"I just need to get the treatment.. kawawa naman si Drake, wala ng ma iiwan sa kanya. Kami na nga lang dalawa ang magka tuwang para sa isa't isa matapos namin ma ulila noong mga bata pa kami." Pagmamakaawa muli nito sa kanya.





Siya naman ay hindi alam ang gagawin dahil kanina pa nito sinasabi na matutulungan niya ito ngunit paano ba niya iyon magagawa?



"Hindi ako nangangako na tutulungan kita, Tonya. Pero, sige papakinggan ko ang sinasabi mo dahil matulungin ako." Sagot naman niya dito at nag bright naman ang expression ng mukha nito na tila nagka pag asa.




"I know this sound absurd but..kakapalan ko na ang mukha ko at magbabaka sakali sa'yo. Ito na lamang ang paraan para masalba ang kompanya at madugtungan pa ang buhay ko." Pag uumpisa nito.




"Gusto ko sana na..na ikaw muna ang pumalit sa akin habang wala ako..." Dagdag pa nito na tila pinabitin pa.





"Sige, pagpatuloy mo lang ang mga sinasabi mo. Nakikinig ako." Sabi niya dito.




"Meaning to say.. Magpapanggap ka na ikaw ako pansamantala.. As in, magiging ikaw si Antoinette Calderon to my friends, sa brother ko at sa fiancé ko." Deklara nito. Napatango tango pa siya ng una pagkatapos ay pinanlakihan niya muli ito ng mata.




"Ano?! Ayoko! Paano ako magiging ikaw?! Magka ibang magka iba tayo! Isa ka--




"Relax.. Relax.. Pansamantala lang naman. 3 months lang. After I get the treatment babalik na ako agad.."




"Langit ka! Lupa ako! Prinsesa ka at ako baduy lang.. Kaya paano mangyayari ang sinasabi mo?!" Bulyaw niya dito.



"Calm down..please.. Willing naman ako mag bayad ng kahit magkano. Basta tulungan mo lang ako. Lahat ibibigay ko sa'yo.. Please, I want to try pa to live my life to the fullest. Nag mamakaawa ako sa'yo." Pagsusumamo pa nito sa kanya.




"Desperada na ako kaya aalukin na kita 100, 000 a month. Tatlong buwan lang naman ang kontrata kaya pumayag ka na. After ng operation ko babalik agad ako. Tatlong buwan lang naman ang hinihiling ko sa'yo." Offer pa nito sa kanya na ikina bigla niya.



Hindi niya kikitain ang pera na iyon sa loob ng isang taon. Napaka laking halaga n'on. Maaari na silang makapagtayo ng isang maliit na restaurant na talagang sa kanila. Makakapag aral na din siya. Ngunit hindi siya maaari magpapadaig sa tukso. Masama ang manloko sa kapwa at ibang kalaban ang karma.




"Ay--




"Plus, anything you want. I'll give it.. Kahit ano pa 'yan. 'Wag lang ang imposible. I'm being really desperate here. 300, 000 and a house and lot or car or anything. You can have it. 'Ayan hindi na masamang alok ito. Kaya pumayag ka na." Sabi pa nito na hindi niya ikina imik.




Nababaliw na ba ito? Napaka laking halaga ang ino- offer nito sa kanya. Gusto ba nitong mamulubi? Napaka desperada nito.




(300, 000! Tapos may isa pang kahilingan na kahit ano! Diyos ko Lord! Ano po ba itong pinasok ko! Ang laking halaga n'on!) Exaggerated niyang sabi sa kanyang sarili dahil nalulula siya sa halaga na iyon.




(Lord! Diyos ko! Malaki ang maitutulong n'on sa amin! Makakaraos na kami ni Tatay kahit hindi na kami mag trabaho.) Pagbabalanse pa niya sa isip ng mga nangyayari.




*Devil's Side* sa kanyang isip.

"Mira! Ano ka ba! Huwag kang tanga! Aba! Minsan lang ang ganyang pagkakataon! Wala ka nang mahahanap na ganyan!"




(Oo, wala talaga akong mahahanap pa na ganitong pagkakataon.) Sang ayon niya sa isang isip niya.




*Angel's Side* sa kanyang isip na um- extra.


"Mira, huwag kang magpadaig sa tukso. Nakalimutan mo na ba? Masamang nanlalamang nang kapwa."


(Masama talaga. Takot naman din ako sa karma kaya lang kasi...




*Devil's Side* Um- extra na din.

"Tama 'yan! Alam mong sayang ang offer! Maging praktikal ka Mira! Hindi biro ang halagang pinag uusapan dito! Hindi mo kikitain 'yan! At isa pa tutulungan mo lang naman si Tonya dahil kailangan nito magpa opera. Hindi naman siguro masama kung tutulungan ka din niya na umahon sa hi--

*Angel's Side* Extra ulit.

"Mira, huwag kang mag padaig sa tukso.. Masama ang manlamang ng kapwa. May plano si Lord para kay Tonya kaya magtiwala ka lang at h--

*Devil's Side* Sumingit.

"Huwag mo siyang pakinggan! Ako ang pakinggan mo! Hindi naman masama ang gagawin mo. Gusto mo lang din makaraos at magkaroon ng magandang kinabukasan kaya ayos lang kung tatanggapin mo ang alok niya at isa pa matutulungan mo din si To--


*Angel's Side* sumingit din.


"Alam mong mali ang ma--



And her mind start to uproar. Naglalaban na ang kabutihan sa kanya at kasamaan. May punto parehas. Kaya ano'ng gagawin niya? Tatanggapin ba niya? O tatanggihan niya ito.




(Sige, Mira kaya mo 'yan.) Pagpapalakas pa niya ng loob sa sarili.




"Once in a lifetime opportunity lang ito na makakapag pabago ng buhay mo. Maraming tao ang susunggap ng opportunity na ito kung sila ang nasa kalagayan mo. Kaya please, pumayag ka na.." Desperadang pangungumbinsi pa nito sa kanya. Huminga siya ng malalim pagkatapos niyang mag isip sandali.




"Gusto kitang tulungan pero hindi ko kaya ang ibigay ang tulong na hinihingi mo. Malaki ang offer mo at tama ka maraming susunggab sa oportunity na ibinibigay mo. Pero.."




"I'm sorry, hindi ko kaya manloko ng kapwa ko dahil sa pera.. Marami pa diyan na maaari mong alukin..sila na lang.. Nakakaraos pa naman kami ni Tatay." Tanggi niya dito na ikinadurog naman ng puso nito.




"Paalam na, baka hinihintay na ako ng kasama ko. Pasensiya, Tonya. Ipagdarasal nalang kita na sana maging maayos ang lahat para sa'yo." Pamamaalam niya dito at tinalikuran na ito ngunit hinabol siya nito.




"Mira Jane! Mira Jane! Sandali! Mi---" Habol nito sa kanya ng pa ulit ulit. Hindi niya ito nilingon at nagulat na lamang siya ng may biglang baso na nabasag sa lamesa nila na tila nalaglag sa sahig.




-----

Phew! Tatanggapin ba niya?

Abangan!

Woah, naks si Sica. Lakas makahatak ng readers.

Well, kamukha naman kasi talaga niya ang bida.

She's the best actress for her.

Thanks!

My EX FiancèDonde viven las historias. Descúbrelo ahora