41. Misha's Outburst

Start from the beginning
                                    

"Mas kawawa ka pala kesa sakin." She exclaimed while crying. "Akala ko ako na pinakakawawa, mas kawawa ka pala! Maswerte pa ako dahil nandito ka!" Iyak nito sa akin. "Pero paano tayo makakauwi August? Ayoko dito. Paano ang mga magulang ko? Mag-aalala sila dahil nawawala tayo—"

"Hey, relax okay? Alam ko na nag-aalala ka. Pero may solusyon tayo. Kaye can send us back to Earth. Siya din ang dahilan bakit nakapunta sina Cayden so please don't freak out." Pigil ko naman rito at successful naman dahil tumigil nga ito sa paghahagulgol.

"Really? Maiuuwi niya tayo sa Earth?" She's teary. Ramdam ko na ayaw niya rito.

"Yes of course." Sagot ko rito.

"O-okay kausapin na natin si Kaye." Saad nito at nauna pa itong lumabas sa akin sa kuwarto.

Sumunod na ako rito. Naabutan ko naman silang lahat sa sala. Misha is already talking to them.

"Uh yeah.. I can Misha. That's my ability pero pwede ba bukas na lang? We still need to go back to the palace to report our return." Saad ni Kaye. "And it's already night time, I don't want to risk sending you to earth at night time."

"O-okay." Atubiling sagot ni Misha. Alam ko na gusto na nitong umuwi ngayon.

"Misha, don't worry iba ang galaw ng oras dito at sa earth." Saad ko rito.

"Ah yeah I remember." Sagot nito.

"I know you all wanted to rest but we can't. They are coming." Saad naman ni Cayden.

Pagkasabi pa lang nito ay biglang may pumasok na sa beach house na mga naka tuxedo. Lahat sila ay yumukod.

"Welcome back, your highness." Bati ng lahat.

Nakatingin lang kami rito. Si Misha naman ay nakanganga dahil sa nasaksihan. Pero hindi ito nagsalita, she was looking in surprise.

"Welcome back, Lord Lucas." Bati ulit ng mga ito.

Ngayon naman ay napatingin si Misha kay Lucas na gulat pa rin. I know that look been there as well. Alam ko na marami itong itatanong mamaya. I guess I have to tell her everything.

"Okay let's go now." Saad naman ni Lucas sa amin.

Lumapit naman si Cayden sa akin at agad na pumalibot ang kanang kamay nito sa bewang ko. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil nga sa mga nakatuxedo na tauhan ng palasyo pero wala naman reaksyon ang mga ito. They look like they have seen nothing.

Naglakad na kami palabas ng bahay at alam ko na nakasunod din ang lahat. Nadaanan namin ang pool na ngayon ay walang ilaw. Naalala ko pa kung gaano ito kaganda pero hindi ngayon ito inilawan dahil paalis na kami.

Nakalabas na kami sa gate at agad na tumambad sa harap namin ang tatlong limang sasakyan. Bakit parang ang dami naman 'ata? Hindi ako nagsalita dahil una, hindi ko kabisado kung saan kami sasakay dahil sa dami nito.

Napalakad na lang ako ng naglakad si Cayden. Sumunod kami sa isang nakatuxedo na lumapit sa pangalawang sasakyan at binuksan nito ang backseat.

Inilahad naman ni Cayden na papasukin na ako kaya pumasok na rin ako sa sasakyan. Umupo ako sa komportableng sasakyan at nakita ko naman ang driver doon. Pumasok na rin si Cayden at tumabi ito sa akin. Pumasok din sa front seat yung lalaking nagbukas ng pintuan ng kotse.

Napatingin naman ako sa labas at gaya ng iba, si Misha at Lucas ay sumakay sa pangatlong sasakyan. Si Kaye naman ay sa pang-apat.

Biglang yumakap naman si Cayden sa akin at isiniksik nito ang mukha nito sa aking leeg. Shit bigla akong naconscious dahil may ibang tao bukod sa amin but the two people in-front never darted their eyes in our direction hanggang sa nagsimula ng tumakbo ang sasakyan.

"I miss you." Bulong ni Cayden sa akin.

Napakunot naman ang noo ko. I miss you na naman? Eh magkasama na nga kami kanina pa. Minsan hindi ko rin gets itong si Cayden pero kahit ganun ito ay kinikilig pa rin ako. Sino ba ang hindi kung out of nowhere ito magsabi ng ganun.

"Why would you miss me? Magkasama tayo kanina pa." Saad ko rito. Though may ideya na ako kung bakit ay tinanong ko pa rin. Wala eh, ganito talaga siguro pag mahal mo ang tao, nagiging korni ang taong in love.

"It scared the shit out of me when we arrived here and I can't see you at all. But it was good when Kaye found you. I held myself back from embracing you because I was wet and I know you were tired." Paliwanag nito sa akin.

Yeah. Pansin ko nga kanina that he acted like it doesn't matter at nagmamadali ito. So ganun pala yun but I actually did not mind it dahil hindi ko naman inexpect na maging isang madramang salubong kanina.

"Hhmm.. you should learn not to miss me that much." Sagot ko rito. I don't know yun lang ang naisip ko.

"I'm afraid, that I will never be able to learn on how to not miss you." Bulong nito sa akin ang I felt his lips touch my neck.

My stomach churned when I felt his tongue traced a spot on my neck. Pakiramdam ko ay tumindig ang mga balahibo ko at mas lalong kinabahan ako ng humigpit ang pagkakayapos niya sakin and suddenly he started sucking the same spot, like a stubborn child.

Alam kung namula ang mukha ko at napatingin ako ulit sa dalawang tao sa harap. Nakatingin lang sila pareho sa daan. Pero pakiramdam ko ay alam nila ang nangyayari at patay malisya lang ang dalawang ito.

"C-cayden." Naisambit ko rito when I felt he made a lick and hard suck on my skin. Halos mapausod ako pakaliwa.

"Stay still love.... I won't do anything that will offend you." Saad nito at nagpatuloy ulit ito sa ginagawa.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Parang may gustong kumawalang ungol sa aking lalamunan kaya kagat kagat ko ang aking labi. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid. He was continuously sucking it until he stopped.

Napalunok ako at sa hindi ko maipaliwanag ay parang hiningal ako. Hindi naman ako tumakbo o kung ano, but it seems like I was tired for unknown reason. Lumayo naman ito sa akin pagkatapos nun pero akala ko ay tapos yun doon. Biglang kinabig naman ako ni Cayden kaya napasandal ako sa kanya. He put my head on his shoulder and I felt his kiss on my hair.

"Sleep love, this will be a long trip." Saad nito sa akin and somehow with his words. I felt my lids heavy and I closed my eyes until I am no longer aware with my surroundings.
_____________________________________________

Kumusta naman ang New Year guys? Year of the pork daw. 😂 este Year of the Pig. Hello po sa mga Pig jan.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now