03: Feelings

1.3K 47 5
                                    

Patricia's POV

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Tahimik ang buong klase. At lahat sila, nakatingin sakin. Ano pa nga bang aasahan ko? Wala namang magbabago. Ganyan na sila sakin simula ngayon. Nakakainis lang dahil tingin ko, ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Mico. Samantalang wala naman akong kinalaman sa pagkamatay niya. Wala.

Sinumbong ko agad sa mga pulis ang nalaman ko nang gabing iyon. Mabilis naman nilang naaksyunan iyon maging ang lalaking pinagsasaksak ang sarili niya. Nakapagtataka lang dahil nang mahinto siya sa ginagawa niya ay mas lalo siyang humagulgol ng iyak.

Ayon sa lalaking iyon, hindi raw niya alam kung bakit siya nasa silid na iyon at hindi rin niya maintindihan kung papaanong kusang gumagalaw ang mga kamay niya. Tila ba may kumukontrol sa kanya. Tama nga iyong naiisip ko kagabi. May hindi normal na nangyayari sa kanya.

Kung may kumukontrol nga sa kanya nang mga sandaling iyon, sino? Sino iyong taong 'yon? Natitiyak kong siya rin iyong taong nararamdaman ko ang presensya kagabi na nasa paligid lang at pinagmamasdan ako. Malakas ang kutob kong nasa loob lang ng paaralang ito ang taong iyon. Kailangan kong magingat sa kanya. Hindi siya normal.

May kakayahan siyang magpasunod ninoman. Kaya ngang pumaslang ng tao nang hindi niya ito ginagalaw. Kaya niya gawin ang lahat. Napapaisip tuloy ako kung papaano niya nakuha ang ganoong klase ng kakayahan. Anong kapalit niyon?

"Magandang umaga."

"Magandang umaga rin," bati ko rin kay Marvin.

Napansin ko agad pagupo ko na wala pa pala si Dianne. Mukha yatang tinapos niya talaga iyong dino-drawing niya na Card Captor Sakura. Paniguradong napuyat iyon dahil sa ginawa niya. Nabanggit niya rin sakin kagabi na may kailangan pa raw siyang ireview at isulat. Hindi ko natanong kung para saan kaya kinakabahan tuloy ako.

Kapag nagkataong may long test ngayon, baka wala akong maisagot. Ni hindi ko nga naintindihan iyong mga tinuturo kahapon at yung notes na pinahiram sakin ni Dianne. Ang sakit sa ulo. Wala akong maintindihan talaga. Nakakatuyo talaga ng utak ang pagaaral.

"Nakapagreview ka ba?"

Napatingin ako kay Marvin. Kinabahan ako bigla. Sinasabi ko na nga ba. Paano ako nito mamaya? Nakakainis. Baka wala akong maisagot kahit na isa. Hindi bale, excuse naman siguro ako dahil bagong pasok pa lang ako, hindi ba? Tama. Pero pwede ring hindi e. Hays. Lagot ako nito mamaya.

Umiling-iling lang ako kay Marvin.

"Hayaan mo, pakokopyahin nalang kita," aniya habang nakangiti at kinindatan ako. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at katabi ko siya. Malaking tulong siya sakin.

Hindi ko naman sinasamantala ang kabaitan niya, sadyang kailangan ko lang talaga ng tulong niya ngayon. Nakakatuwang siya pa mismo ang nagrekomenda sa sarili niya. Ang bait niya talaga. Plus factor pa iyong pagiging cute niya.

"Look girls, nilalandi niya si Marvin."

Naginit ang ulo ko sa narinig ko. Ang kapal naman ng mukha ng babaeng iyon para sabihing nilalandi ko si Marvin. Nilingon ko lang ito at sinamaan ng tingin. Inirapan ko na rin para masindak siya. Akala niya siguro'y madadaan niya ako sa pagpaparinig niya.

"Sakin ka nalang tumingin para hindi ka mainis," sabi ni Marvin na siyang naging dahilan upang mapatingin nga ako sa kanya.

Ang ganda ng mga mata niya. Medyo brown ito at ang kapal ng kilay niya. Matangos ang kanyang ilong at sobrang kissable ng lips. Gwapo. Gwapo nga talaga itong lalaking ito.

Nakapagtataka lang dahil sa lahat ng babae sa school, ako lang yata ang kinakausap niya ng ganito. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin. Ayokong mag-assume kaya sa ngayon, kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Kung lumagpas man doon, wala naman sigurong masama. Mabait nama siya at mabuti siyang tao.

Live or DieWhere stories live. Discover now