K2: NEO

918 48 1
                                    


K2: NEO

Chapter 2

"Naiiba ako sa kanila!"

Her voice when she was eight—it sweet yet full of pain.

Nakita ko ang buhok niya na kulay pilak na nangangahulugang bahagi siya ng mga Wolveus. Iyon ang ikatlong beses na pinuntahan ko siya. Pero sa pagkakataon na 'to kinausap ko na siya dahil tumakbo siya sa madilim na bahagi ng kagubatan na bahagi rin ng lupain ng mga pureblood kaya alam ko na hindi 'yon mapanganib sa kanya.

"Halika na," inilahad ko ang kamay ko sa nakasalampak sa damuhan na si Margareth at nakasapo ang dalawang maliit na palad sa mukha niya.

"Umalis ka! Hindi kita kilala!" tinignan niya 'ko at nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya nang makita niya ko.

"Ang buhok mo—"

Lumuhod ako para makapantay ko siya.

Inipon ko ang mga hibla ng buhok niyang tumabon sa maganda niyang mukha. Kakaibang ganda, ganda na hindi ko maipaliwanag bakit ako naaapektuhan. Marami na 'kong nakitang magagandang dalaga sa iba't ibang lugar at hindi ko akalain na sa isang paslit ako makakaramdam nang kakaibang damdamin sa pagkakakita lamang sa anyo niya.

Luhaan ang mga mata niya at mas matingkad ang pagkakapilak ng buhok niya dahil sa sinag ng buwan.

"Ang buhok ko," nabibiglang sinapo niya ang hibla niyon at tinignan niya. Nanlalaki ang mata niya na nakatitig sa 'kin. "Hindi mo ipagsasabi na ganito ang kulay ng buhok ko!" utos niya na may awtoridad sa batang edad niya.

Nginitian ko siya. "Princess Magareth, hindi mo kailangan mangamba. I'm your blood's ally. Hindi mo kailangang itago sa 'kin ang kulay ng buhok mo, napakaganda mo sa anyong 'yan... Kung p'wede nga lang na iyan na lang ang palaging gamitin mo pero mapanganib pa ang panahon na 'to para sa 'yo," hindi ko alam kung saan ko natutunang maging malambing sa pagsasalita. Basta ang alam ko sa oras na 'yon gusto ko siyang patahanin.

"Bakit ganyan ang kulay ng buhok mo, lobo ka ba?" puno ng kuryosidad na tanong niya sa 'kin. Itinaas niya ang kamay niya at saglit akong nabigla nang hawakan niya ang buhok ko.

"Hindi, pero masasabi ko na magaganda rin ang kulay ng buhok ng mga lobo."Minamasdan ko ang kulay ng buhok niya—kulay na nakuha niya sa pamilya ng kanyang ama.

"Totoo ang mga lobo?"

Nagtaka ko saglit pero hindi ko naman masisisi ang mga Vampires na alisin sa mga aklatan nila ang tungkol sa mga lobo. Kailangan ni Margareth maging ligtas pero hindi sa paraan na magiging bulag at bingi siya sa kasaysayan.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Limitado ang mga ibinibigay ko sa kanya na angkop sa edad niya. Pero kagaya nang marami, napapansin ko na iba ang 'kuryosidad' ni Margareth para sa edad niya. Kaya na niyang magbigay nang opinyon at resolusyon sa mga nagaganap sa paligid niya. Ipinanganak siyang matalino, talino na alam kong magbibigay daan para makilala niya ang sariling katauhan.

Ang unang pag-uusap namin ay nagbigay daan para maging palagay ang loob ng mailap na prinsesa. Naging malapit kami dahil sa mga 'taong lobo' na siyang gusto niya palaging pag-usapan. Malakas ang pakiramdam niya na bahagi siya ng lahi na 'yon? Bakit hindi niya itanong sa magulang niya ang totoo? Iba si Margareth, at sa kaibahan niyang 'to may mga gabi na 'ko na siya ang laman ng isip ko pero pinigil kong maging madalas sa pakikipagkita sa kanya.

RBW series 6: THE NECROMANCER'S HEART ( Margareth )Where stories live. Discover now