44. Old Friends Recollection

Start from the beginning
                                    

I was wondering who is she, she's not familiar at all. Kaya naman ay di ko napigilan ang sarili ko na tawagin ito.

"Hello there!" Tawag ko rito sabay ngiti. Biglang namula naman ito at nahiya. "Oh don't be shy.... by the way what's your name?" Tanong ko rito. I have this curiosity to know her. Well all beings are curious if they saw someone they are not familiar with.

"I-I'm.....P-Pearl...." sagot nito sa akin at mas lalo siyang namula. Biglang parang nagdeadlock naman ang utak ko. Tila may parte na nagshort circuit. The familiarity of her name hit my core like a nuclear bomb.

A little girl's face flashed on my mind at ngayon nga na naisip ko, somehow I can see the resemblance.

"Pearl???!!!" I shrieked when I finally recognized her.

"M-mama." Sagot nito at halos maluha pa ito at wala na itong hinintay pa at patakbong lumapit na ito sa akin at agad akong niyakap.

"I'm sorry....I'm sorry baby.... hindi kaagad kita nakilala. Ang tangkad tangkad mo na kasi. Ang iniisip kong Pearl ay baby pa rin." Saad ko rito na parang gusto din kumawala ng aking mga luha pero pinigilan ko lang.

"Mama naman eh. Syempre po maggogrow ako. Ang chaka ko naman kung hanggang ngayon bata pa rin po ako." Sagot naman nito na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa akin. "I miss you and Papa."

"I know, but have you seen Cayden? Or not yet?" Tanong ko rito at kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

Pearl is now a beautiful maiden. The little girl I adopted 5 years ago is now a grown up woman. Parang hindi ako sanay na ganyan na siya kalaki ngayon.

"No I wasn't able to. They said he's busy with some errands." Sagot naman nito sa akin. She kept her hands in front like a very formal girl which I am not used to. She was carefree when she was still a child.

"Uh, August, you must be wondering why she moves like that. Well since she was legally adopted under your name, the Veneeshian Palace trained her and educate her while you and Cayden was gone. So that's explains the formality." Paliwanag sa akin ni Angel Grace na halatang nakuha nito ang pagtataka ko.

"I see." Sagot ko. They were able to know my thoughts. I know hindi nila nababasa ang nasa isipan ko but maybe I am that readable.

"Okay, maupo muna tayo at kuwentuhan niyo naman ako sa mga naging buhay niyo dito after the war." Saad ko rito sa kanila at pumanhik na kami sa upuan.

Ikinuwento nakan nila ang naging buhay nila dito sa Pandora pagkatapos ng gyera sa pagitan ni King Laurent and ng Veneesha. Bumalik si Angel Grace sa Winterfell at palipat lipat lang siya ng isla doon. Walang permanenteng tirahan at minsan at pumupunta ito sa Main Castle ng Winterfel para bumisita kay Gen.

Si Ehr Marie naman ay bumalik sa Kimera at pinagpatuloy ang pamumuhay doon na naiwan niya. Though hindi niya ipinaliwanag kung anong pamumuhay yun but maybe it's about their duty. At si Pearl naman ay sa palasyo namalagi at tinuruan ng etiquette at kung anu-ano pa pero kalaunan ay bumalik siya sa Atlantis para naman gampanan ang kanyang tungkulin doon dahil may mga pasaway na mga laman dagat doon na nanggugulo at kailangan niyanh ayusin yun.

Sa sinabi niyang lamang dagat, di kaya mga crabs? shrimps? Yun ang nanggugulo? Pero hindi na ako nagtanong dahil baka mga sirena lang din ang mga yan dahil sa pagkakaalala ko yun ang naging sakit sa ulo ng makapunta kami sa Atlantis. That was a very unforgettable experience. Yung digmaan sa ilalim ng dagat.

Pero may isang bagay akong naalala at biglang nakaramdam ako ng excitement. Kaya di ko napigilan na hindi itanong yun.

"Angel Grace I know na close kayo, but how's Fyro?" Tanong ko rito. Naaalala ko pa na close ang dalawang ito na akala mo si Angel Grace na yung amo ni Fyro. Nakakaselos lang dati.

"Oh that. Fyro was back as well in the forest pero makikita yun na lumilipad patungo rito at nagchicheck kung nakauwi ka na pero pag di ka nakita bumabalik ulit sa kagubatan. And mind you, he's enormous now. You can already consider him as big as a dragon." Paliwanag nito sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Singlaki ng dragon? Yung naiisip ko ay yung dragon sa Game of Thrones na sobrang lalaki. Ganun din ba kaya si Fyro? Or worst kilala pa ba niya kaya ako?

"Aahh... I'm afraid baka hindi na niya ako kilala." Malungkot na saad ko dahil naisip ko na posibilidad na hindi na niya ako makilala dahil sa tagal ng panahon na lumipas. Buti sana kung aso. Kasi sila hi di marunong lumimot. Di gaya ng iba dyan, nag-abroad lang kinalimutan ka na agad.😏

Natawa naman bigla si Angel Grace. "Nah! Yan ang hindi mangyayare. Fyro has a photographic memory and he actually imprinted on you kaya hinding hindi ka mawawala sa ala-ala niya and you have this sort of bond na agad agad ka niyang makikilala kahit magbago pa ang itsura mo." Paliwanag naman nito sa akin.

Napatango-tango naman ako dahil hindi ko alam yun. Akala ko para itong pusa. Isang lingo kang nawala, limot ka na😂

"Kailan ko siya makikita?" Tanong ko pa. Hindi naman pwede na puntahan ko siya sa kagubatan dahil una, hindi ko alam saan na kagubatan yun. Pangalawa, kung bumalik siya sa natural habitat niya, malamang kasama niya ang ibang Welches Sprites na mga undomesticated at baka yan pa ang ikamatay ko dahil sa kabobohan ko.

"Random ang punta niya rito August. Pero palagay ko pupunta yun dito dahil alam ko na mararamdaman ka nun because of the bond." Sagot pa nito at biglang nakarinig na lang kami ng mala kulog na atungal sa labas ng palasyo na maging dahilan para tumindig ang balahibo ko. "Speaking of the Devil, nandyan na siya Snow." Saad ulit ni Angel Grace.

"I wanna see." Turan naman ni Pearl.

"Me too." Segunda naman ni Ehr Marie.

"Okay... Let's go." Saad ko kaagad at lumabas na kami doon.

"Oh that creature again is here. I still don't know the reason why that creature is keep on coming back in the Palace." Dinig kong saad ng isang kawal habang nalalakad kami palabas.

"That creature is deadly. It's a miracle it did not attack anyone yet until now. According from the old knights, that creature is visiting the Palace since then many years ago." Saad naman ng isa pang kawal.

Tama nga ang sinabi ni Angel Grace dahil narinig ko rin siya sa iba though hindi lang nila alam ang dahilan kung bakit bumibisita si Fyro dito. Agad akong dumungaw sa teresa na malawak at kitang kita ko ang kalangitan at lumingon ako sa gawing kaliwa at nakita ko nga ang isang pulang parang dragon na dambuhala. Malalaki ang pakpak nito at matutulis ang mga kuko. Mahaba na ang sungay nito at matatalas ang ngipin. Kung hindi ko lang ito kilala baka tumakbo na ako palayo dahil sa itsura nito.

Biglang napalingon naman si Fyro sa dereksyon ko at nagtama ang aming mga mata. Kinabahan ako bigla ng tumagilid ang ulo nito ng malita ako. Nakita ko pa kung paanong kumurap kurap ang mga mata nito at biglang lumipad ito ng mabilis patungo sa amin na may kasamang nakakabinging hiyaw.

Biglang nagkagulo ang mga kawal. Puro sigawan ang narinig ko at nagulat na lang ako ng hinawakan na ako ng mga kawal at hinihila nila ako papasok at may mga pumalibot na sa harap na mga kawal at lahat sila ay may dalang kalasag at mga spear. Nagtaka ako kung bakit ganito sila pero agad naman yun nabura. They don't know Fyro and they think Fyro will attack kaya dumepensa siya ngayon.

Shit. This should not happen. How can I stop the impending clash between Fyro and the knights if they are dragging me back inside the castle? I was horrified when I saw how the face of Fyro turned murderous seeing the Knights in battle form.
_____________________________________________

Yay! Salamat sa mga sumusuporta sa The Adventure of August. Do not forget ETERNITY to add it to your library and vote.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now