Wattpad Orijinal İçeriği
Ücretsiz 7 bölüm kaldı

Chapter 02 part 2: That unnameable feeling is...

17.5K 1.1K 539
                                    

***

Hindi ko pa maimulat nang maayos ang mata ko nang mag-shower ako. I was extra careful when I fixed my hair and applied my make-up. Nagsukat ako ng ilang dresses pero sa huli, nag-pants na lang ako. Ayokong magmukhang masyadong naghanda sa pagkikita namin uli ni Maxwell. I could only do so much to look beautiful. At kahit naman ano'ng ayos ko, magiging anino lang ako sa tabi niya. 

I was on my nth sigh nang pansinin ako ni Kuya Rius. Nasa loob kami ng sasakyan niya. Nagpapahatid ako sa opisina.

"Lalim ng buntonghininga mo, ah," sabi niya. "Kabado ka sa date mo o natatae ka?"

Ang talas ng mata ko sa kanya. " 'Pag nagsa-sigh, natatae talaga 'yong reason?"

Mahina siyang tumawa. "Eh 'di sa date 'yan? Kabado ka? Guwapo ba ka-date mo?"

Sumimangot ako. Oo, guwapo 'yong makikita ko. But today's... "Not a date, Kuya. Kita mo na ngang sa office ako nagpapahatid."

"Malay ko ba kung tatagpuin mo lang sa office 'yong ka-date mo para hindi halata. Sa susunod, sa bahay ka magpasundo."

Nagbuga ako ng hangin. Panira ng kaba 'to si Kuya. "It's work nga kasi."

"Outside the office?" aniya.

Napalunok ako. "Oo. May irerebyu ako—kaming resto."

Nagmaniobra siya papasok sa parking ng office building namin. Kasabay ng makina ng sasakyan ang paglala ng kaba ko.

" 'Yan. Mukha ka nang natatae, Aurora."

Inangilan ko si Kuya. Nang mamatay ang makina ng sasakyan, lumabas din ako agad ng kotse niya bitbit ang shoulder bag ko.

"May derma ka mamaya, 'di ba? Susunduin kita o si Calyx?" pahabol niya.

I was already walking towards the elevator, my heart rate dangerously fast. Hindi ko pa nga nakikita si Maxwell, hindi na 'ko makahinga.

"Si Calyx!" sabi ko.

"Galingan mo sa date mo, bitbit mo pangalan natin!"

Hindi na 'ko lumingon sa pangungulit ni Kuya.

Nagmadali ako sa pagsakay sa elevator. Sinabayan ko ang pagbibilang ng floor numbers sa display. Pinilit kong huminga.

How long has it been since I last saw Maxwell? Four years? At pangit ang huli naming pagkikita. Hindi ako magtataka kung galit siya sa'kin. 

Tahimik ang twenty-second floor nang makarating ako. Hindi naman surprising dahil Sabado. Nag-check ako ng oras sa cellphone ko habang naglalakad papunta sa opisina. It's only 6:46 in the morning. I will have enough time to breathe and compose myself before—

"Good morning, Aurora."

Natigil ako sa paghakbang. Nahigit ko ang hininga ko. Nakatayo si Maxwell sa lounge ng office namin. Nakangiti, gaya ng lagi.

Naka-puting kamiseta at maong na pantalon lang siya but he dominated the whole room. The years apart made his jaw more sharp, his eyes more intense, and his smile more lethal. Parang mas matangkad din siya kaysa sa naaalala ko. Parang mas malapad din ang balikat niya at mas matikas ang katawan niya kaysa sa naaalala ko. Sinungaling na memory. At napakasinungaling ng television screen! He's way, way, way more prince-like and masculine in person than in the ads.

Nakatanga ako sa kanya. Ang mas nakakatanga, aware akong nakatanga ako pero wala akong magawa. My mouth won't say anything. My eyes won't look away. My feet won't move. Traydor ako sa sarili ko habang tinatandaan ang buong visual niya.

Cliche (Candy Stories #5)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin