Ikadalawampu't lima

20 0 0
                                    

Iyak ng iyak si Mica na lumabas ng bar. Takip-takip niya ang kaniyang bibig habang tumatakbo sa daan. Mabuti na lang ay wala nang masiyadong kotse sa daan, kundi ay nasagasaan na siya ng wala sa oras. Kung saan-saan siya lumusot kahit hindi niya alam patutunguhan nito. Alam niyang susundan siya ni Audrey kaya naman tumakbo siya ng tumakbo.

Gusto niyang makalayo.

Naiinis siya. Nanginginig siya sa inis dahil nangyari iyon. Nabastos siya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya iyon naranasan. At nakita pa ito ni Audrey.

Huminto ng takbo si Mica malapit sa isang poste sa tabi ng kalsada. Umiiyak pa rin siyang umupo sa may gutter.

Tinignan niya ang kaniyang paligid, at dahil hindi naman pamilyar sa lugar ay nakaramdam siya ng takot. Pero hindi niya iyon masiyadong alintana. Hindi pa rin kasi niya mapigilan ang kaniyang pag-iyak.

"Para kang tanga, Mica." Bulong niya sa kaniyang sarili. "Stop it." Pag-aalo niya sa kaniyang sarili.

Ito na yata ang sumunod niyang iyak, matapos mamatay ang kaniyang daddy. 'Di niya akalain na aatakihin uli siya ng kaniyang anxiety.

Unti-unti niyang pinapakalma ang kaniyang sarili. Huminga siya ng malalim habang hawak-hawak ang dibdib.

"It's okay, Mica. It's okay." Sambit niya.

Ilang minuto rin siyang nakaupo sa ilalim ng poste. Bilang na bilang na sa kamay ang dumadaang sasakyan sa kalsada. Isa ngang sasakyan ang tumigil at inalok siya ng sakay, pero hindi niya ito pinapansin at nakatulala lang siya sa kung saan kaya umalis na lang ito.

Masiyado nang malalim ang gabi. Wala siyang relo kaya hindi siya sigurado kung anong oras na.

Tumayo lang siya at nagkaroon ng wisyo nang may lumapit sa kaniyang isang police officer.

"Miss, okay ka lang ba?" tanong nito. "Pansin ko kasi kanina ka pa nakaupo diyan, saka tabi 'to ng daan baka kung mapano ka." Tuloy-tuloy nitong sabi.

Naririnig niya na nagsasalita ang police officer, pero wala siyang maintindihan sa mga sinabi nito. Hindi pa rin mawala ang kaniyang pagkatulala.

"Miss," pagbanggit uli ng police officer.

That time ay tumingin na si Mica rito.

"Kailangan niyo po ba ng tulong?" tanong nito sa kaniya.

Ngunit imbes na sumagot ay tumayo si Mica at naglakad papalayo sa officer.

Ilang oras din siyang naglakad ng naglakad. Sinusubukang alalahanin kung saan nga ba ang daan pabalik. Ang naalala niya'y hindi naman gaano kalayuan ang kanilang dinrive ni Audrey nang magpunta sila sa bar na iyon.

Kaso hindi siya makapag-isip ng maayos. Iba ang tumatakbo sa kaniyang isip.

"Oh my God, Mica!" narinig niya sigaw.

Dahan-dahan namang iniangat ni Mica ang kaniyang ulo at tinapatan ang tingin sa kaniya ni Audrey. Batid niya ang pag-aalala sa mukha nito.

"I'm sorry Mica. I'm so sorry." Paghingi nito ng tawag habang kayakap siya.

Bumalik ang bigat na sinubukan niyang alisin habang hinahanap ang unit na kanilang tinutuluyan.

Lalong siyang naiyak nang maisip kung gaano niya napag-alala si Audrey. "Sorry," sabi niya. Umiling naman ito at sinabing hindi dapat siya humihinigi ng sorry.

Makalipas ang ilang sandali ay pumasok na sila sa condo at tinanong siya nito kung gusto ba niya ng tubig. Umiling siya at umusog sa gitna ng kama.

"Tabihan mo na lang ako." Kaniyang sabi.

Nakangiti naman itong tumabi sa kaniya.

Pinagmasdan ni Mica ang mukhang nasa kaniyang harap. Ang magandang mukhang hindi niya aakalain na kaniyang mahahagkan, at mahahalikan.

Pumikit ulit si Mica. Iniisip niya... hanggang kailan niya kaya maaalala ang mukhang ito?

Because of this thought ay naiiyak na naman siya.

"Anong naiisip mo?"

Umiling si Mica at ngumiti. Hindi niya masabi ang totoo kay Audrey.

"Then why are you crying?" tanong uli nito.

Mica opened her eyes and meet Audrey's. Ah, ang mga mata nito... "Masaya lang ako kasi kasama kita." Kahit sa huling pagkakataon... gusto niyang idugtong.

"Matulog ka na, okay?"

"You, too." Sabi niya. Hinalikan naman siya nito sa noo at saka pumikit na.

Agad na napawi ang kaniyang ngiti nang makita niyang mahimbing nang natutulog si Audrey. Napalitan ito lahat ng takot at sakit.

Nakita niyang pagod na pagod ang mukha nito. Malamang nag-alala sa kaniya dahil sa nangyari. Iniisip din ni Mica, hindi naman sanay sa ganitong isipin si Audrey. She's used to be a happy go lucky with her friends. Nakita niya naman ang gano'n side nito sa birthday party ni Kieth. At sa kaniya... hindi nito ito magagawa.

Dahan-dahan siyang bumangon at umalis ng kama. Sa Sobrang pagod siguro at madali itong nakatulog.

Mabigat sa loob, pero tingin ni Mica'y kailangan niya itong gawin.

Kumuha siya ng papel at nagsimulang magsulat. Hindi niya mapigilang hindi umiyak habang ginagawa niya ito, pero nandito na, hindi na siya makaaatras pa.

Matapos magsulat ay nilagay niya ito sa aparador, saka kinuha ang ilan niyang gamit.

Lumingon siya sa kama kung nasaan si Mica.

Mahimbing pa rin itong natutulog. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Bumibigat na naman ito.

Dahan-dahan siyang lumapit dito. Pinagmasdan niya ito ulit... at hinalikan niya ito sa noo.

"Good bye, Audrey."

Saka siya tuluyang umalis.

Habang naglalakad papalabas ng buhay ni Audrey ay naisip niya...

I'm letting her go, yet I'm the one leaving. Why does true love has to be right?

It hurts a lot. 

We BelongWhere stories live. Discover now