34: Bianca's Plan

152 9 0
                                    


Bianca's POV

Napangisi ako nang mabasa ang impormasyong sinend sakin ng private investigator na kinuha ko. Totoo ngang hindi iyon ang pangalan niya. Tama pala ang hinala ko na nagpapanggap lang siya all this time na nag-aral siya rito sa Sebastian Academy.

Ibig sabihin ay hindi totoo ang lahat ng sinabi at kinuwento niya sakin. Hindi totoong isa siyang tunay na anak dahil ampon lang siya. Inampon siya ng isang mayamang magasawa matapos siyang makuha ng mga ito sa isang sunog dalawang taon na ang nakararaan.

Mila Rivera ang tunay niyang pangalan at hindi Ashly Alcantara. Hindi rin September 22, 1998 ang birthday niya kungdi April 27, 1998. Hindi rin totoong sa Payatas,Quezon siya ipinanganak dahil ang totoo ay dito lang sa Manila.

Isang mananahi at karpintero ang mga magulang niya na sina Mina Asuncion at Brando Rivera. Namatay ang mga ito dahil sa sakit sa puso nang magdalaga na siya at magaral sa Silvierro Academy.

Simula nun ay inampon siya ng dalawang mayamang mag-asawa at pinalitan ang pangalan niya. Mula sa pagiging Mila Rivera ay nakilala na siya bilang si Ashly Alcantara.

Siya ang tinuring kong bestfriend dito sa Sebastian Academy nang mag-aral ako rito. Ngunit hindi ko inasahang may tinatago pala siyang ganitong sikreto. Bakit hindi niya ito sinasabi sakin? Bakit niya ito nilihim? Kaibigan niya ako. At ang magkaibigan, hindi naglilihiman.

Napapaisip tuloy ako kung kaibigan ba talaga ang turing niya sakin o pinaplastik niya lang rin ako gaya ng mga naging una kong kaibigan. Nakakainis. Ang buong akala ko pa naman ay totoo siya. Ngunit nagkamali ako. Gaya rin siya ni Patricia. Wala siyang ipinagkaiba sa mga naging kaibigan ko noon na niloko lang ako sa bandang huli.

May mga bagay pa kaya siyang tinatago sakin bukod sa pagkatao niya? Hindi kaya, siya rin ang nasa likod ng pagkamatay ng mga kaklase namin? Ayokong paniwalaan ang sinasabi ko ngunit may parte sakin na nagsasabing tama ang kutob ko sa kanya.

"Bianca?"

Mabilis na pinatay ko ang cellphone ko nang marinig ang boses niya mula sa likod. Lumingon ako at nakangiting tumingin sa kanya.

"Bakit, Ashly?"

"W-wala naman. Next time nalang siguro," sabi niya bago muling ituon ang atensyon sa isinusulat niya.

Nang ituon ko ang aking atensyon sa harap ay biglang may pumasok na plano sa utak ko. Bakit kaya, hindi ko gawan ng big revelation ang tunay na pagkatao ni Ashly? Mago-organize ako ng isang party kung saan ang pinaka-highlight ay ang pagpapakilala sa kanya bilang si Mila at hindi si Ashly.

Hindi ba't magandang ideya iyon?

Wala muna akong pagsasabihan nitong mga nalaman ko dahil ang gusto ko ay marami ang makakaalam. Sa mismong araw ring iyon. Matutuklasan nila ang totoong pagkatao ni Ashly. Na nagbabalat-kayo lamang siya sa isang pangalan na hindi naman talaga dapat sa kanya.

Tama. Ganon nga ang plano.

Mga kaklase lang namin ang iimbitahin ko upang mapahiya ko siya. Kilalang-kilala siya ng mga ito bilang si Ashly Alcantara. Tiyak kong magagalit ng husto ang mga ito sa kanya oras na malaman ang tunay na siya.

Ipapahiya ko siya sa lahat.

Ngayon pa lang ay pa-planuhin ko na ang magiging takbo ng party. Isusulat ko na sa aking kwaderno kung anu-ano ang mga magaganap at kung anu-anong mga litrato ang gagamitin ko upang ipagkumpara ko siya kay Mila.

Malaki at marami ang nabago kay Mila kumpara ngayon na Ashly na siya. Mula sa pangalan, pananamit, paguugali at paraan ng pakikipagusap ay ibang-iba na rin. Malayong-malayo sa Mila na kinalimutan na ng lahat.

Pamilyar ako sa babaeng iyon dahil minsan ko na siyang nakita noong mga panahong sa Silvierro Academy pa ako nag-aaral. Tahimik lang siya at may kaibigan siya na babae na parati niyang kasama. Hindi ko kilala kung sino iyon ngunit sobrang malapit sila sa isa't-isa.

Hindi pa rin masink-in sa utak ko na si Ashly at Mila ay iisa. Kaya pala nang minsang inalok ko siya ng mani ay tumanggi siya dahil may allergy daw siya doon. Parang si Mila lang. May allergy rin ito sa mani. Nagkakarashes siya sa tuwing may nakakain siyang mani.

"Class..."

Hindi ko namalayang nasa harap na pala si Mr. Valdez at tinitignan kami isa-isa. Wala siyang dalang gamit na labis kong ipinagtataka. Mukhang hindi yata siya magtuturo ngayon. Salamat naman kung ganon

"Napagpasyahan ng principal na hindi muna kayo papapasukin hangga't hindi nahahanap ang may pakana sa lahat ng nagaganap na pagpapakamatay at pagpatay sa loob ng school na ito." Napangiti ako sa paunang sinabi ni Mr. Valdez. Mukhang umaayon ang lahat sa plano ko.

"At first, hindi kami naniniwala sa mga superpowers kuno na iyan. Ngunit iba na ngayon. Hindi na normal ang mga nangyayari. Gumagawa ang isang tao ng isang bagay na labag sa kagustuhan niya. May kumukontrol sa katawan niya." Napakunot ang noo ko sa sunod niyang sinabi.

Tahimik pa rin ang buong klase at hinihintay ang susunod na sasabihin ng guro namin.

"Ang hinala namin ay isa sa mga estudyante ng paaralan na ito ang may gawa nun. Kung paano? At kung sino? Hindi rin namin alam. Binabalaan namin kayo na mag-ingat. Sa bawat bigkas ng bibig niya, sa bawat kumpas ng kamay niya, susunod ka. Sa ayaw at sa gusto mo." Nakaramdam ako ng sobrang kaba dahil sa narinig ko.

Napatingin ako sa ilan naming mga kaklase at napansin kong nagsisimula na silang matakot at kabahan. Maging sila'y hindi makapaniwala sa naririnig nila sa guro namin ngayon.

"Babalitaan nalang namin kayo kung kailan ang magiging balik niyo. Sa ngayon, sa bahay muna kayo upang masigurong ligtas. Maaari na kayong umuwi. Magandang umaga."

Muling ngumiti sa amin si Mr. Valdez bago siya tumalikod at nilisan ang klase.

Napuno ng katahimikan ang buong klase pagkatapos nun. Nagkakatinginan lamang ang bawat isa na para bang pinagdududahan nito kung sino ang tinutukoy ni Mr. Valdez kanina na may espesyal na kakayahan na kayang magpasunod ng tao. Sino nga kaya?

Natatakot ako sa kayang gawin ng taong iyon.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang planong pagbubunyag sa katauhan ni Ashly. Hindi pe-pwedeng hindi matuloy iyon. Napagplanuhan ko na ang lahat. Mga bisita na lang ang kulang.

Tumayo ako kaya napatingin silang lahat sakin. "Guys..." Binigyan lang nila ako ng mga tingin na puno ng pagtataka. Mukhang wala silang ideya sa sasabihin ko.

"Since wala naman na tayong pasok, I'm planning na magpa-party sa bahay next week. Monday. Gusto ko lang makasama kayo dahil last year na natin ito sa high school, right? So, guys. Sana makapunta kayo." Umupo na ako dahil nasusuka na ako sa mga pinagsasasabi ko.

Ewan ko kung saan ko nakuha ang mga iyon pero sana makumbinsi ko sila na pumunta. Magiging mas masaya kung nandoon rin ang star of the night natin na si Ashly. Sisiguraduhin kong pupunta siya.

"Sama ka, ha?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Oo naman. I will make sure na magiging memorable ang araw na iyon," aniya at ngumiti.

Kinilabutan ako bigla sa sinabi niya.

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon