K21: KATOTOHANAN

451 24 3
                                    


HUMINGA nang malalim si Margareth habang nakatingin sa buong bahagi ng kinabibilangang angkan, ang mga Pureblood.

"Iyon ang buong katotohanan, para sa kaligtasan mo kaya ka iniwan ng iyong ina." si Drifher.

"At nasa peligro ka kung malalaman nilang bahagi ka ng mga Wolveus, kaligtasan mo lang ang hinahangad namin." Si Emerald na hindi matitigan ang anak-anakan.

"Isa pa, hindi ka niya kayang palakihin dahil mahina pa ang pakiramdam niya sa sarili. At kung magtatagal siya kasama ka, madaling kakalat na anak ka niya. Hindi niya tuluyang pinutol ang ugnayan ninyo, gusto lang niyang mas kayanin niyang maipagtanggol ka lalo pa't namatay ang iyong ama sa nakaraang paglalaban para sa p'westo ng Underground para maging isang Underground God. Ang iyong ina ang nabuhay, ang iyong ama ang pumanaw..."

Bumagsak ang luha ni Margareth. Wala na siyang pagkagulat na malamang hindi talaga siya totoong anak ni Gerald and Emerald, ngunit ang nakapagpaiyak sa kanya ay ang kaalamang trahedya ang pinagdaanan ng mga ito.

"Isa ka ring Pureblood, kami ang kakampi mo. Kalaban ang mga Wolveus dahil plano nilang sakupin ang New World, at kapatid pareho ng ama mo ang namumuno sa pagsakalay..." si Gerald.

"Salamat at hindi ako nahirapan alamin ang katotohanan sa 'kin," ngumiti ng mapait si Margareth, "Noon pa man, malaki ng tanong sa 'kin ang kaibahan ko, at iba ang epekto kapag lobo ang usapan. Iyon pala, dahil bahagi rin nila 'ko." bumuga siya ng hangin at ngumiti, "Mahal ko kayo, at hindi ko gusto ang digmaan sa pagitan natin, ni Neo, at ng mga Wolveus, masosolusyunan 'to kung makakausap ko sila..."

"Margareth, may pareho kayong singsing ni Neo," si Herald, minsan lang sila magkita dahil kabaligtaran 'to ni Spade, palagi 'tong tahimik, at nagbabasa katulad niya. Hindi rin atraktibo ang babae para rito, kundi ang mga bulaklak sa greenhouse nito.

Lahat napako ang atensiyon sa kanya.

Itinaas ni Margareth ang singsing niya at ipinakita sa buong pamilya.

"May espesyal kaming nararamdaman ni Neo sa isa't isa. Pinili na siya ng puso ko bagaman hindi ko pa nais magpakasal. Pakiusap, hayaan ninyong patunayan namin na totoo ang nararamdaman namin sa isa't isa, kahit pa malayo ang pagitan ng edad namin..." inikot ni Margareth ang tingin, nais niyang malaman kahit sa tingin ang mga reaksiyon ng mga ito pero tila wala ng bigla sa mga ito.

"Bago ka pa humarap sa 'min, kinukuha na ni Neo ang kamay mo sa 'min." si Gerald.

Nakita niya ang disgusto sa itsura nI Spade niya na iniisip talagang bata siya, matanda na si Neo.

Katulad ng dati, tila 'di naman niya mabasa ang para kay Herald.

"Alam ko na may atraksiyon ka na nararamdaman sa kanya, ngunit maaari bang isantabi mo muna ang pagpapakasal sa kanya? Hindi namin tututulan ang relasyon mo sa kanya, ngunit maaari bang saka na ang kasal? Wala ka pa sa hustong edad," si Gerald.

"H'wag kayong mag-alala," nangiti na nang husto si Margareth, "Nauunawaan ni Neo ang lahat ng sinasabi ko, at kung ang pagpapakasal, nasisiguro ko naman na mauunawaan niya 'yon kung 'di pa 'ko handa. Lalo pa at marami pa 'kong nais gawin bago magpamilya."

Masaya at maginhawa ang pakiramdam ni Margareth nang magbalik sa Imperial Kingdom.

Hinanap niya 'to at natagpuan niya naman 'to sa k'warto nito. Alam niyang pagod 'to sa dami ng pulong na kinababagutan nito, kaya plano niya 'tong pagpahingahin. Naabutan niya 'tong umiinom sa isang sisidlan na tila may itim na usok na laman na kaagad nitong tinakpan ng maramdaman siya.

RBW series 6: THE NECROMANCER'S HEART ( Margareth )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon