Chapter 6

32 3 2
                                    

Maxene Axe's POV


Attention!! 

The first meeting for SSTUCO has now been set. To all the officers and representatives of SSTUCO,  YOU must attend this meeting. I will not explain further.

Where: Main Conference room
When: June 10, 4-6 pm

Nathan Maxwell Pangilinan
SSTUCO President

Tiningnan ko ang cellphone ko. Wait. Today's June 10?!  Kahapon ko palang nakuha ang posisyon bilang representative ng grade 11 tapos meeting agad? Urghh.. Umalis ako sa may bulletin board at pumunta sa classroom.

This sucks... Umagang-umaga, ito na ang bubungad sa'kin?

Binati ako ni Jessica, tumango lang ako bilang sagot at umupo sa tabi niya. Napansin kong nasa unahan na chair ko pala si Jamil na sobrang laki ang ngisi. Tinanguan ko nalang din ito at tumulala sa kawalan. Narinig ko ang ilang usapan nila Jessica at Jamil.

"Uy! Anyare? Bakit tulala 'to?" Tanong ni Jamil kay Jessica.

"Aba malay ko. May nangyari siguro na hindi niya nagustuhan. Baka nga hindi niya nagustuhan ang paglipat mo ng upuan. "

"Hoy babae! Anong ako?! Nakipagpalit nga ako ng upuan para masamahan ko kayong dalawa tapos ako ang sisisihin mo?! Wag ka ngang---"

"Wag akong ano ha?! Tumigil ka nga! Ang sabi ko, baka may nangyari na hindi niya nagustuhan bago siya pumasok dito! Masyado kang assuming! "

"Eh ano yung narinig ko kanina?! Tingin mo sa'kin bingi?! Sa sobrang laki nito hindi pa kita maririnig?! Wala ka din eh!! "

"Oo sa sobrang laki mas lalo kang pumangit! "

"Ako pangit?! Hoy! Hindi mo ba alam na may nagbigay sa akin ng dalawang letter kanina?! Dalawang babae to be exact! At puro pa magaganda! Di kagaya mo na amazona at pangit! "

"Pfft.. Ikaw? Binigyan ng letter?! Huh!!! In your dreams! Wag mo akong maloko lalaki ka! Sa tingin mo may magbibigay ng letter sa'yo? Anong klaseng letter naman?! At ako? Pangit?! Hindi pa ba sapat na ebidensya 'tong mukha ko?! Sa sobrang ganda ko may nagbigay sa akin ng rose kanina!"

"Hoy! Wag kang mangarap! Wala akong nakikitang kahit ni katiting na ebidensya na nagpapatunay na maganda ka! At kung meron man, saang banda? Baka nasa pwet! Hahahahaha."

"Aba't----"

"Hoy kayong dalawa! Tigilan niyo nga yang kalandian niyo! Hindi niyo ba nakikita na may nag-aaral dito?! Atsaka yung sinasabing letter ni Jamil? Yung dalawang letter ay puro mga excuse letter! At yung rose na sinasabi ni Jessica? Pinahawakan lang sa kanya yun kasi yung dala pa ng lalake na isang teddy bear ay nahulog kaya humingi siya ng permiso kay Jessica na hawakan ang rose! At kung magtatanong kayo, ako ang nakakita sa lahat ng yun habang naglalakad papunta sa Food Lab. "

"Edi ikaw na ang magaling! " Sabay sigaw ng dalawa kong kaibigan.

Siguro naiingayan na sa dalawa yung classmate ko kaya sumabat at sinira ang pag-uusap nila. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit e sobrang lakas ng boses nila, napapatingin ang mga estudyanteng dumadaan sa room namin. Tsaka lumayo yung topic nila, ako yung una tapos naging tungkol sa kanilang dalawa ang sumunod.

Introvert (Under Major Revision)Where stories live. Discover now