Prologue

172 9 1
                                    

Maxene Axe's POV

"When I say all, I mean all!" Sigaw ni Ma'am habang nakatingin sa akin. Malalaman mo kaagad na galit siya dahil sa tono ng kanyang pananalita.

Nagtataka ko siyang tiningnan. Lumaki bigla ang mga mata niya habang nakaturo ang kanyang kamay sa green board. Binasa ko naman ang nakasulat nang hindi na nanlabo ang paningin ko.

VICE PRESIDENT: Maxene Axe Trillion. Ha?! Paano ako nasali d'yan?

Nakinig ka sana kanina Axe! Urggh...

Sino naman sa mga classmate ko ang nag-elect? Akala ko walang mag-eelect sa akin dahil tahimik lang ako dito--ay oo nga pala... Si Principal.. Tsk. Nakalimutan ko.

"A-ah Ma'am sino po ang nag-elect sa'kin?" Tumayo ako at itinaas ang aking kamay, hindi pinapahalatang may alam na ako sa nangyayari."Wala ka ng pakialam kung sino, basta pumunta ka na sa conference room." Nanlalaking matang diin niya. Napakamot nalang ako sa ulo ko habang naglalakad palabas.

I can't believe it! Vice-President talaga ang binigay niyang pwesto? Pero mas mabuti na rin 'yon kesa maging President.

At dahil acting Vice-President ako ng klase namin, kasama ko na palagi ang Presidente namin na Student Council President din ng SSTUCO. Nag-aasikaso ako ng mga bagay-bagay sa room namin at inaamin ko, hindi talaga maganda ang experience.

"Uhm excuse me sino ang President n'yo dito?" Isang senior ang pumasok sa room at nagtanong. "Absent po s'ya kuya." Sagot ng isang kong classmate."Ang VP ninyo nandito ba?" Tumango ang kaklase kong babae na sumagot kanina sa kanya. "Oh... So where is he or... she?" Nagsitinginan lahat ng mga kaklase ko sa direksyon ko kaya natural na titingin din 'yong senior. Pinapunta niya ako sa unahan at nag-usap kami saglit bago niya binigay ang mga dala niyang folders at clearbook. 6:30 AM ko daw dapat ipasa bukas.

Lumaki ang eyebags ko dahil sa letcheng paperwork na ibinigay sakin. Akalain mo 'yon, 3:26 AM na ako nakatulog at nabuhusan pa talaga ako ng tubig sa umaga dahil malapit na mag six thirty.

Eto pa...

"Trillon." Nilingon ko ang lalaking tumawag sa akin. Si Presidente (sarcasm) pala ang tumawag kaya tumayo ako at pumunta sa kinauupuan niya.

"Yes?" tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa t'saka ibinigay sa akin ang sandamakmak na papel. Mas mabigat siya sa usual niyang pinapadalang mga papeles kaya binigay ko ang buong lakas ko sa pagbit-bit.

"Help me bring these papers to the SSTUCO office." Maotoridad niyang utos kaya sumunod nalang ako. Wala naman akong magagawa. Kasalana mo rin 'to kaya panindigan mo. Haays.

Hindi ba pwedeng lalaki ang patulungin niya dito dahil mas malakas pa sila sa mga babae? Siya na nga ang lalaki, siya pa ang walang dala! No'ng papunta na kami sa SSTUCO office, siya ang palaging nauuna dahil mabigat ang dala ko at dahil do'n nasisigawan na ako na magmadali daw, pagong daw ako, lazy, at kung anu-ano pa. Kasalanan ko bang mabigat ang dala ko?! Isisigaw ko sana 'yon kaso baka mas magalit pa sa akin 'yon kaya kinimkim ko na lang.

Nagstretching ako matapos ilapag ang mga dala kong papel, sumakit ang likod ko dahil do'n ah. Aahh! Tumalikod ako at naglakad papuntang pintuan nang tinawag na naman niya ako.

"Wala pa akong sinasabing umalis ka. Ikaw ang mag-stamp dito, may pupuntahan pa ako. Hindi ka pwedeng kumain hangga't hindi mo natatapos ang pag stamp. Understood?" Pagbibigay niya ng direksyon sa akin. Sumasakit pa nga ang likod ko dadagdagan pa niya? Nasaan ba ang Vice niya? Si Sheena nasa'n na ba 'yon? Ang Vice-President ng SSTUCO, nasaan? "Nasaan ba ang Vice ng SSTUO?" Tanong ko na ikinaiba ng ekspresyon niya. Galit 'to panigurado, sa pagsalubong pa lang ng dalawang kilay niya, makikita mo na kaagad ang galit. "You don't need to know, at ikaw ang VICE ko kaya huwag kang magreklamo."

"Vice mo lang ako sa classroom pero sa SSTUCO hindi na. At isa pa, 'di ba ang mga papeles na 'to trinatrabaho dapat ng SSTUCO except sa representatives? Sila ang patrabahuin mo dito." Nakita ko kasi kanina ang isa sa mga papel at ang trabahong 'yon ay naka-asign sa SSTUCO kaya dapat sila ang patrabahuin at hindi ako. Alam kong hindi ako ganito pero hindi ko na kasi mapigilan ang baba ko at kusa nalang bumubuka dahil sa galit. Even so, kalma pa rin ako at sana makokontrol ko pa 'to.

Sa ngayon halata na talaga na galit siya dahil sa tanong ko. "Don't question me MISS Trillon. I have the rights to order you since I'm in more higher position than you. Now, proceed to what you should do, at 'wag kang kumain hangga't hindi ka pa tapos." At naglakad siya paalis na may dalang isang folder.

Ginawa ko nalang ang pinapagawa niya at hindi pa ako nakaka-half eh alas dose na. May isang tao ditong kumakain sa cubicle niya. Bale lahat ng officers may tig-iisang cubicle at ang cubicle niya ay nasa harap ko kaya tumunog ang tiyan ko. Hindi naman malakas, sapat lang para marinig ko. Hinawakan ko ang t'yan ko. Natatandaan ko pa ang sinabi niya kanina; "...hindi ka pwedeng kumain hangga't hindi ka pa tapos." Nagugutom na talaga ako...

Nagmadali nalang ako sa pagstamp para makakain na ako. Sinuot ko ang headphones sa magkabilang tenga at nagpatugtog. Ininda ko muna ang sakit sa t'yan ko at nagpatuloy sa pagtatrabaho.

Hindi na ako nakakain pagkatapos no'n dahil ala una na, at nagsimula na ang klase. Matapos ang klase, biglang sumakit ang ulo, parang nahihilo ako. Hindi ako tumayo no'ng nagpaalam na ang teacher. Pag-alis ng teacher, inayos ko ang mga gamit ko at nilagay sa bag. Lalakad na sana ako papalabas ng bigla nalang akong natumba at nawalan ng malay, pero bago ako nawalan ng malay, may narinig pa akong mga yabag at ang pag-sigaw nito ng tulong. Babae, base sa boses. Pagkatapos kong marinig yo'n nawalan na ako ng malay.

Paggising ko, nasa bahay na ako at nakahiga sa kama ko. Tinanong ko si Mama kung ano ang nangyari. Ang kwento niya, nawalan daw ako ng malay no'ng papalabas na ako sa room, may babae namang tumulong sa akin. Mabuti nga daw at hindi pa nakakalayo ang mga kaklase kong mga lalaki, sila ang nagdala sa'kin sa clinic. Tinawagan daw si Mama sa nurse at pinapunta sa clinic. Si Mama na ang nagdala sa akin dito sa bahay. Ang rason kung bakit daw ako nawalan ng malay ay dahil kulang ako ng kain. Hindi ako nakakain sa umaga dahil nagmadali ako at isama mo pa 'yong hindi ako nakakain sa tanghalian kaya ang resulta, nahilo ako at nawalan ng malay.

Nasigawan pa ako dahil sa hindi ko pagkain, hindi ko sinabi ang rason at tinanggap nalang ang panenermon ni Mama.

Makalipas ang ilang araw, nadagdagan pa ang trabaho ko bilang Vice-President, at nadagdagan pa, at mas dumami pa!

Bakit ko ba 'to pinasok?

******

Author's Note

Salamat po sa pagbabasa at pasensya po kung marami akong grammatical errors at typos (hehehe).

Don't forget to vote and comment! 😁

Introvert (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon