Chapter 12

42 3 1
                                    

Maxene Axe's POV

5 PM na nang tingnan ko ang relos ko. Kakatapos ko lang kunin lahat ng attendance sheet at ihahatid ko na sana ito sa SSTUCO office nang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at sinagot ang tawag nang makitang Mama ang nakalagay sa screen.

"Dear, nandito ang Papa mo." sabi ni Mama sa kabilang linya na ikinatigil ko sa paglalakad. Dumaloy sa katawan ko ang galit nang marinig ko ang salitang Papa.

Bakit na naman siya bumalik? Kinuyom ko ang dalawa kong palad. Matibay naman 'tong cellphone ko kaya hindi 'to basta-basta nagca-crack.

"Ano daw'ng pakay?" Medyo galit kong tanong. Bumuntong hininga naman siya bago sinagot ang tanong ko.

"Nangungumusta lang. Sinabihan ko na umuwi na siya pero gusto ka daw niyang makita" Napangiti ako ng mapait. Yung taong yun gusto akong makita? Haha siguro gustong laitin. Tsk.

"Hindi ako uuwi hangga't hindi siya aalis. Sabihin mo sa kanya yan Ma" Sinunod naman ni Mama ang sinabi ko dahil narinig ko ang boses ng taong yun. Medyo natagalan siya bago sumagot ulit.

"He said he misses you. Sabay daw tayong tatlo kumain kaya hindi daw siya aalis hangga't hindi ka uuwi. Hindi daw siya kakain kung hindi ka uuwi" Nanghihinang sabi ni Mama. Tsk, hinigpitan ko ang hawak sa phone ko. Pinahirapan na naman ng g*go si Mama, kung hindi siya aalis edi hindi ako uuwi. Magutom siya don kakahintay. I know he's bluffing. Maraming beses na niya yan sinabi sa'kin pero pagdating ko sa bahay, lait naman ang nakukuha ko. Tell me, yan ba ang taong namimiss ang anak niya?! He's making my blood boil again grrr.

"Stop that nonsense Ma! Alam naman nating hindi totoo yang mga sinasabi niya!" Medyo malakas kong sigaw, pero sapat lang na marinig ng pwet ko. Pssh wag mo ngang i-entertain ang sarili mo sa mga joke na yan Axe.

"*Sigh* I don't think so anak. Mukhang sincere na talaga siya ngayon" Nag make-face ako at ginaya ang sinabi ni Mama pero hindi ako lumikha ng tunog.

"Stop making faces dear. And stop repeating what I said. I'm serious" Seryosong sabi ni Mama. Mas hinigpitan ko ang hawak sa phone tsaka sinagot siya.

"Seryoso din ako Ma. Hindi ako uuwi hangga't hindi pa umaalis ang lalaking yan"

"Respetuhin mo naman siya kahit kaunti lang anak. Kahit sa pagtawag mo lang ng Papa"

"That's never gonna happen Ma. And I'm keeping my words, hindi talaga ako uuwi hangga't hindi siya aalis sa bahay" Seryosong saad ko. I know I'm too much pero masisisi niyo ba ako? Kung kayo ang nasa posisyon ko baka hindi niyo rin gugustuhing makita siya.

"Kung ganon saan ka naman matutulog? May sapat na pera ka ba na pangkain mo?" Napatigil ako sa tanong ni Mama. Hinanap ko kaagad ang wallet ko, nahanap ko naman kaagad dahil nasa bulsa ko lang. Dismayado akong napatingin sa loob ng pitaka ko.

"Dear, nandyan ka pa ba? Ano may alam ka bang lugar na pupuntahan mo? May pera ka pa ba? Kung wala, umuwi ka nalang. Baka may mangyari pa sa'yong masama...umuwi ka nalang please...?" Nagmamakaawang sabi ni Mama.

Bente.

Bente pesos nalang ang natira sa baon ko. Fifty lang yung nadala ko kasi wala namang pasok tsaka--may binili ba ako kanina?---Ay oo nga pala, pinahiram ko ng thirty si Jessica kasi kulang daw ang pera niya pambili ng regalo sa kapatid niya, pero babayadan daw niya ako bukas. Pero Axe! Bukas pa yun! Ano ba naman to. Tsaka saan naman ako matutulog? Aahhh! Ang bobo mo Axe. May pasabi-sabi ka pang hindi ka uuwi, wala ka namang matutuluyan. Tsaka wala ka nang pambili ng pagkain. Magugutom ka ba buong magdamag?

Introvert (Under Major Revision)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ