Huling Araw

47 2 3
                                    

Himala kong maituturing ang di pagsakit ng aking ulo kahit na nakadalawa ako noong gabi. Agad akong nag-online para tignan kung totoo ang bangungot ko kagabi: ang pag-post ng kaniyang retrato at pagmensahe ko sa kaniya. At nalaman kong totoo pala iyong lahat sapagkat nakita kong tumugon siya sa mensahe ko. Noong araw ding iyon, sumakit ang ulo ko di dahil sa serbesa kundi sa kahihiyang dinulot ko sa 'king sarili. Talagang ninais kong magpalamon sa lupa lalo noong nagsabi siya ng, "Nalito ako. Akala ko nagloloko ang Messenger. Ako pala talaga nasa My Day mo". Alam kong Best in Memorization ako noong kabataan ko, pero hindi ko na matandaan kamo kung ano ang aking itinugon pero dama kong sobrang naging kahihiyan talaga ako sa mismong sarili ko no'n.

Ngunit hindi ko rin lubos maisip na iyon ang naging pundasyon ng pagkakaibigan naming dalawa. Natatandaan ko ring isang gabi iyon noong nakita ko ang status niya tungkol sa paborito kong anime that time na Tokyo Ghoul, nagulat ako kasi paborito niya rin pala iyon. At dahil naturingang marupok tayo ng taon, inisip nating match na kami kasi bukod sa unusual na encounter ay biglang may common grounds na kami agad na naging dahilan din kung saan mas nakakapag-usap kami nang halos araw-araw.

Sa paglipas ng panahon, masasabi kong sobra rin akong naging masaya sa kaniya kasi pakiramdam ko that day is I gained a new friend. Pero it turns out wrong, yata?

Matalas pa sa aking memorya kung paanong sigaw at pagkurot sa sarili ang ginawa ko isang gabi nang out of the blue ay nagpagawa siya ng tula sa akin. I asked him if tungkol saan, kung about jowas ba kasi during that time kahit na crush ko siya, tanggap ko namang walang mangyayaring anuman sa aming dalawa kasi may jowa siya that time pero ewan ko ba! Kilig na kilig ako sa munting pabor na iyon.

"How you see me as a person" iyan ang itinugon niya sa akin. At dahil kilig-kilig tayo that time, bonggang tipa na agad ng tula! Matapos niyon, biglang pumasok agad sa akin lahat ng mga encouragements niya sa akin noon nang una niya akong nakilala bilang manunulat. Aaminin ko, I find comfort in him pero ang akala kong Paraiso na makikita sa kaniya ay naging bakanteng lote lang pala na sa huli ay ako pa ang pupuna. Dumating ang araw na nahirapan na akong magtanim ng punla ng pagmamahal at pagdidilig ng tubig ng kadalisayang pangsusuyo. Sumuko na rin ako sa kaniya. Bakit? Kasi masyado nang lumiit ang mundo naming dalawa.

Nagkaroon siya ng bagong kasintahan na napapabalitang seloso. Dumating din sa puntong may nais umanong sumira ng kanilang samahan at sa di mawaring dahilan, lumulutang ang aking ngalan na kasangkot doon. Selfish man, pero I wanna save myself from that. So, I decided to end this all up. Tinigil ko na siyang i-stalk, in-unfollow ko na siya at hindi na muling nagparamdam pa sa kaniya.

Pinagtagpo tayo sa klinika upang matutunan kong gamutin at hilumin ang aking sarili.    

Pinagtagpo Lang TayoWhere stories live. Discover now