Inis niyang ginulo ang sariling buhok. Nagtiim bagang ito at madam akong tinignan. "Change your clothes."

Umirap ako sa ere. Ang takot na nararamdaman ko kanina ay nawala at napalitan ng pagkabwisit. Ano bang pake niya sa damit ko?

"Ano namang pagpapalitan ko? Gago ka ba? At saka, wala namang masama sa suot ko ah?" nakapameywang kong saad.

Napaigik ako nang hinila niya ang braso ko at sinandal sa sink. Ano na namang nabaliwan nito?

"Ano bang problema mo?!" 'Di ko mapigilang sumigaw. "Gago ka ba?! Hindi ba pwedeng sumama ako kay Adam para mabantayan kita dito?!"

"Kung sasama ka rin lang then why wore this fucking dress?!" galit na balik sigaw nito.

"Bakit masama?!" I yelled back. Shet. Kahit magkaharap lang kami, nagsisigawan kami.

Huminga ito ng malalim, pinipilit na kinakalma ang sarili. "Get change."

Lumiit ang mata ako at umiling. "No way."

Muli itong bumuntong hininga. Bakas sa mukha niya ang pagsuko. Pumikit ito ng mariin.

"Let's go."

Hindi na ako nagreklamo nang hinila niya ang pulso ko at nagsimulang maglakad palabas ng cr. Ingat ako sa bawat hakbang nag ginagawa ko. Ikaw ba naman ang magsuot ng four inches stiletto. Buti sanay ako noong nasa Amerika pa ako.

"Jared, saan kayo pupunta ni Natasha?" ani ni Carter nang magkasalubong kami.

"We're going home."

Nagsalita pa si Carter nang hinila muli ako ni Red. Kumaway nalang ako kay Carter bilang pagpapaalam.

"Sakay."

Walang sabi-sabi niya akong tinulak papasok sa loob ng kanyang sasakyan. Napaigik pa ako nang makaupo ako. Umikot naman si Red sa driver's seat. Nang makapasok siya at agad niyang pinatakbo ang sasakyan paalis sa village kung saan nakatirik ang bahay ni Carter.

"Ano bang problema mo?" takang tanong ko habang nakatitig sa kanya.

"Erase your make-up," utos nito.

"Sa bahay na. Tubig gagamitin ko. Ayoko sa tissue," sagot ko.

Tinignan ko ang aking pambisig na relo. Natural na nanlaki ang mata ko nang makita ang oras. Alas-onse y medya. Maghahating gabi na.

Humikab ako at nag-inat ng katawan. At dahil sa pag-inat ko, umagat ng dress ko. Mabilis ko itong binaba at tinignan si Red.

Parang hindi niya naman ito nakita kaya umayos ako ng upo. Habang tumatagal, napapansin ko na hindi na ito ang daanan papuntang bahay ng mga Montenegro.

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.

"May pag-uusapan tayo," aniya.

"Bakit 'di na lang dito?"

"I want fresh air."

"May aircon naman ah?" Napapantastikuhan ko siyang tinignan.

"Pwede bang manahimik ka muna? Nakakarindi na boses mo," malamig na saad nito.

"Psh." Inirapan ko siya at sumandal sa upuan. Nakakagago kausap eh.

Minutes passed, naramdaman kong tumataas ang daanan namin. Nagtaka ako at tumingin sa labas ng bintana. I saw nothing but trees. Madalim ang paligid at walang kahit na isang poste ng ilaw dito. Asan na ba kami?

Bumaling ako sa pwesto ni Red. He looks so serious, and his eyes were staring blankly on the road.

Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang buhok ko. Emma curled the tips of my hair. Ang galing nga niya sa larangan ng pagme-make up. Sana ganun din ako.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon