Marami siyang sinasabi.
“jiweckjwqoidhlk”
Ano daw? Aish! Ang daldal naman niya.
Hindi ko siya pinansin. Babalik na ako sa puwesto ko kanina.
Kailangan ko na tong gawin ngayon. Pag pinalampas ko pa ito, mawawalan na naman ako ng choice kundi ang manatili sa mundong to. Tapos ano? Magdudusa na naman? Masasaktan na naman? Iiwanan na naman?
Aaargh! Ayoko na.. Suko na ako… Hindi ko na kaya…
Pag ipinagpabukas ko pa ito, maduduwag na naman ako. Kailangan ko munang mawala sa katinuan ko para magawa ito. Eh kaso.. wala na akong pera… Wala na akong pambiling alak. Naubos ko na kanina. Aish! Kung bakit kasi…
Okay. Eto na..
*Hingang malalim.
May naririnig akong sumisigaw pero ayokong pansinin. Istorbo eh. Nagko-concentrate ako. (>.<)
Isa.. Dalawa.. Tat—
May humila sakin ng malakas. Bumunggo ang mukha ko sa pader.
“Hindi ka ba nakikinig?”
Pader na nagsasalita.. Minulat ko ang mga mata ko. Tao pala. Psh..
“May shinashabi ka?”
Sumagot naman siya. Or more like, isinigaw niya. (_ _”)
Hindi ko pa rin naintindihan. Nabibingi na ako eh.
Ay teka…
O_O Anak ng .. Buhay pa rin ako?! Noooo!
Napasabunot ako sa sarili ko..
At dahil sa ginawa ko…
*Bwaaaaaack…. (vomitting)
“F@#$%^&*ck!”
Uy! Narinig ko yung sinabi niya! (^_^) Pero mura iyon ah. (-_-)
Sandali… Meron pa…
*bwaaaaack… *cough. cough *bwaack… *cooough
“Sh!@#t! F!@#ck! ” And the rest of all the bad words follow…
Puro lang yata mura ang alam sabihin nito, eh.
Ayan.. Medyo gumaan na ang tiyan ko. Phew!
“Get off me!”
Itinulak ako nung pader, este nung tao pala. Ni hindi ko maramdaman na matutumba ako. Para na lang akong nakalutang.
Pero hindi ako bumagsak. O.o
May mga braso na sumalo sakin.
“Diyan ka lang. Huwag kang maggagagalaw.”
Uy, nagsalita ulit siya. Parang sinasadya niya na lakasan ang boses niya para marinig ko.
Inalalayan niya akong umupo ng maayos sa sahig at ipinasandal ang ulo ko sa pader.
Teka nga. Sino ba to?
Tama. Ang taong ito ang may kasalanan kung bakit nagpapatuloy pa ang storyang to. Ang may kasalanan kung bakit gigising na naman ako bukas…
Argh! Dapat dito binubugbog! Pero ni hindi ko maiangat ang mga braso ko… Ni hindi ko maibaling sa kabilang direksyon ang ulo ko para tignan siya..
Hindi… Tama na… Ayoko nang maabutan ang pagsikat ng araw.. Ayoko na…
May sumulpot na mukha sa harapan ko. Kanino pa nga ba?
Pero kahit na anong pilit ko ay hindi ko maaninag ang mukha niya sa kakarampot na liwanag.
“Huwag kang umiyak..”
Naramdaman ko ang palad niyang hinaplos ang mga pisngi ko. Saka ko lang din namalayan na umiiyak na pala ako..
Sinikap kong sundin ang sinabi niya. Pero hindi ko magawa…
Napahawak ako sa dibdib ko… Ang sikip… Ang sakit…
Akala ko manhid na ako… Pero ba’t ganito…
May mga kamay na umalalay sa ulo ko at napasandal ako sa balikat niya. Kusang gumalaw ang mga kamay ko para yumakap sa kanya. Naramdaman kong hinahagod niya ang likod ko..
Wala akong ideya kung anong klase ng tao ang taong ito. Ni hindi ko alam kung tao nga siya. Pero wala akong pakialam… Kailangan ko ito…
“Bakit… Bakit mo ako pinigilan? Ayoko na…”
Hindi ko pa rin magawang tumigil sa pag-iyak. Sht. Ayoko nito.. Ayoko sa lahat ang may nakakakita sakin na mahina ako..
“Wala akong pakialam sayo. Nagpapahangin lang ako dito. Nakita ko ang balak mong gawin. Hindi ako patutulugin ng konsensya ko kung hinayaan kita. Hintayin mo akong makaalis bago mo ituloy. ”
Ang ganda ng sinabi niya. Grabe. Nabago niya ang isip ko. Pssh. (-_-)
“E di umalis ka na!” Sigaw dapat iyon pero parang bulong lang na lumabas mula sa bibig ko.
Binitawan niya ako. “Kararating ko lang. Kung nagmamadali ka, lumipat ka ng ibang roof top. Dun sa kabilang building. Ako nauna dito.”
“Aaaaaaaaaah!” Ginulo-gulo ko ang sarili kong buhok. Pinagpapadyak ko ang mga paa ko sa sahig. Mababaliw na yata ako!
“Tumigil ka. Baka may biglang umakyat dito sabihin na ni-rape kita.”
Grabe. Nag-uumapaw ang concern niya sakin!
“Ikaw ang tumigil! Dapat tapos na to eh! Dapat patay na ako! Dapat hindi na kita kinakausap! Dapat…” Napahawak ako sa lalamunan ko. Ang hapdi. “Dapat hindi na ako… nasasaktan…”
Naigagalaw ko na ang mga kamay at paa ko. Siguro naman makakatayo na ako. Sinikap kong tumayo. Kaya ko to.. Konti na lang..
“Virgin ka pa ba?”
O_O Failed. Napaupo ulit ako. Bigla din akong napatahan.
“A-anong klaseng tanong iyan?!”
“Kung makaarte ka kasi parang natikman mo na lahat ng sakit sa mundo.”
!O_O! A-ano ano daw?!
“Pero sa umpisa lang yan masakit. Di magtatagal magiging masarap din iyan. Masarap pa kaysa sa inaasahan mo.”
!!! “Waaaah! PERVERT!” Sisipain ko dapat siya pero di ko natamaan.
Argh! Masisiraan nga talaga ako ng bait nito.
“What? I’m talking about your life! Masama ka mag-isip.” –this $%^&*ing Stranger
“Leave me alone!”
Napahawak ako sa ulo ko. Damn! Sabi nila nakakamanhid daw ang alak. Hindi nila sinabi sakin na parang mabibiyak nito ang ulo ko!
Hilong hilo na ako…
Hindi… Hindi ako puwedeng makatulog… May gagawin pa ako.. Bago pa mag-umaga dapat nakatalon na ako sa building na to.
Tumayo ulit ako habang nakahawak pa rin sa ulo ko. Umiikot ang paligid… Ano’ng nangyayari…? Nawawala ang kaunting liwanag…
At…. tuluyang dumilim ang paligid.
_____________________________________________________________________________
Chapter 1: FAILED ATTEMPT
Começar do início
