Ikapito

29 2 0
                                    

"Kasalukuyang sarado ang lahat ng daungan ng barko at mga paliparan dahil sa bagyong Gracia. Pinapayuhan na manatili na lamang sa kanya-kanyang tahanan ang mga mamamayan lalo na sa mga nabanggit na apektadong lugar. Inaasahang magkakaron ng malawakang pag-brown out gawa ng lakas ng hangin sa ilang bayan sa Norte. Mabuting maghanda na sa mga susunod pang araw dahil hindi pa tiyak kung kailan titigil ang hagupit ng bagyo."

Iyan ang huling narinig nila Mica at Audrey bago tuluyang mawalan ng kuryente. Ala una na ng madaling araw at nag-aabang pa rin ng pagtila ng ulan si Audrey. Kampanteng nakaupo siya sa may sofa at may hawak na cellphone, nagbabakasakaling magsend ang mga texts messages.

"Wala ka na yatang load?" sambit niya ay Mica na nagluluto ng maakain sa kusina. Nanghiram siya ng cellphone dito dahil hindi niya dala ang kanya.

Inikot ni Mica ang mga mata, "Baka walang signal, sabi sa TV mawawalan 'di ba?" nagkibit balikat naman ang kausap. Nakita pa nga niyang napangiti ito. Bakit kaya ito nangingiti?

Mica, on the other hand, just shook her head. Why in the first place she agreed for Audrey to stay here? Bukod siguro sa makokonsensya siya kung may mangyari man ditong masama, hindi na niya alam ang iba pang dahilan.

"Hmm, what's the food? It smells good."

Halos mabitawan ni Mica ang hawak niyang pan na naglalaman ng bacon at omelette nang biglang sumulpot si Audrey sa tabi niya. Isama mo pa ang ambiance na bumabagyo at kandila lang ang nagbibigay liwanag sa kusina. May kalakihan pa naman ang silid na ito. Creepy.

"Goodness! Hindi ka ba pwedeng mag-stay sa iisang lugar lang? Kung saan-saan ka sumusulpot!" singhal ni Mica na nanlalaki ang mata.

"Oh sorry, hehe, sungit mo naman." Hagigik naman ni Audrey. "Anyway, pwedeng bang manghiram ako ng damit? Mukhang magka-size naman tayo. I already feel so sticky, ito pa rin yung damit ko kagabi."

Naisip ni Mica, makapal lang ba talaga ang mukha nitong tao na ito o sadyang sanay lang ito na napagbibigyan?

"Don't worry, I'll repay everything." Dagdag pa ni Audrey.

Nagbago na naman ang timpla ni Mica dahil sa nairinig. "Can you stop saying that?" Kailangan ba lahat may kapalit? Dagdag pa niya sa isip niya. "Ibababa ko na lang after kumain. Tara sa dining."

Napangiti naman si Audrey dahil do'n. She's feeling happy now. It's weird dahil kumportable na siya sa bawat kilos niya sa loob ng bahay, as if being there is the natural thing in the world. It seems like finally, she's at peace.

Tahimik silang kumakain sa 8-seater carved Acacia table. Audrey kept looking around sa lahat ng mga bagay na natatamaan ng liwanag ng kandila. Hindi niya maiwasang mamangha sa mga nakaukit sa lahat ng kahoy doon.

"If you don't mind me asking, saan mo pinagawa yung mga furnitures mo?" tanong ni Audrey. Ngunit hindi kaagad siya pinansin ng kausap puwera na lamang nang tawagin niya ito sa pangalan. "Mica,"

Natigilan ng bahagya si Mica, naninibago. Sobrang tagal na ng may tumawag ng kanyang pangalan sa kanya sa loob ng sariling bahay kaya hindi siya sanay.

"Mica," tawag uli sa kanya.

Naisip niya na sana hindi na lang niya sinabi dito ang kanyang pangalan. Kung hindi nga lang ito naging makulit. "What?"

"I'm asking kung saan ka nagpagawa ng mga furnitures mo? It's so cool that most of them are made from wood."

"Ah, dito lang." Sagot niya ng may katagalan.

"What do you mean by dito lang? Pumupunta dito yung gumagawa?" curious na tanong ni Audrey habang sumusubo ng pagkain. She hasn'teaten anything since napadpad siya sa bahay na iyon.

"No, I made those."

Audrey couldn't believe what she heard. She was truly amazed na ang kausap lang niya ang gumawa ng mga ito. "Are you serious? Gawa mo lahat?! Even this table?" turo ni Audrey sa lamesa. Halos mayakap rin niya ito dahil sa pagkakahaplos niya rito.

Two big dragons were carved at the center of the table. Hindi biro ito lalo na't madetalye ang ukit.

"Mostly, but... kaming dalawa ng dad ko."

Audrey nod, amazed. Sa isip-isip niya, kung may talent lang siguro siyang ganito ay hindi na siya nag-artista."Ahhh, ano bang profession mo? And where's your dad?"

Pinunasan ni Mica ang bibig matapos uminom, nabibaba na rin niya ang hawak na mga kubyertos. "I'm an Architect, but hindi na ako ngayon kumukuha ng projects so binubuhos ko na lang ang time ko sa pagiging freelance artist." Sagot niya. "Since my Daddy died." Dugtong pa niya.

"Oh... I see." Sagot naman pabalik ni Audrey. Tinikom na rin niya ang kaniyang bibig. Gusto pa sana niyang magtanong tungkol sa kung anong dahilan ng pagkamatay ng Daddy ni Mica, pero minabuti na niyang kumain na lang ng tahimik. Ganoon rin naman ang kausap. Tahimik lang rin itong kumakain, though sa pakiramdam ni Audrey, at sa kaunting ilaw na nagmumula sa kandila na nasa gitna ng lamesa'y nakikita niyang parang malungkot ang mukha nito.

Inisip ni Audrey, gaano kaya kalungkot at kasakit ang mawalan?

She never experienced any loss since she was born.

Ang kaisa-isa lang sigurong pangyayari na nawalan siya ay ang pagkawala ng favorite teddy bear niya noong siya'y bata pa. She really loved the stuff toy that her mom brought her. But then isang araw, while strolling in the park with her yaya ay nabitawan at na-missed place niya ito. She cried the whole night sa pagkawala nito. Pero nang malaman iyon ng kanyang mommy, ay agad siyang inalo at sinabing bibilhan na lang siya kinabukasan.

"But it won't be the teddy bear that you gave me anymore," sabi niya noon.

"No sweetie, every teddy is the same. You can all buy them at stores. Don't worry; I'll just buy you tomorrow. How many do you want? One? Two? Do you want a life size teddy?"

Audrey excitedly smiled. "Really mom? I want! I want!"

And since then, natatak na sa utak ni Audrey na lahat ng mawala ay mapapalitan din.

She's afraid though. Takot siyang maranasan na mawalan.

We BelongМесто, где живут истории. Откройте их для себя