K4: MARKA

785 38 5
                                    


K4: MARKA


Chapter 4

It's been two weeks since I stepped in this Castle at two weeks na rin akong pumapasok sa eskuwelahan na karamihan ay mortal na tao. Well, in my two weeks there natatakot sila sa paraan ko ng pagsasalita, masyado raw malalim. Actually, hindi ko alam kung paano ko dapat ayusin ang mga sinasabi ko kaya in one week, pinakikinggan ko lang sila sa pag-uusap nila.

Mataas kaming pamilya ng mga pureblood, ang malalim na salita ay isa lamang pormal na pananalita namin. Pero sabi nila, para kong teacher magsalita. At hindi rin Maestra ang tawag sa mga guro namin. Ginagamit pa rin naman 'yon, hay! Well, kailangan kong makisama.

Si Neo? T'wing gabi lang kami nagkikita, masyado siyang busy sa maraming bagay at hindi ko naman itinatanong 'yon sa kanya. Kung itatanong ko pa kung ano ang ginawa niya sa buong araw, baka naman ikapagod pa niya 'yon lalo.

Ang arkon na si Alconia ang madalas maghatid sa 'kin pababa. At susunduin naman ako ng sasakyang itim na kagaya ng sinabi ng mga classmate ko ay isa sa pinakamahal na modelo ngayon, ipagda-drive ako ni Felix—ang driver slash one of Neo's general.

Masasabi ko na magaan ang buhay sa mortal na daigdig, they're so busy like everything is okay. Ang problema nila'y lovelife, family, friends, boyfriends and kilay na kailangan pantayin even the shades of lipstick ganoon ang mga major problem nila. Kagaya nang ipinangako ko, nakikisama 'ko at sinusubukan makipag-usap, malayo sa totoo kong pagkatao bilang si Margareth, they used to call me Marga, too.

I used my brown hair, iniisip ko na lang na I'm playing a major role in a movie where I need to feel the character's individuality. Hinayaan ko na Marga ang itawag nila sa 'kin at pinilit kong kausapin sila, well, malapit ko nang maperpekto ang Art of being a mortal slash friendly slash not a library's bestfriend. Ibang-iba sa totoong ako, nakakasanayan ko naman.

Tama si mommy Emerald, I need to embrace this six months with mortal people. Marami akong matututunan at the same time, ipinapahinga ko ang isip ko. In six months, pipilitin kong maging pangkaraniwan at ieenjoy ko ang Teenage life ko rito, bago ko pumasok sa Horus.

Magkalapit ang k'warto namin ni Neo sa ikaapat na palapag ng Labing-limang palapag na kastilyo na 'to. Malaki ang k'warto ko at lahat ng pangangailangan ko ay idinudulot na nila, I'm still a princess in Neo's Castle. Dahil halos gabi na rin ako nakakauwi, wala akong oras para libutin ang lugar pero may pagkakataon na nakakakita 'ko ng mga broken pieces of dolls na bitbit nang mga tagasilbi niya at patungo sila sa itaas na bahagi ng kastilyo—soon, titignan ko rin ang lugar na 'yon. Sa ngayon, mas nawiwili ako sa malaking Library niya—iba ang mga Alchemy book na nakikita ko roon at wala ring pangalan ng Author ng libro. Lagi kong nakakalimutan itanong sa kanya dahil hindi naman kami nagsasabay sa pagkain, pero dama ko kapag umuuwi siya nang sobrang late mula sa laboratory niya at hinahalikan niya ang buhok ko para sabihin ang 'goodnight, Margareth'—gusto ko tuloy gamitin ang pangalan na 'yon para lang sa kanya. Kaya kung ipakilala ko na ang sarili ko, 'Marga' na lang.

Ang laboratoryo niya'y nasa kastilyo rin naman na 'to. Pero sobrang laki nang panahon na ginugugol niya roon, at alam ko na abala rin siya sa Z66 lalo pa't isa pala siya sa pinagpipilian na maging Emperador ng mga Hari—sa isipin pa lang na nakasama siya roon, lalong lumalaki't lumalala ang paghanga ko sa kanya.

Malalim na ang gabi at nakasuot na 'ko ng pantulog ng maisip kong magtungo sa balkonahe at tanawin paibaba ang mga kabundukan. Kakaiba talaga ang lugar na 'to, kung noon, lalabas ako sa balkonahe para tignan ang itaas ngayon naman ang ibaba at ang ilaw na matatanaw ko mula sa mga siyudad.

RBW series 6: THE NECROMANCER'S HEART ( Margareth )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon