3

139 5 1
                                    

habang nag bibihis ng uniform ay napatingin ako sa aking buhok na ngayo'y hanggang baywang na

ambilis maubos ng shampoo at conditioner ko dahil dito

napag desisyunan ko na pumunta muna sa salon para makapag pagupit ng hanggang sa balikat bago pumasok, medyo maaga pa naman

"ma'am bagay na bagay po sa inyo ang gupit na 'yan" pang bobola sa akin nung babae na gumupit sa akin, nginitian ko nalang siya–di naman kami close ano

habang nag lalakad sa hallway ng school ay may mga bumabati sa akin na bagay daw ang bagong ayos ng aking buhok

nag pagupit lang naman ako pero daming bumabati sa akin

nag thank you nalang ako sa mga 'to kahit 'di ko kilala ang iba sa kanila

"lalo kang gumanda" sabi sa akin ni taehyung ng makita ako nung lunch time

isa pa 'to e napaka bolero, inirapan ko naman ito–kunwari ay nayayamot pero ang totoo ay bumibilis ang tibok ng puso ko at nararamdaman kong nag iinit na ang pisngi ko

"sa pogi mo ba naman tingnan ko lang kung hindi mag paganda itong si y/n! mukha kasing unggoy 'to dati e!" pang loloko sa akin ni yeon joo–madaldal kong kaibigan na nabanggit ko sa chapter 1 palang

mabuti naman at naisipan na niyang pumasok, tamad tamad e

"loko ka talaga! tara na nga" hinampas ko siya sa balikat at hinila papuntang canteen

baka kase maihambalos ko ang mukha niya sa pader kapag umimik pa siya

"anong kakainin mo?" tanong ni yeon joo nang makahanap kami ng upuan sa canteen

lagi kaming sabay na tatlo pagkain simula nang maging kami ni taehyung, marami ang 'di makapaniwala na kami ni taehyung–dahil nga cute lang ako–pero nang tumagal ay nasanay na din sila

mabuti nga at 'di ako kinuyog ng mga fans ni taehyung dahil wala naman siyang mga fans–charot!

"ikaw" pang bibiro ko

"gaga! bilisan mo na at nang maka order na etong si fafa taehyung" hinampas pa ako ni yeon joo sa balikat

sinabi ko sa kanya ang oder ko at pumunta na si taehyung sa counter

habang iniintay siya ay binuksan ko muna ang cellphone ko para mag tingin sa twitter kung may bagong post ba ang bts at sa ig naman para sa blackpink

"uy y/n, si mi so oh nakatingin sa'yo. so weird" bulong sa akin ni yeon joo at napatingin naman ako kung nasaan si mi so—kaklase ko, maganda siya, matalino at weird daw but for me she's just shy

ngingitian ko sana siya ng biga siyang umiwas ng tingin sa akin ng makita niyang nakatingin na din ako sa kanya

"masama na bang tumingin yung tao ha? arte arte mo yeon joo" inirapan ko siya at binato ng tissue, tanging singhal naman ang sagot niya

maya maya naman ay nakita ko nanag papalapit si taehyung sa amin bitbit ang tray na puno ng pagkain

"eto na ang pagkain" sabi ni taehyung nang makarating sa table namin at inilapag ang tray

nag thank you naman kami ni yeon joo dahil sa pag dala niya at sinimulan na namin itong kainin

tahimik lang kaming kumakain ng mapatingin ako sa babaeng patay gutom na nasa tabi ko

may mayonnaise ang dulo ng ilong dahil sa burger na kinakain, dugyot talaga kahit kailan

nagkatinginan kami ni taehyung at napatawa nalang kami sa itsura niya

"what?" napatigil si yeon joo sa pagkain dahil sa reaksyon namin at takang tumingin saka inirapan kami pagkatapos ay itinuloy lang muli ang pagkain

never fall • kthWhere stories live. Discover now