"Bitiwan mo ako. Kailangan ko nang umalis."

"You have a daughter." Ulit niya. Naghahangad ng kumpirmasyon mula dito kahit na kumpirmado na.

Muli ay sinalubong nito ang mga mata niya. Galit ang nakita niya do'n na kaagad din nawala.

"Yes, I have a daughter."

"Who's the father?" Deretsahang tanong niya.

Nagsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi nakaka-kaba ang sagot. Paano kung siya pala ang ama? Itinago lang sa kanya? Pero, paano kung hindi pala siya?

"Don't worry, it's not you. You're not the father. You're still free." Jess said coldly, before she removed his hand on her arm.

The woman leave him there, stunned and full of regrets.

NASAPO NI JESS ang dibdib paglabas niya sa pinto ng hotel room ni Dwaye. Sa dibdib niya ay nandon din ang cellphone niya.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang unti-unting nahulog ang luha sa pisngi at nasundan 'yon ng mga pigil na hikbi. Kabado at takot na takot siya kanina ng komprontahin siya ni Dwaye tungkol sa anak niya.

Hindi pa siya handa na may makaalam ng sekreto niya at bakit si Dwaye pa ang unang nakaalam niyon? Sa lahat ng tao, bakit 'yung lalaki pa na labis niyang pinaglihiman ng lahat nang tungkol sa bagay na 'yon?

"WHAT TOOK you so long, Mama?" Atasha asked her, after giving each other's hug.

Jess squatted and brushed her three year old daughter's dark brown hair with her fingers. Her slightly curly hair is so soft and silky. And the color of Atasha's hair remind her of someone.

There's a  glint of happiness on Atasha's eyes. This little angel gave her another life to live. She love this pretty girl more than anyone in this world...more than herself.

"My flight was delayed. I'm sorry about that, baby. Good girl ka ba habang wala ako?"

Mabait na tumango ang anak, hinahaplos ang pisngi niya gamit ang malambot at malilit na daliri. Ah, that feels really good. Nawawala ang pagod niya.

"Opo. Good girl si Atasha Daye."

Napangiti siya. "Good. At dahil diyan, may pasalubong ako sayo."

Atasha giggled. "I'm excited, Mama!"

Natawa siya at kinarga ang anak papasok sa kwarto nilang mag-ina. Ibinaba niya ito sa kama, tapos ay inumpisahan niyang buksan ang maletang dala para sa pasalubong sa anak.

"This is not a real fish, baby. Is that okay?"

Ipinakita niya sa anak ang unan na hugis isda. Napatayo si Atasha sa kama at tumalon-talon, tuwang-tuwa ang anak niya.

"That's cute! Give it to me, Mama!" She even wide her small arms.

"Catch!" Inihagis niya sa anak ang hugis isdang unan ngunit tumama iyon sa mukha nito. "Oops." Natawa siya nang humagikhik ang anak at niyakap ang ibinigay niya.

"Thank you, Mama! I love you! I love you!"

Jess heart melted. It almost got her into tears. Palagi nalang siyang nagiging emosyonal kapag ganito na ang anak niya, natural na malambing.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora