K22: PAGSUKO?

420 19 4
                                    


Margareth

Namulat ako sa isang estrangherong k'warto.

"Neo," napabalikwas ako nang maalala ko na iniwan ako ni Neo sa k'warto niya at hinabilinang 'wag akong aalis doon.

"Margareth," nakangiting bati ni Lucylle sa 'kin.

"Bakit mo 'ko dinala rito?!" galit na sigaw ko sa kanya.

"Hindi mo ba naalala ang pinag-usapan natin," aniya na palapit sa 'kin. Hindi nagkakalayo ang itsura namin kaya hindi ko maiisip na siya ang ina ko, imortal tayo, ano pa ba ang dapat kong ipagtaka?

"Kung ikaw ang tunay kong ina, hindi ko naman 'yon ikasasama ng loob. Alam ko ang pinagdaanan mo base sa mga k'wento mo, pero bakit kailangan mong sabihin na nililinlang lang ako ni Neo?"hindi ko mapigil ang lakip na sama ng loob.

"Margareth, makinig ka..." naupo siya sa tabi ko at ginagap ang palad ko at pinagkatitigan ako. "Si Seventh mismo ang nagsabi, kahit hindi ko gusto si Neo dahil pareho tayo na umiibig sa hindi dapat noon, nauunawaan kita... At hindi ko gustong masaktan ka, pero iba ng usapan kung sinalamangka ka lang niya para mahumaling ka sa kanya, masama siya..."

"Nasasaktan ako..." binawi ko ang kamay ko. Nangingilid ang luha ko pero pinilit kong 'wag silang bumagsak. "Hindi totoo na sinalamangka niya 'ko, minahal ko siya dahil napapahanga niya 'ko at gusto ko siya noon pa, hindi biglaan ang naramdaman ko. Dumaan 'to sa proseso, at hindi 'yon magagawa sa 'kin ni Neo..."hindi ko na mapigilan ang mga luha kong nag-unahan, masakit na matutulan, pero mas masakit na pinagbibintangan ang lalaking mahal ko, nang mismong magulang na ngayon pa lang nagpapakilala sa 'kin.

"Margareth,"

Ihahawak niya ang kamay niya sa mukha ko pero sa iba ko lumingon at pinahid ang luha ko. "Totoo ang nararamdaman ko, hindi ko alam bakit kailangan pang sirain si Neo sa 'kin, ano bang kasalanan niya? "Babalik na 'ko..." aalis ako nang higaan ko ng bumukas ang pintuan at naroon ang isang lalaking isa rin sa nakilala kong may perpektong anyo, may pilak siyang buhok na katulad ng sa 'kin ngayon na hindi ko pala naitago. Pero bakit gano'n? Wala akong kagayang damdamin sa kanya kagaya kay Lucylle? Iyong magaan at nagtitiwala? Marahil dahil sa lisik ng mata niya.

"H'wag mong suwayin si Lucylle, totoo na hindi ka totoong mahal ni Neo. Tanggapin mo ang katotohanan na nais ka lang niyang kainin at maging dagdag kalakasan niya. Maraming naghahangad sa mga Wolveus, at noon pa man alam na niya kung sino ka. Mas magiging mabango ang dugo mo sa tulad niyang halimaw kung mararating mo na ang ikalabing-walo mo... Hinihintay ka lang niyang mamukadkad bago ka niya paslangin..." hindi siya kumurap man lang.

"Hindi ka namin pagsisinungalingan, para saan? Kami ang pamilya mo, hindi ka namin ipapahamak, hindi mo ba gustong makasama kami? Ngayon, handa na kami para sa 'yo, hindi ka na namin pababayaan..." s Lucylle na umiiyak na ring katulad ko, niyakap niya 'ko at lalo kong 'di mapigil ang pagbaha ng luha ko.

Naramdaman ko rin na yumakap sa 'min ang nakatayong si Seventh na walang dudang ama ko, kulay pa lamang ng buhok niya, may ikapagtataka pa ba 'ko? Marahil, iba lang talaga kapag si Lucylle, dahil pareho kaming babae kaya mas nadarama ko sa kanya ang kakalmahan kumpara sa 'king ama.

Matagal kong ninais makilala ang sarili ko. Ngayon na nakilala ko na, nakasama at alam ko na bago lang kami nagkakasama pero hindi ko mapigilang isipin si Neo, baka hinahanap niya 'ko, baka isipin niya na tumakas ako, o nag-aalala siya sa 'kin. Ayoko pa ring maniwala na totoo ang sinasabi ng mga magulang ko, pero bakit nga ba nila 'ko pagsisinungalingan?

RBW series 6: THE NECROMANCER'S HEART ( Margareth )Where stories live. Discover now