Paper Cranes

93 16 20
                                    

What if Chanyeol didn't really loved Baekhyun? What if Baekhyun was just a rebound? What if Kyungsoo was the one Chanyeol really loves?

"I had to savor each moment of us because I know I'm fading away, I know you love him because you never looked at me in that way"

CHANYEOL'S P.O.V.

1 text message received
From: Boo ❤
Boo nasa airport na ako pwede mo ba akong sunduin? I missed you boo

Shit nandito na si Boo! I feel like I'm the happiest man on earth!

"Baek sorry hindi muna ako makakauwi ngayon kailangan ko kasing sunduin yung bestfriend ko sa airport baka bukas na ako makauwi kasi magcatch up pa kami."

"Ah sure ingat ka Yeol I love you~"

"Sige. Alis na ako" sabi ko habang nagmamadaling umalis. Pagkadating ko sa airport ay agad kong hinanap si Boo. At nang magtama ang mata namin ay nakaramdam ako ng ibang klaseng spark. Ang spark na hindi ko nararamdaman kay Baekhyun. Ang spark na sa kaisaisang tao ko lang nararamdaman, Do Kyungsoo.

"Boo!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "I really really missed you boo"

"Boo I know you missed me so much but please loosen your hug it's too tight you're killing me"

Natawa ako sa sinabi niya at hawak kamay kaming naglakad papunta sa kotse ko. Ang dami naming napagkwentuhan ni Boo bago kami makarating sa hotel kung saan siya magsstay.

"Paano ba yan bukas na lang Boo?" Sabi ko sa kanya habang hawak ang doorknob ng hotel room niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at halikan. Tumugon ako sa bawat halik niya at sa isang iglap nawala na ang aming mga kasuotan. Naglakbay ang mga kamay ko sa
bawat kurbada ng katawan niya. Minamarkahan ang katawan niya bilang pagaari ko habang ang mga ungol niya ang nagsilbing musika sa aking tenga. Unti unti kong pinasok ang aking pagkalalaki sa kanyang pinakaiingatan. Rinig ang salpukan ng aming mga laman hanggang sa naabot ko ang sukdulan. Sabay kaming nakatulog habang magkayap ang aming mga hubad na katawan.

Kinabukasan nagmamadali akong magsuot ng damit at makauwi. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Baekhyun na nakahiga sa sofa at natutulog. I felt a rush of guilt in my veins, I cheated. Hindi tama ang ginawa ko. Pinagmasdan ko siya habang natutulog hanggang sa naramdaman niya ang mga titig ko at dumilat siya.

"Good Morning Chan kumain ka na ba ng agahan? Anong oras ka dumating? Kamusta yung kababata mo? Nagkape ka na ba?" sunod sunod niyang tanong at tila ba kusang gumalaw ang aking bisig para siya ay yakapin.

"Okay ka lang ba yeol?" nagaalala niyang tanong.

"Baek anong ginawa mo kagabi habang wala ako?" Nakita kong sumigla ang mukha niya.

"Gumawa ako ng paper cranes Chan! Sabi kasi nila pag daw naka-isang libong paper cranes ka pwedeng matupad yung wish mo!"

"Ano namang iwiwish mo baek?" tanong ko sa kanya at hindi ko alam kung namalik mata lang ako pero nakita kong tila ba nalungkot ang mga mata niya at nawala ang kaninang sigla niya habang nagkukwento.

"Secret" sabi niya sabay ngiti ng matamlay. "Halika na nga Chan ipagluluto kita!"

Isinantabi ko na lang ang nakita kong lungkot sa mga mata niya

THIRD PERSON'S P.O.V.

Tatlong buwan na ang nakalipas. Tatlong buwan na pagtataksil ang ginawa ni Chanyeol. Bawat pagkikita nila ni Do Kyungsoo ay isang makasalanang gabi. At sa bawat paguwi niya sa bahay nila ni Baekhyun ay isang malaking pagsisisi. Sa bawat paguwi niya ay kapansin pansin ang pagbabago sa pagkilos ni Baekhyun. Kapansin pansin ang panghihina ni Baekhyun at dahil mas focus si Chanyeol kay Kyungsoo ay hindi niya nahalata ito. Nasa ika 989 paper crane na si Baekhyun nang umuwi si Chanyeol na lasing.

"A-ayos ka lang ba Chan?" nagaalalang tanong ni Baekhyun. Bigla siyang tinulak ni Chanyeol kaya bigla siyang tumama sa sahig.
"Umalish ka nga! Shagabal ka sha relasyon namin ni Kyungshoo"
"C-chan"
Biglang nawalan ng malay si Chanyeol dahil sa kalasingan habang umiiyak si Baekhyun dahil sa mga narinig.

Kinabukasan nagtataka si Chanyeol kung bakit hindi niya naaamoy ang mabangong luto ni Baekhyun sa umaga. Hindi niya naririnig ang mala-anghel na tinig ni Baekhyun habang binabati siya sa umaga. At may kung anong kaba sa kanyang puso ng hindi niya mahanap sa kusina si Baekhyun. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Pagpasok niya sa kwarto nila ni Baekhyun ay nagulat siya sa tumambad sa kanya. Napakadaming paper cranes. At sa gitna ng kama ay nakakita siya ng sulat.

Dear Chanyeol,
Thank you for staying with me even if you don't love me. I made a thousand paper cranes because I wanted to make a wish. I wish to be loved by you even just for a second. I am now officially letting you go. If you wish to see me you can see me at the 3rd house beside our favorite bridge. I'm sorry if I am the torn between you and Kyungsoo's love. I'm sorry Chan I love you very much.
Love,
Baekhyun

Hindi alam ni Chanyeol kung bakit pero umiiyak siyang nagmamadaling pumunta sa lugar na sinasabi sa sulat ni Baekhyun. Ang alam lang niya kailangan niyang mabawi si Baekhyun. Kailangang umuwi ni Baekhyun sa kanya. Kailangan niya si Baekhyun. Pagdating sa bahay na sinasabi sa sulat ay binuksan ni Chanyeol ang pinto ng bahay. Nakakita siya ng isang sapatos at nakalagay sa taas ay "Happy Monthsary Chan" Nakakita pa siya ng napakaraming regalo na may nakalagay na Happy Monthsary hanggang sa makakita siya ng isang envelope. Pagbukas niya ay nakita niya ang isang sulat at isang titulo ng bahay. "Happy Anniversary Chan. Binili ko ang bahay na to dahil sabi mo dati gusto mo ng bahay na malapit sa paborito nating bridge. Salamat sa lahat. Mahal kita."

"Baekhyun!" Sigaw ni Chanyeol at nagulat siya ng may lumabas na babae.

"Nasa likod po si Sir Baekhyun kagabi pa po niya kayo inaantay"

Patakbong pumunta sa likod ng bahay si Chanyeol at sadyang nanlumo siya sa kanyang nakita. Isang kabaong at si Baekhyun na wala nang buhay.

What If: Ang iba't ibang landas ng adventures ni Tita Baekhyun at Dade ChanyeolWhere stories live. Discover now