Naunang dumating sina Xiara at Nikka na magkasunod.

"Anong nangyari kay Mia?" Tanong ni Xiara na nagkandahikahos sa pagtakbo.

"No! Why Henry? Why?!" Wika ni Nikka at niyakap ang malamig na bangkay ng binata.

"Ang daya mo! Bakit mo kami iniwan kaagad? Hindi pa nga tayo nakakapagbonding masyado eh!" Aniya.

Dumating sina Roxette, Arianne at Ginny ng sabay-sabay at agad na inagapayan si Mia.

"Ang OA niyo! Buhay pa iyan! Kita niyo namang si Henry itong wala ng buhay eh mas pinagtuunan niyo pa ng pansin si Mia." Pambabatikos sa kanila ni Nikka na patuloy sa paghihinagpis sa sinapit ng isang malapit na kaibigan.

"Hindi naman sa ganun Niks, syempre concern din naman kami kay Henry dahil kaklase rin natin siya." Pagpapaliwanag ni Ginny at niyakap si Nikka as a sign ng pag-agapay niya rito.

Dumating na din sila Karlo, Jake, Mark, Kian, Ethan at Tom na parang wala pa ring ganang gumising dahil bakas pa rin sa kanilang mukha ang pagkaantok. Mga wala man lang silang reaksyon sa komusyong nangyayari.

Sumunod namang dumating sina Hannah at Agatha na parang puyat naman. Kasabay nila sa kanilang likuran sila Josh, Aaron at Dion na kumakanta pa ng Paalam na.

"Magtigil nga kayo riyan!" Suway ni Agatha sa mga ito kaya tumahimik na rin sila.

Huling dumaring sina Grace at Jerome na magkaholding hands pa. Nakita iyon ni Nikka kaya nag-init bigla ang kaniyang dugo.

"Bad trip pa! Kung mayroon sa inyong gustong maglandian, huwag dito malapit sa bangkay ng ating kaklase at kaibigan! Doon kaya sa Luneta park! Magpakasasa kayo roon please lang!" Iritadong wika ni Nikka habang nagkakandatirik ang kaniyang mga mata.

"Uy may nagseselos! Haha!" Pangangatiyaw ni Kian sa dalaga.

"At bakit naman ako magseselos? Ano bang pakialam ko sa kanila?" Aniya at umirap pa sa hangin.

"Defensive masyado. Ikaw ba ang sinasabihin ng nagseselos? Kung gayon, may gusto ka nga talaga sa akin." Pangbubuska ni Jerome na lalong kinainis ni Nikka kaya bigla itong nagtatakbo pabalik sa kwarto nito habang umiiyak.

"Ang tanga mo lang Jerome! Alam mo ng mabigat ang kalooban ni Nikka sa pagkamatay ni Henry tapos lalo mo pang pinabigat!" Pagsumbat ni Xiara dito habang pinapaypayan si Mia.

"Manhid nga kasi." Dagdag naman ni Arianne.

"Guys, tama na iyan. Hindi maganda kapag nagaway-away pa tayo ngayon." Pagsingit ni Agatha.

Napatigil sa pagsasagutan ang magkabilang kampo at namayani muli ang katahimikan.

Lumapit si Agatha sa biktima at sinuri ang bangkay nito.

"Tiyak na hindi lang kanina pinatay si Henry. Maaaring kahapon pa dahil masyado ng malamig ang kaniyang bangkay." Wika ni Agatha habang iniinspeksyon ito.

"Base sa aking pagsusuri, maaaring hindi pako ang pinambutas sa kaniya. Isang gamit na ginagamit pambutas ang ginamit ng killer sa kaniya." Dagdag pa nito.

"Anong gamit naman iyon? Letter D ang nakalagay sa kaniyang noo eh so ano nga?" Tanong naman ni Hannah.

"Maybe a driller? Ayun lang naman alam kong ginagamit na pangbutas eh." Anito.

Maya-maya pa ay nagising na rin si Mia at medyo nahimasmasan na rin. Dinala na rin nila ang labi ng binata sa dapat nitong paglagyan.

Nikka's POV

Hindi ko na kayang tiisin pa ang sakit na aking nararamdaman kaya mas minabuti ko na takbuhan na lang sila.

"Nakakaasar ka talaga Jerome! Sa pagkarami-rami ba naman ng lalaki sa mundo bakit ikaw pa ang nagustuhan ko! Hindi ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito! Marahil ay umigting pa nga yata ang aking nararamdaman para sayo. Mahal na nga yata kita!" Sigaw ko sa apat na sulok ng aking kwartp habang inihahagis ang aking unan sa kung saan man.

"Magsama kayong dalawa! Pinapasakit niyo lang ang kalooban ko." Wika niya habang binabalunbon ang hawak niyang kumot.

"Ayoko na! Gusto ko ng matahimik muli." Wika niya at itinali ang kumot sa kaniyang leeg.

"Huwag!" Wika ng isang tinig pagkabukas nito ng aking pintuan.

Killer's POV

Mukhang mas maganda kung magkakandasira ang bawat-isa para mas maisakatuparan ko ang aking plano! Haha!

Mukhang mahina nga talaga ang loob ni Mia pagdating sa mga nakakasulasok na bagay kaya alam ko na kung ano ang gagawin sa kaniya. Haha!

Ang mga boys naman, mga ayaw magpatinag kaya kailangan ko silang mabuwag.

Si Agatha naman, may alam akong sikreto na hindi alam ng iba. Bakit kaya hindi niya ipinaalam iyon sa amin? Malalaman ko rin iyan.

The rest is history! Haha! I know now what I'm going to do. Kailangang may mamaalam ulit kaya Farewell to you my friend..

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon