C10: PALAISIPAN

567 30 2
                                    



READ. VOTE. AND COMMENT! :)

Misa_Crayola

C10: PALAISIPAN



Ibinaba ni Fallen ang inumin niyang tsa'a at minasdan ang babaeng nakahinto sa screen ng malaking telebisyon. Nakaupo siya sa sofa at nakasuot ng puting roba habang nakasalansan ang buhok na mahaba sa isang itim na panali.

"Ngayon ko lang siya nakilala, Princess Margareth." Tinignan niya ang nakapokus na mukha nito, larawan ng kagandahan sa batang edad at maningning ang mata habang nakatitig sa paparating. Sa ilang ulit na hininto niya't pinagalaw 'yon, si Neo ang tinitignan nito.

"Hindi ko akalain na si Neo ang mapipili kesa sa 'yo, Panginoon..." isang lalaki ang nagsalin ng tsa'a sa kanyang tasa. May itim 'tong kulay ng buhok at malaki ang pangangatawan.

"Malaki ang kapit niya sa mga Vampires, sa New World, ang mga salita ng pureblood ay nakakaengganyo sa pandinig ng marami na dadagsain at paniniwalaan ng mga nilalang na may makikitid na utak." Ani Fallen.

Tumayo sa gilid niya ang tagasilbi.

"Hindi na bale, hindi naman siya magtatagal sa kanyang p'westo lalo pa't malaki ang tiwala sa 'kin ng mga lobo," ngiti ni Fallen.

"Hindi nila nalaman ang balakin mo, Panginoon."Ngiti naman nang lalaki.

"Simoun, gawin mong kakampi ang 'yong kalaban saka mo durugin. Sa sitwasyon na 'to, kinakailangan ko lang suportahan ang mga Wolveus at makukuha ko ang tiwala nilang lahat. Sisirain nila si Neo, saka ko sila wawasakin." pinatay na niya ang telebisyon gamit ang remote na nasa glass table.

"Ikinapagtataka ko pa rin kung bakit magtutungo ang mga Wolveus sa New World para sa digmaan. Ano ba ang dahilan ng digmaan?" si Simoun.

Ngumiti si Fallen, "Malalaman din natin 'yan, sa ngayon, nasa kanila ang suporta ko at hindi sa unang Emperador ng Imperial Kingdom."

"Panginoon, ikaw ang ikalawa sa Imperial Kingdom. Kung mamamatay si Neo..."

"Kung mamamatay siya, mapapasa 'kin ang trono, at sisiguruhin ko na buong daigdig ang sasakupin ko, aalipinin o uubusin ko ang lahi ng mga pureblood at makakamit ko ang naisin ko. Ang mga nilalang na madalas nagmamadali ang pumapalpak, ang nilalang na mas nag-iisip ang nagkakamit ng tagumpay."

Nangiti naman si Simoun. Hindi talaga siya nagkamali nang pinagsilbihan.

Makalipas ang Isang buwan...

Floating Kingdom, narito pa rin siya. Hindi siya sumasama sa Imperial Kingdom dahil maraming mata roon at pinagbabawalan siya ng ina na si Emerald. Maaari lang siyang dumaan do'n paminsan-minsan. Sa ngayon, sa sobrang abala ni Neo halos doon na 'to nakatira na inunawa naman niya.

Lumabas ng k'warto si Margareth suot ang maiksing short at may kahabaang sleeveless na manipis na damit na kulay sutla, kita sa loob ang suot niyang itim na tube. May bahid ng lipstick ang labi.

"Saan ka pupunta?" tila naeeskandalo si Veronica nang tinignan pa siya mula ulo hanggang paa.

"Mag malls, sasama ka?" tinaasan niya 'to ng kilay.

"It's weekend!"

"Definitely, it's weekend kaya nga 'ko aalis, okay?" nginitian niya 'to nang mapang-inis. Hindi niya na 'to pinansin at ang ibang mga sinabi nito, nagtuloy sa paglalakad.

RBW series 6: THE NECROMANCER'S HEART ( Margareth )Where stories live. Discover now