B2- Behind The Pages (PinkShadow97)

57 10 7
                                    

📕Requester: PinkShadow97
📕Title: Behind The Pages
📕Critic Mentor: SyzygyWP

📍Ang lahat ng iyong mga mababasa rito'y pawang mga opinyon ko lamang. Bagama't meron akong mga sinusundang batayan, malaya ka pa ring magsagawa ng sarili mong pananaliksik.

📍Ika-una hanggang ikalimang kabanata lamang ng obra mo ang binasa ko upang makapagbigay ng kritiko sa iyong libro. Gayunpaman, nawa'y makatulong ako upang mas lalong umunlad at malinang ang iyong kakayahan sa larangan ng pagsusulat.

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

💥Book Cover:
Simple, yet elegant. Maganda at malinaw ko ring nababasa yung mga letra dahil maganda ang napili mong font style/color. Okay din yung paglagay mo ng red rose doon sa cover, kasi nagkaroon siya ng resemblance doon sa mismong kwento. (Nagbigay si LJ ng red roses kay JL nung na-late siya sa oras ng tagpuan nila.)

Pero bakit parang putol yung image ng babae sa bandang ulo? Intentional or not, para sa'kin mas magandang binuo mo na lang yung facial features ng girl. Tsaka kung maaari lang, pwedeng paki-tanggal na lang nung piercing sa ilong ng babae sa image? I'm sorry, I just find it a little bit distracting.

💥Title:
Your chosen title is good. Malakas siya makatawag ng pansin kasi nag-iiwan ng katanungan sa'min yung titulo mo. If someone is curious on something, he/she will find a way to reach out for that thing. And that's what I exactly felt when I've read your title; I flipped those precious pages, trying to decipher what's the catch on your novel.

I also would like to admire your creativity. Swak na swak yung napili mong title, kasi sumakto siya sa pagkatao ni JL. Nagkaroon ng methaporical state yung word na "Behind The Pages" doon sa pagiging "Poem Writer" ni JL, dahil sa parehas silang related sa pagsusulat.

💥Opening:
Okay naman yung naging simula ng kwento. From the introduction of your main characters-their traits and characteristics-their nature or place-everything is smooth. Hindi rin boring yung opening mo kasi nilagyan mo ng variation, which is yung paglalagay mo ng poetry bago magsimula ang isang kabanata.

Unlike others, sinisimulan nila yung kwento sa pagbulabog ng protagonist mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog sa pamamagitan ng mahiwagang alarm clock. Hindi naman sa sinasabi kong mali 'to. My point is, napaka-common na ng ganyang panimula. In other words, hindi laylay or dragging yung umpisa mo. Parang umaagos lang na ilog, natural siya.

At tsaka buti na lang, nilagay mo sa description ng bestfriend ni JL na babae si Frappe. Kasi akala ko talaga 'nong una lalaki siya. Nagkakaroon kasi ng confusion yun sa mga readers. Good thing that you've explained it earlier.

💥Conflict:
As of now, I can't judge the conflict of your novel because it's still on early phase. Pero meron na 'kong nakikitang problems na haharapin si JL. First is the common one, JL will fall inlove for LJ. Or it's the other way around. Second, siguro magkakaroon ng commotion or clash between LJ & her ex. Et cetera.

So you see, medyo predictable yung mga magiging conflict sa kwentong 'to. So my concern is sana wag mong hayaang maging predictable yung magiging outcome ng story. Kung kinakailangang maglagay ka ng twists or subplots, then do it! But just make sure that you can resolve it.

💥Plot:
I must say that your plot is distinctive. Very sensational din siya dahil madaling maka-relate yung mga tao sa kwento, dahil halos karamihan sa'tin ay nakaranas na ng pagkasawi sa pag-ibig. Medyo intriguing din yung tungkol sa pang-iiwan ng ex ni JL. Kumbaga nagkaroon ng hanging questions, dahilan upang basahin nila ang kwento mula umpisa hanggang dulo.

AFO CRITIQUE SHOP [BATCH 2 - FULL]Kde žijí příběhy. Začni objevovat