"Ang agang badtrip ah" sabi ni Gela sa kanya. At dahil mukhang badtrip nga to hindi sya pinansin nito. Ano pa ba aasahan mo dyan?

"Ate!! umalis na ba sila Mama?!" rinig naming sigaw ni Rio. Ang lakas naman ng boses nya tila nasa gubat ah.

"Tsk..ang aga ingay mo!!" nagulat kami ng pasigaw na sumagot si Mia, badtrip nga talaga to, akala mo nakawalang lion eh.

"Nagtatanong lang ako!" sigaw pabalik ni Rio na kakapasok lang ng kusina. San ba sila pinaglihi at ang hilig nilang sumgaw?

"Umalis na sila Rio" si Gela na lang ang sumagot sa tanong ni Rio. Tumango at umalis na walang sinasabi ang batang yon. Napakabossy naman non.

"Salamat Rio" napairap na sabi ni Gela, natawa kami sa kanya kahit kaylan talaga ang ewan ni Gela.

Pagkatapos gamutin nila Gela sila Cyrus nagpunta kaming tatlo sa garden dala ang arnis namin. Habang wala pa daw ang almusal mag arnis na muna daw kami, ewan ko kung bakit basta sumunod na lang daw ako sa kanilang dalawa. Ang weird nga eh magkasundong magkasundo silang dalawa ngayon, nung nakaraan lang eh halos parang hindi sila magkakilala kung umasta pero ngayon akala mo mag on silang dalawa sa sobrang close nila sa isa't isa. Sabi ko nga hindi ko pa sila masyadong kilala.

"Yung kay Sir talaga ang lupet ang bilis!" sabi ni Cyrus habang ginagaya yun ginawa ni Sir nung P.E time namin.

"Oo nga eh umiikot pa sa likod nya" pagsang ayon naman ni Kyle, feeling ko nga OP ako sa kanila eh halos sila lang ang nag uusap akala mo naman ang tagal hindi nagkita eh.

"Natawa nga ako ng gayahin yon ni Ren eh, sapul sa ulo hahaha" Cyrus.

"Hahaha nakita ko din yon! laughtrip si Ren non eh hahahaha" Kyle.

"Ang engot kasi masyado syang mayabang yan ang napala nya" Cyrus.

"Wala eh purkit katropa nya si Nick kung umasta kala mo sya ang hari" Kyle.

Kitams? OP ako sa kanila. Sana hindi na lang nila ako sinama kung hindi lang din naman nila ako papansin. Bumugtong hininga na lang ako, hayaan na ngayon ko lang din naman sila nakitang ganyan eh atleast wala ng awkward sa pagitan nila. Pero nakakapagtataka lang ano bang problema nila at bakit nung nakaraan eh parang magkaaway sila? kaya ba may mga sugat sila dahil sa problema nila? Hays..bakit kasi hindi nila sinasabi sakin eh yan tuloy para akong timang dito.

"Hoy! kakain na daw!" napatingin kaming tatlo sa sumigaw, gising na pala sya akala ko mamaya pa sya magigising eh.

"Tara kakain na daw tayo eh" aya ni Cyrus kaya sumunod nalang kami sa kanya.

Pagdating namin sa kusina kanya kanya kaming umupo kaya ang pwesto naming lahat ay paganto.

Mia | Ria | Ako | Cess | Gela

The Probinsyano in ManilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon