"Kumakain ka? Naistorbo kita?" napansin niya ang pinggan doon ngunit wala namang laman 'yon katulad ng madalas. At isang kopitang may lamang alak na kulay dugo.

"Hindi naman." ngiti nito sa kanya bago nito ibaba ang sisidlang tinakpan sa tabi ng glass table kung nasaan ang ahas na nakatingin sa kandilang may asul na apoy.

Nginitian niya 'to at inantay makalapit sa kanya bago niya 'to niyakap. Sa hindi niya malamang rason, yakap ang pinakagusto niya na isinasalubong nito sa kanya.

Naglapit sila sa kama habang magkatigilid at nakaharap sa isa't isa. Hinahaplos ni Margareth ang mukha ni Neo habang pumipikit at nagmumulat kung minsan.

"Pagod na pagod ka?" tanong ni Margareth sa tono ng malambing.

Nangiti si Neo habang nakapikit, "Napakalambing ng boses mo, nawawala ang pagod ko." Anito.

"Bakit ka napapagod?"

"Sa dami ng pinagtututunan ko, marami roon ang humihigop ng enerhiya ng katawan ko, ito ang kahinaan ko, ang mapagod sa mga nakakaapekto sa emosyon ko, at mas napatunayan ko na iyon ang kahinaan ko simula nang mawala ka at mag-aral. Parang nanghihina ako palagi," nagmulat 'to ng mata at iniangat ang kamay niya at humaplos sa mukha niya. "Pero itong pagod, naiibsan kaagad kapag nakakasama kita. Ngayon pa lang, hindi ko na kailangan pang magpahinga, alam ko lang na sa 'kin ka, napapanatag na 'ko." Naroon sa mata nito ang kakaiba pa ring emosyon, parang may pangamba.

Nangiti si Margareth. "Mamahalin kita, at hindi iiwanan. We're mated, at tungkulin nating samahan ang isa't isa hanggang kamatayan, hindi ba?"

"Naniwala ka na itinakda ka sa 'kin?" nawala ang pangamba sa mata nito at napalitan nang kakaibang kagalakan.

Tumango si Margareth at ngumiti nang ubod tamis, "Kaya hindi tumututol ang pamilya ko dahil alam nila na para sa 'kin ka. Pero bakit nangangamba ka pa rin?"

"Hindi ko maiwasan." Mapait na ngumiti si Neo.

Bumangon 'to at hinalikan siya sa noo. "Napakahalaga mo sa 'kin, ikaw ang nagbibigay sa 'kin ng dahilan para gustuhin ang buhay. Kung mawawala ka, hindi ko alam kung anong klaseng halimaw ang kalalabasan ko, lalo kung hindi ako ang pipiliin mo."

"Sa lahat ng pagkakataon, pipiliin kita..."

"Kamahalan!"Mula sa isipan ay nakonekta ni Silvia si Neo. "May pagsugod na nagaganap sa iba't ibang parte ng daigdig, masyadong malalayo ang pagitan, iba ang mga pagsugod, marami silang winawasak at wala pang ulat na namatay ngunit naglalakihang mga demon dogs sila, at bukod do'n sabi nila namataan si Seventh at Lucylle na patungo sa Imperyo... Pero baka ibang kapatid ni Seventh 'yon dahil..."

Bumangon si Neo at hinalikan sa noo si Margareth, "H'wag kang lalabas, ipangako mo sa 'kin na anumang marinig mo, mananatili ka sa k'warto na 'to..."

Bumangon din si Margareth, "May nangyayari ba? Tutulong—"

"Stay, Princess...Hindi para sa 'yo ang laban, hindi ka maaaring magalusan, ilang saglit lang matatapos din 'to." Hinalikan niya si Margareth sa noo. "Mangako ka," pinagkatitigan niya 'to.

Tumango si Margareth, "Bibigyan kita ng anim na oras, kundi lalabas ako."

"Mahal na mahal kita..." hinalikan nito saglit ang labi ni Margareth saka tumayo. Ininom nitong muli ang laman ng sisidlan bago 'to nagbalik ng tingin sa kanya at ngumiti.

RBW series 6: THE NECROMANCER'S HEART ( Margareth )Where stories live. Discover now