𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄

474 20 0
                                    

Naya, nagsisinungaling s'ya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naya, nagsisinungaling s'ya. Hindi na s'ya ang dating Kian na kilala natin. Nagbalik s'ya dahil naghihiganti s'ya. Kapag nagpunta s'ya d'yan sa iyo, tawagan mo agad sila officer Gregory. Magiingat ka, at sana... Mapatawad mo ako.
Liu



Hinampas ng alon ang kan'yang mga paa kasabay ng pagihip ng malamig na simoy ng hangin. Pagkunwa ay inalon nito ang dulo ng kan'yang puting bestida't itim na buhok.

Wala sa sarili n'yang naipikit ang kan'yang mga mata kasunod no'n ang isa-isang pagbagsak ng luha pababa sa kan'yang mga pisngi...

Siguro nga...

Ganito ang pakiramdam ng malamang nagsisinungaling sa iyo ang taong tanging pinagkakatiwalaan mo...

Sa puntong mas nanaisin mo na lamang ang maging ignorante sa lahat nang sa gayon, ay hindi gano'n kasakit.

Luhaan s'yang nagmulat, pinunasan ang nanlalabong mga mata, dala ng mga luhang tila ba'y ayaw tumigil... At tinanaw ang dulo ng karagatan...

Nagtatanong sa asul na kalangitan na tila ba'y payapa, sino nga ba ang dirinig sa pusong nagsusumigaw?

Sa pagkadismaya, sa kirot at sa sakit man. Mga sari-saring emosyon, papaano mo maipapadama ang mga ito? Paano mo mailalabas, mawala lamang ang lahat ng ito?

Nanghihina n'yang naibaba ang hawak na liham at walang lakas itong nabitawantinangay ito ng hangin. Saan man iyon paroroon, walang sinuman ang nakakaalam... Ngunit sa katotohanan o kasinungalingan mang nakasaad roon, tila inupos no'n ang kan'yang lakas hanggang sa s'ya na mismong matagal na naghihintay ay sumuko na...

Ano pa nga ba ang silbi ng lahat? Kung ang lahat ay iisa lamang ang itinuturo?

Nanghihina s'yang napaupo sa buhanginan. Tinanaw ang dulo ng karagatan at dahan-dahang niyakap ang sariling mga tuhod pagkunwa'y hinayaan ang mga luhang muling dumausdos pababa sa kan'yang mga pisngi...

Sino ang paniniwalaan n'ya? Ano ang paniniwalaan n'ya?

Noon pa man ay minahal na n'ya ang kapayapaan ng karagatang ito, ngunit bakit tila ba'y hindi na n'ya maramdaman ang kapayapaang iyon nitong mga nagdaang araw?

The Ex-convict's Retribution | Mystery-BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon