B2- The Faded Spark (ArkitekNikkowl)

72 17 2
                                    

📕Requester:ArkitekNikowl
📕Title: The Faded Spark
📕Critic Mentor: Violet Violet_Ybrehl07

➡️Ang iyong mababasa ay pawang opinyon lamang na may pinagbasehan.

➡️Nawa'y makatulog ako upang mas mahasa mo ang iyong kakayahan.

➡️1-5 chapters lang ang pinagbasehan ko ng critique na ito. Wag sanang dibdibin ng sobra.

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

💥Book Cover

I really like the vibes of your cover

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

I really like the vibes of your cover. Simole pero may dating. May connection sa plot pati na sa title kaya good job.

💥Title

Sa pagkabasa ko ng storya mo. Tragic plot kaagad ang datingan nito. I'm curious about the content n'ung una kong nabasa. So far wala ka rin namang katulad na title kaya Good job ka rin.

💥Opening

Maganda naman ang opening mo pero hindi malinis. May marami akong nakitang typo. As much as posible dapat ang opening mo ay malinis o hindi na kapansin-pansin ang mga typo. Mamaya ipapaliwanag ko ang mga mali mo dito.

💥Conflict / Plot / Setting

Tama ang naging conclusion ko nang nabasa ko ang content mo sa title. Since yung opening ay nu'ng sinagot ng girl yung guy at sa second ay yung paghihiwalay na. Maganda ang plot pero cliche na at over used. Why don't you try to reverse your plot? Lalaki ang gamiting mong POV. Plus yung numbering mo pala, magulo. Kaunti pa lang naman ang chapters mo magagawan mo yan ng paraan para mapakilala ang twist na kakaiba. Medyo nakulangan lang ako settings mo. Try mong i-describe din ang nasa paligid bago ka mag-proceed sa scene.

💥Characterization / Dialogue / Point of View

Wala akong masabi dito. Madaling ma-identify ang character mo. Sa dialogue mo dahil tama ito ng structure sa unang part pero nawala sa mga sumunod na chapter. Sa tingin ko sa editing stage ka ngayon. Sa pov naman maganda na hindi ka na nagpapalit ng character so good job

💥Show versus tell / Format of the text

Gaya ng sabi ko, nakulangan ka sa descriptions. Lalo na sa settings. Gawing mong broad ang mga words mo. Hanggat maaaring gumamit ka ng show. I-describe mo ang mga ginagawa nila mula aa action hanggang facial expresion.  Wag lang mag-stay sa thought ng character mo.

💥Grammar and spelling

Napansin ko na kapag gumagamit ka ng apostrophe lalo na sa mga may double letter, napapagpalit mo yung pwesto.  Katulad ng nu'ng nagiging n'ung sa iyo. Kapag ginagawa mo yan dapat nasa pangalawang letter ng double letter.

Napansin ko rin na hindi ka naglalagay ng dash (-) sa mga hiram na salita. Kailangan mong ihiwalay ang english sa tagalog katulad ng nag-slow motion, nag-text, nag-swimming.

Kapag nag-uulit ng salita dapat may dash sa gitna nito katulad ng kaaya-aya, paulit-ulit.

Naguguluhan ka sa ng, nang, daw, raw, din, at rin.

✨Ng
Kapag sinasagot ang tanong na Ano at kailan, kung ipinapahayag ang pagmamay-ari at kung tungkol sa oras o petsa

✨Nang
Kapag sinasagot ang tanong na paano, kapag umuulit ang kilos, maaaring ipalit sa noong (when), para at upang.

✨Rin/raw
Nagtatapos sa patinig (a,e,i,o,u)

✨Din/daw
Nagtatapos sa katinig (b,c,d,f,g and so on)

💥Style

Wala namang problema lalo na't nakuha mo ang genre na napili mo.

💥Conclusion (strenght and needs improvement):

Inisa-isa ko na ang mga dapat mong i-improve. Kaunti pa lang ang chapter mo kaya pwedeng-pwede mo pang i-edit yan. Proofread lang at revisions ang kailangan mo.

💥Rating 3.50

5 Excellent
4 Above Average
3 Average
2 Below Average

🔉Comment inline your feedback about my critic to the following category.

👑Very Satisfied

👑Satisfied

👑Not Satisfied

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩
Message from Violet_Ybrehl07

Hi! Sorry for the delay. Super busy lang talaga. I hope makatulong ako.

Posted by:
¤Founder Seb.¤

AFO CRITIQUE SHOP [BATCH 2 - FULL]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora