14: Nightmare

564 24 0
                                    


Lloyd's POV

Nang makauwi ay dumiretso ako agad sa kwarto. Wala akong gana kumain dahil sariwa pa rin sa isipan ko ang kalunos-lunos na sinapit ng mga kapwa ko estudyante kay Miss Buenavente. Hindi ko inasahang ganon ang madadatnan ko pagkalabas namin ng klase.

Hindi bababa sa dalawampu't lima ang namatay ng ganon kabilis. Sunod-sunod ang naging pagkamatay at magkakaparehas halos ang mga ikinamatay nila. Maraming saksak, at yung iba naman ay nilaslasan sa leeg. Sobrang nakakapanlumo ang mga naging itsura nila matapos silang paslangin.

Naalala ko bigla yung pugot na ulo ni Miss Buenavente na tumambad samin nung nasa hagdan kami. Walang makapagsabi kung papaano siya namatay at napugot ang ulo niya. Hindi kayang gawin ni Miss Buenavente iyon sa sarili niya at imposibleng isa sa mga estudyante ang may gawa nun. Dahil halos lahat ng estudyante ay nakababa na maliban sa mga estudyanteng napatay na niya.

Nakapagtataka.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagpalit na ng pambahay. White tshirt at boxer shorts. Hihiga na sana muli ako nang matripan kong tumingin sa salamin at pagmasdan ang aking sarili.

Ginulo-gulo ko ang aking buhok at kinusot-kusot ang mga mata ko. Ngumiti ako at binasa ng laway ang labi ko. Ano bang problema sakin? Bakit hindi ako magustuhan ng taong gusto ko? Gwapo naman ako, mabait, pero bakit nasa iba pa rin ang atensyon niya? Bakit?

Almost 3 years na rin akong may gusto kay Anna Marie ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinagbibigyan na ligawan ko siya. Sarado ang utak niya kapag sakin ngunit pagdating sa lalaking gusto niya ay pwedeng-pwede. Ngunit kahit na ganon, tapat pa rin ang puso ko sa kanya. Sa loob ng tatlong taon siya pa rin ang babaeng gusto ko. Hindi ako tumingin at nag-entertain ng ibang babae para sa kanya.

Kahit na sabihin niya saking wala akong mapapala, disidido pa rin akong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko baka sakaling magustuhan niya rin ako. Sapagkat sobrang mahal ko talaga siya. Siya lang ang nagpadama sakin ng ganito. Tinuruan niya ako kung papaano magmahal.

"Ma?"

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang marinig ang sigaw ni mama. Hindi ko sigurado ngunit may naririnig talaga ako. Nagmamakaawa siya. Kumunot naman bigla ang noo ko. Bakit? Ano bang nangyayari?

Maya-maya'y may narinig naman akong nagtatakbuhan sa labas. Bigla akong kinabahan. May nakapasok kayang kriminal sa loob ng bahay namin? 'Wag naman sana.

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa pinto at sumilip upang alamin kung anong nangyayari sa labas. Tumingin ako kaliwa't kanan. Napalunok ako nang makita si mama na nakasandal sa pader habang tinututukan ng isang tao na may hawak na baril.

Hindi na ako nagatubili pa at tumakbo na ako palapit sa taong iyon upang pigilan siya. Malapit na sana ako nang biglang humarap sakin ang taong iyon. Naluha ako bigla. Bakit si Papa?

"Pa? Ano 'to?!" sabi ko at naiyak na sa harapan niya.

Ngumisi lang siya sakin at sandaling tinapunan ng tingin si Mama.

"Papatayin ko na ang magaling mong ina! Gusto mo bang sumama?"

Susugurin ko pa sana siya at susubukang suntukin nang sakin naman niya itinutok ang baril.

"Subukan mo. Mapapatay kita," sabi niya at malademonyong tumawa.

Tila hindi si Papa itong nasa harapan ko. Para bang ibang tao. Hindi ganito ang pagkakakilala ko kay Papa. Oo napagbubuhatan niya kami ng kamay ngunit alam kong hindi niya kayang pumatay ng tao. Lalong-lalo na kung pamilya niya.

"Pa, ano ba! Itigil mo na 'to!"

Hindi ko mapigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha galing sa mga mata ko. Hindi ko makayanan ang ganitong klaseng sitwasyon. Ang hirap paniwalaang nangyayari ito sa mga sandaling ito.

"Sige, tatapusin na natin."

Ngumisi siya sakin at ikinasa ang baril na hawak niya. Napasigaw ako ng malakas nang muli niya itong itutok kay Mama. Mas lalong lumakas ang hagulgol ni Mama. Nakaluhod na siya at todo makaawa kay Papa ngunit nagbulag-bulagan lang ito sa kanya.

Kinalabit na ni Papa ang gatilyo.

"Mama!"

Napabangon ako bigla. Hinihingal ako. Napatingin ako sa paligid at nandito pa rin ako sa kwarto ko. Tinignan ko ang suot ko. Nakauniporme pa rin ako. Nagmadali akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kwarto nina Mama't Papa. Mahimbing na ang tulog nila. Bigla akong nakahinga ng maluwag pagkatapos nun.

Salamat at panaginip lang ang lahat.



Prince's POV

Nagising ako nang maramdamang may sumasampal sakin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na siya. Bakit siya? Siya na ba si Aira ngayon? Napamura ako sa aking isip. Hindi ko inakalang sa lahat ng paghihinalaan ko, siya pala ang taong iyon.

"Kamusta na, Prince?" Ngumisi siya sa harapan ko kaya kitang-kita ko ang pagmumukha niya.

"Hayop ka! Hindi ako makapaniwalang ikaw iyon!" Inalayo niya ang mukha niya at inikutan niya ako.

"Ang galing ko kayang magpanggap. Kaya imposibleng makilala niyo agad ako. Ibang-iba na ako ngayon. Malayo sa Aira na kilala niyo noon."

Huminto siya sa likuran ko at may naramdaman akong matalas sa leeg ko. Hindi ako maaring magkamali. Isa iyong kutsilyo. Nilalaro-laro niya ito habang sinusugatan ako ng maliliit.

Susubukan ko sanang gumalaw nang mapagtanto kong nakagapos pala ang mga kamay at paa ko. Nakatali ako sa isang malaking kahoy at mahigpit ang pagkakataling iyon sakin. Napamura ako sa sobrang inis. Papaano niya ako nadala dito nang hindi ko namamalayan?

"Bakit kailangan mong maghiganti? Aksidente lang ang lahat!" Napasigaw ako nang ibaon niya ang kutsilyo sa balikat ko.

"Aksidente?! Aksidente ba yung sinadya niyo akong iwan sa nasusunog na bahay na iyon, ha?!" Hinugot niya ang kutsilyo sa balikat ko at muling ibinaon iyon.

Muli akong napasigaw sa sobrang sakit.

"Walang may gusto ng mga nangyari! Hindi ka namin gustong patayin! At iyon ang totoo!"

"Mga sinungaling kayo! Papatayin ko kayong lahat!" Hinugot niyang muli ang kutsilyo sa balikat ko at sinaksak naman niya ako sa tagiliran.

Naglabasan ang dugo sa bibig ko habang nakatingin sa nanggagalaiti niyang mukha. Puno ng galit ang mga mata niya habang nakatitig siya sakin. Napayuko na lang ako dahil kinikilabutan na ako ng husto sa kanya.

Nagulat ako nang itaas niya ang ulo ko at nakita ko na naman siya. Nakangisi siya. Nanlaki ang mga mata ko nang ibuwelo niya ang kaliwang kamay niya na may hawak na pako. Nagkaideya na ako kung anong gagawin niya kaya napapikit na lang ako.

"Magpaalam ka na," bulong niya.

"Hindiiii!!!" sigaw ko at nagsimula na akong maluha.

Mabilis akong napabalikwas ng bangon sa higaan ko. Taranta akong tumingin sa paligid at nandito ako sa kwarto ko. I-ibig sabihin... P-panaginip lang ang mga 'yon? Nakahinga ako ng maluwag. Papaano nga pala mangyayari yon gayong magkakasama kami nina Patricia kanina? Tinatakot ko na naman ang sarili ko.

Tatayo na sana ako at pupunta sa kusina nang may biglang may magtakip ng panyo sa bibig ko. Hindi ako nakasigaw dahil doon at unti-unti akong dinalawan ng antok. Sinubukan kong lumingon upang alamin kung sino ang taong iyon at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Siya rin iyong nasa panaginip ko kanina.

Siya si Aira?

Live or DieWhere stories live. Discover now