Chapter 4

38 5 0
                                    

Maxene Axe's POV

Nagtitinginan na kaming tatlo ngayon. Medyo na-o-awkwardan na ako kaya umupo ako sa harap ni Nathan. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa mga titig niya kaya tumingin nalang ako sa principal na mas mabuti tingnan dahil nakangiti ito. Hindi nga lang yung usual niyang ngiti.

"Miss Trillion, alam mo na siguro kung bakit kita pinatawag?" Tanong ni Principal pero hindi na ito nakangiti.

"Yes Ma'am." Sinagot ko siya ng maayos dahil alam kong wala siya sa mood. Nagagalit o di kaya madidisappoint siguro sa akin. Bago niya diniscuss yung problema eh may tinanong pa siya sa akin.

"Nasaan nga pala si miss Bartolome? Diba kasama mo siya? Siya yung pinasundo ko sayo kanina dahil siya lang ang available sa mga officers." Sasagot ba ako ng tama? O magsisinungaling ako? Sa totoo lang, hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi ko na alam ang sunod niyang ginawa matapos ko siyang iwan sa hallway.

"Hindi ko po alam kung saan siya pumunta pagkatapos niya akong ihatid malapit lang sa office niyo." Nag-isip naman siya ng malalim. May nararamdaman ako sa left side ko kaya tumingin ako dito. Nakikita ko sa mga mata niya ang galit at disappointment. Nakakuyom din ang mga palad niya at parang may alam siya sa nangyari sa aming dalawa ni Sheena kanina. Ito ba yung nafeel kong kakaiba kanina?

Teka lang, diba sabi ni Sheena kanina na hindi pa daw kumpleto ang mga faculty members na nandito?  Wala naman akong nakikitang kahit isang tao na parte sa faculty ah. Ginagago lang ba niya ako para hindi namin bilisan ang paglalakad kanina? Pero kung tungkol sa kontrata ang pag-uusapan namin, diba dapat kasali sila? Tinanong ko yung nasa isip ko kay Principal.

"Ah..yun ba? Kinancel ko na ang pagpunta nila rito. Pinabalik ko na din yung nakapunta na dito sa mga klase nila. Ako nalang ang mag-iinform sa kanila pagkatapos nito." Tumahimik na naman ang buong paligid pero nawala yung katahimikan nang magsalita si Nathan. Tiningnan niya ag relos niya kaya tiningnan ko rin ang sa akin. Malapit na mag-nine. "Ma'am, simulan na natin para mabigyan na 'to ng card." Base sa pananalita niya, ako yung tinutukoy niyang bigyan ng card. Wala pa nga silang patunay, huhusgahan agad? Walang silbi ang utak niya kung ganon. Wala akong pakialam kung i-interogate nila ako. Sasabihin ko naman ang totoo. Tumango si principal at binaling ang tingin sa akin. Tiningnan ko ng masama si Nathan. Sumusobra na siya ah, baka may mali akong magawa sayo.

Tinitigan din niya ako pabalik ng masama. Hindi ko masyadong mawari ang mga nangungusap niyang mga mata kaya hindi ko na yun pinansin at ako ang umuna sa paglayo ng tingin. "Wag kayong magsimula ng gulo dito. Pareho kayong may magandang reputasyon kaya wag niyong sayangin dyan sa mga mata niyo. Daig pa sa baba ang mga nangungusap niyong mga mata." Maotoridad na sabi ni Principal. Inilihis na din ni Nathan ang mga mata niya at tumingin sa vase na maliit na malapit lang sa table ng Principal.

Wala akong pakialam kung maganda ang o pangit ang reputasyon ko sa school basta tatapusin ko ang pag-aaral ng walang istorbo. "So. Maging seryoso kayo at tatapusin natin to ng maayos ok?" Tumango lang kaming dalawa bilang pagsang-ayon. "Good. First...Sabihin mo ulit sa amin kung ano yung nakita mo noong paalis kana sa office ng SSTUCO Nate." Naging seryoso na ang ambiance ng office nang magsalita si Nathan. Mali pala ang pagtawag ko sa kanya ng Nate noong mga nakaraang araw. Hindi kami close at parang hindi bagay ang palayaw niya sa ugali niya.

"Nung paalis na ako. Siniguro kong nalock ng mabuti ang pintuan ng office. Katatapos ko lang maglock nang nakita ko tong babaeng 'to malapit sa bulletin board." Referring  to me. Nakatingin siya ng diretso sa akin. Mas lalong lumamig ang hangin, ngayon ko lang narealize na sobrang lamig din pala niyang magsalita. Hindi ko lang siguro napansin kanina dahil wala naman akong pakialam sa kanya. Which reminds me of Sheena. May sinabi siya kanina 'minsan na lang siya nagsasalita at kung magsalita man siya, sobrang lamig...' If I remember it correctly, she's referring to Nathan. His attitude says it all.

Introvert (Under Major Revision)Where stories live. Discover now