Naglalakad na Sinag

35 2 1
                                    

Hapon iyon nang ako'y mamangha
Na makakakita ng naglalakad na sinag.

Ang mga mata niya'y puno ng emosyon.
Ang mga labi niya'y laging buhay.

Ang kaniyang pagkabuhay ang nagturo
Sa akin kung ano ang pagmamahal.

Hindi ko alam kung
Bakit ako ganito sa kaniya?
Bakit siya ang naging liwanag ko?

Apat na beses siyang ngumiti
Apat na beses din akong nanghingi.
Nakatatawa kasi kapag nakikita ko siya,
Nawawala ako sa ulirat na dala ng mundo.

Isa siyang taong maliwanag pa sa sinag
Mas malayo pa sa araw,
Sentro ng aking Uniberso,
Isa siyang taong nagpapaliwanag ng buhay ko.

Para sa aking naglalakad na sinag,
Magpatuloy ka lamang lagi.    

Pinagtagpo Lang TayoWhere stories live. Discover now