdam ko yung hininga niya...

parang malapit yung mukha niya sa mukha ko...

Feeling ko biglang huminto lahat ng nasa paligid kahit nakapikit ako.

Di ako makagalaw. Pati yung pagtibok ng puso ko tumigil saglit tapos...

may humawak sa kamay ko.

yung kamay ko nasa may unan...may kumuha sa kamay ko tapos tapos...

ang init...napapaso ako...ewan... dati pa naman nahawakan na ni Sander ang mga kamay ko pero bakit ngayon? Bakit ganito? Ano ba 'tong nararamdaman ko? Gusto ko sanang hilahin yung kamay ko kaso may pwersang pumipigil....tsaka isa pa nag-aalala rin ako na makahalata siya na gising ako...

finill niya ang mga spaces sa kamayko...ako naman nagkukunwaring tulog pa rin...grabe! Pwede na ako sa Famas! 

 Sobrang dami kong naiisip...ang damig tanong na gusto kong masagot. Gusto ko na sana magmulat kaso baka tanggalin niya yung kamay niya kapag gumising ako... ewan ko ba...nagustuhan ko yung ginagawa niya...ang init ng palad niya tapos yung puso ko kanina parang nagrarock and rolling na sa loob. Pero sa ginawa niya parang natahimik yung puso ko, parang kumalma...

Hindi ko alam kung gaano niya katagal kami magkaholding hands...kung holding hands man matatawag 'tong ginagawa namin ngayon...hindi ko na rin alam kung gaano na ako katagal nagtutulug-tulogan. Basta, kalmado ang pakiramdam ko habang hawak niya yung kamay ko. Feeling ko napakapayapa ng lahat ng nasa paligid ko, feeling ko safe ako.

Maya-maya pa ay nagbuntong hininga siya...at unti-unting inalis ang kamay niya sa kamay ko...

pero...

bakit?

Gusto ko sanang pigilan kaso...tinanong ko rin yung sarili ko....bumalik yung tanong ko sa akin...

bakit? bakit ko pipigilan? eh bakit ba kasi niya hinawakan yung kamay ko?bakit niya binitawan? at higit sa lahat...

bakit ako nalungkot at nanghinayang nung binitawan niya...bakit?

Just MarriedWhere stories live. Discover now