MGD 22 - Chase Me

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mag jowa raw, ang bading lang pakinggan. Hahaha! Girlfriend naman kita, sus! Andali naman ng pinapagawa nila." umupo s'ya pero kinurot ko naman s'ya bago ako sumampa sa likod n'ya.

"Manahimik ka nga jan. Baka may makarinig. Be professional nga.." sambit ko. Tumango tango naman s'ya habang ako ay nagseryoso na. Gusto ko rin naman matapos ang shoot na 'to dahil straight two and half hours na kaming nakikipagsagupaan sa mga lintek na camera na 'to.

"That's a blast guys! You're doing great! For now, tapos na ang photoshoot natin. Kayong dalawa rin ang unang makakita ng irerelase na magazine." he said. "Good job!" lumapit sa amin ang head photographer at tinap ang balikat ko tapos ang balikat nung halimaw.

"Wooo! Natapos rin!" nagstretch s'ya ng mga braso n'ya na naging dahilan upang makita ko ang v-lines n'ya dahil umangat ang suot n'yang damit. Ugh, I don't know kung sinasadya n'ya 'yun or something. "Ihhh gusto n'yang mahawakan ang abs ko.." pang-iinis n'ya.

"Shut up!!" paano na lang kung may makarinig sa madumi n'yang bibig. Ano na lang ang pwedeng isipin nila sa akin? Na ang kahinaan ko ay ang mga abs n'ya? Ugh, oo na. Ang cute lang kasi tingnan kapag may abs e, parang ano. Ugh, nevermind.

***

 (Play the music! I'll be there by Julie Ann San Jose)

Matapos ang nakakapagod na shoot ay inaya ako ng magaling kong nobyo na mag-date. Oo, kahit boyfriend ko na s'ya ay patuloy pa rin s'yang nagpapa-impress sa akin. He always court me. Baliw ata talaga s'ya, sinagot ko na nga e kahit walang ligaw ligaw. Tapos ngayon, gusto n'ya pa rin raw akong ligawan. You know what, kinikilig rin ako minsan. Hindi n'ya raw hahayaan akong hindi makaranas ng hindi naliligawan dahil kawawa naman daw ako. The nerve!! Tapos after that, tatawanan n'ya ako dahil nakita n'ya raw ako na nagblush. Duh, ang init kaya sa Pilipinas.

"Saan mo ba ako dadalhin?" I asked him. S'ya ang kasulukuyang nagddrive dahil gusto n'ya pa raw mabuhay. Ang over acting lang, edi kapag binangga ko ang kotse ay mamatay rin ako dahil ako ang nagddrive. Minsan talaga nagsisisi ako kung bakit ko s'ya sinagot, ang slow poke n'ya minsan at walang common sense.

"Ihh atat na s'ya sa surprise ko.." kiniliti n'ya pa ako pero hindi naman ako natawa.

"Hindi 'no! Ang kapal mo!" depensa ko. Noong isang araw kasi ay dinala n'ya ako sa isang amusement park pero hindi rin naman ako nag-enjoy dahil hinabol kaming dalawa ng mga fans n'ya. Nagdisguise pa kaming dalawa para lang walang makakilala sa amin pero sadyang mga ninja ang mga fangirls n'ya at nakilala s'ya. Ugh, bakit kasi ang famous ng tukmol na 'to?

"Huwag na nating ituloy ang date na 'to kung nariyan na naman ang mga baliw mong fangirls." bumaling s'ya sa akin ng tingin at kitang kita ko ang pagngiti n'ya.

"Hate na hate mo talaga sila 'no?" tanong n'ya which made me frown at him.

"Hindi naman sa ganon. But the fact that sobra na sila. I mean, they're reaching their limitations. Pati private life mo ay nadadamay kagaya na lang na hindi ka makagalaw ng maayos. Hindi tayo makapagdate na walang inaalala na walang mga fans mo na magpapicture sa'yo at magpapa-autograph. That really sucks!" I explained.

"Don't blame them. Masaya lang siguro sila." walang halong kayabangan ang sinabi n'ya. "In fact, nagpapasalamat nga ako sa kanila. Dahil kung wala sila, wala rin ako sa kinatatayuan ko." he sighed.

"Pero hindi rin naman sila ang dahilan kung bakit ka sumikat. Sarili mo 'yon, sumikat ka dahil may talent ka duh! Quits lang kayo."

"So sinasabi mo na may talent ako?" natatawa n'yang sabi.

"Wala akong sinabi. Huwag kang mag-ilusyon." kaya ang hirap n'yang bigyan ng compliment dahil nakakainis ang pagcchange n'ya ng mood, minsan humble, minsan hambog.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon