39: Light's Off

147 11 0
                                    


Cyrill's POV

Nagsimula na ang party.

Nagsayawan ang lahat habang sinasabayan ang music na naka-play. Hot n Cold ang title ng kanta kung hindi ako nagkakamali. Palagi ko kasing naririnig 'yang song na yan sa kwarto ni Ate kapag nagpapatugtog siya.

Natigilan ako. Bigla ko na naman siyang naalala. Nanunumbalik na naman ang lahat. Mabilis na ipinilig ko ang ulo ko. Wala na siya. Tapos na. Hindi ko kailangang umiyak ulit.

Inalala ko ang dahilan kung bakit nga pala ako nandito sa party na ito. Hindi lang upang magsaya kungdi pati na rin ang pabagsakin si Aira.

Napagkasunduan namin nina Patricia na dito na gawin ang plano since maganda ang pagkakataon na ito. Present ang lahat ng kaklase namin kaya bantay sarado namin ang lahat.
Napagpasyahang ako ang magmamasid-masid sa gitna habang sina Patricia at Marvin ay sa gilid lang upang mamasdan ang ginagawa ng lahat.

"Are you enjoying?" tanong sakin ni Bianca.

Inalok niya ako ng wine at hindi ko iyon tinanggihan. Wala naman sigurong masamang uminom kahit konti diba? Para naman maenjoy ko kahit papaano ang party. Tama. Hindi ko pa naman kailangang magpaapekto kay Aira dahil wala pa siyang ginagawa na hindi maganda.

"Salamat." Ngumiti ako at umalis na siya upang kausapin ang iba pang bisita.

Nawalan na ako ng gana sumayaw kaya tumambay nalang ako sa may chocolate fountain at nagsawsaw ng marshmallow bago ko ito kainin. Mabuti at meron siyang ganito. Mahilig na mahilig pa naman ako sa mga ganito.

"Ang sarap."

Dinilaan ko pa ang daliri kong may chocolate. Wala namang papansin sakin kaya okay lang. Yung iba nga halos maubos na ang mga cupcakes e. Nakakainis. Baka maubusan naman nila ako.

Abalang-abala ang lahat sa pagsayaw at pagke-kwentuhan kaya hindi nila namamalayang dinadala na sa paligid ang ilan pang mga pagkain. Kung hindi ako nagkakamali, mga ulam iyon.

Nagulat naman ako nang makitang isang buong lechon ang nilabas at ipinuwesto malapit sa mga alak at beer. Halatang sinadya upang maging pulutan kuno ng mga nagiinom.

"Join us?" Umiling lang ako kay Apollo. Wala talaga akong pake sa lalaking iyon kahit na ang pogi niya.

Ang dami niyang kasamang babae at siya lang ang nagiisang lalaki doon. Anong tawag mo doon? Flirting, right? Kahit kailan talaga, wala na siyang ipinagbago.

"Can we dance?" Umiling rin ako sa alok sakin ng kaklase kong si Jax.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Ang ganda. Mas lalong gumanda ang bahay nina Bianca dahil sa mga makukulay na papel na nagkalat sa paligid. Idagdag mo pa ang mga lobo na hugis bilog at pahaba na nakadikit kung saan-saan. May disco light rin na siyang nagpapagana sa lahat upang sumayaw.

Pinaghandaan talaga.

Napadako ang tingin ko sa munting stage na nasa gawing kanan. Napatanong ako sa sarili kung para saan iyon gayong pwede naman siyang magsalita gamit ang mikropono na hindi na kailangan pang humarap sa aming lahat.

Pakulo na naman siguro niya ito para mapansin siya sa school at pagusapan oras na makabalik na kami kung kailan ang pasukan. Marahil ganon nga. Ngunit may parte pa rin sa utak ko na hindi kumbinsido sa naiisip ko. Parang hindi iyon ang purpose ng stage na iyon.

Ano nga kaya?

"May problema ba?" Hindi ko namalayang tumabi na pala sakin si Bianca.

"Nothing. Nami-miss ko lang si Ate." Pinilit kong ngumiti upang ipakitang tanggap ko na ang pagkawala niya kahit na hindi pa talaga.

"Don't worry. I'm sure na nasa langit na ang Ate mo at kasama na niya ang Panginoon."

Ewan pero dapat ba akong matawa sa sinasabi ni Bianca? Bakit siya biglang naging ganito? Para siyang anghel? Kulang na nga lang e turuan niya ako ng mga salita ng diyos o di kaya'y kumanta ng mga kinakanta sa simbahan.

Nakakatawa.

Lasing na ata ang gaga.

"Lasing ka na yata," ang sabi ko at saglit na uminom ng wine sa basong hawak ko.

"Ako? Lasing? Hindi ah. I'm just talking to you the way I know. Ayos ba?" Naglike pa siya sakin tapos ay lumipat na naman siya ng pwesto.

Napangisi ako. Sana palagi na lang siyang lasing para mabait siya. Hindi naman pala ganon kalala ang kademonyohan niya. Nadadaan naman pala sa alak.

"Bianca," bulong ko habang pinapanuod ang pakikipagusap niya sa iba.



Mastermind's POV

Iniwan ko ang cupcake na hawak ko nang mairita ako sa nakikita ko sa labas. Nagkakasiyahan sila. Habang ako, naiinip. Wala namang kwenta itong party na inorganize ni Bianca. Ang laki pa naman ng expectation ko tapos ganito lang.

Ang daming kulang.

"Ano pong gusto niyo?" tanong sakin ng isa sa mga maid nang makapasok ako sa loob ng bahay.

"Patayin mo ang mga kasama mo sa kusina pagkatapos ay sumunod ka sa kanila." Ngumiti ako at lumibot sa kabuuan ng bahay.

Hindi maipagkakailang mayaman nga sila. Mas mayaman sila samin kung tutuusin. Ang dami nilang kwarto rito. May sari-sarili sila at ang daming bakante.

Nangongolekta rin yata ang mga magulang ni Bianca ng mga babasaging bagay kaya ang daming display dito na talaga namang magaganda. Gusto ko nga sanang basagin kaya lang napagisip-isip ko na mamaya nalang kapag nagsimula na ako.

Pumukaw ng atensyon ko ang family picture nila. Successfull businessman ang Papa niya at magaling na doktor naman ang kanyang Ina. Isang modelo ang Ate niya habang siya ay honor Student. Isang perfect family. Ngunit hindi para sa isang unperfect person na gaya niya.

Pakialamera.

"Friends sana tayo kaya lang..." Lumapit ako upang mas makita ng malapitan ang mukha niya sa picture. "Kinalaban mo 'ko." Ngumisi ako at naglakad na pababa papuntang kusina kung saan naroon ang maid na inutusan ko kanina.

Hindi maipaliwanag ang sayang nadarama ko nang makita ang ginagawa niya. Pinagsasaksak niya ang iba pa niyang kasama. Napatawa ako ng malakas. Maya-maya'y siya naman ang susunod.

"Anong ginawa mo sakin? Pahintuin mo 'ko!" Lumapit ako sa maid na patuloy lang sa pagsaksak. Iyak siya ng iyak habang ginagawa niya iyon.

"Bakit kasi tinanong mo ako kung anong gusto 'ko? Yan tuloy, naging mamamatay tao ka." Ngumiti ako at lumuhod upang mas makita ang nakakatawa niyang mukha.

"Ngayon, ipagluto mo naman ako. Ngunit sa paraang gusto ko." Tumayo ako't kumuha ng isang basong tubig.

Mabilis naman siyang sumunod at pumunta sa lamesa upang simulan ang gagawin niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang kumuha siya ng kutsilyo at inilapag niya ang kaliwang kamay niya sa sangkalan.

"Ano ito?!" sigaw niya habang unti-unti ng kumikilos ang kanang kamay niya.

Napasigaw siya ng malakas nang hiwain niya ang mga daliri niya. Napangiti lang ako nang makita ang masagang dugo na umaagos mula roon.

"Itigil mo na 'to! Patayin mo nalang ako!" Napangisi ako.

"Yan ba talaga ang gusto mo?" tanong ko.

Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya at pinakilos ko na ang kanang kamay niya upang ibaon ang kutsilyo sa kanyang lalamunan. Muli akong nakakita ng sariwang dugi roon na siyang nagpagana sakin.

Natitigan niya pa ako ng ilang segundo bago bumagsak ang katawan niya kasama ang mga pinatay niya na ibang maids.

"Boring," inis kong sabi habang pinagmamasdan ang mga labi nila.

Naglakad-lakad ako kung saan-saan hanggang sa makita ko ang pinanggagalingan ng kuryente ng bahay na ito. May biglang pumasok na plano sa isip ko. Gagawin kong mas exciting ang gabing ito para sa kanila.

"Simulan na natin ang laro," sabi ko bago ito ishutdown.

Live or DieWhere stories live. Discover now