Chapter 39: Cherished @ 23

36 0 0
                                    

        January 7, 2013 na. Back-to-school na ang mga bata. Balik na rin sa paggawa ng Research Paper. At dahil January na, pinag-uusapan na ang ….. JS PROMENADE sa February. Yeap. Sa February pa pero excited na sila. Wooops! May namiss ata ako. Heto oh …

**FLASHBACK**

         January 4 ng gabi, mga 10:00 na natulog si Kate PERO nag-alarm siya ng 11:58 PM. Maya-maya’y nag-alarm na ito. Agad-agad kinuha ni Kate ang phone niya tapos dinismiss ‘yung alarm at tinawagan si James.

James: Hello?

Kate: HAYIIIEE! :D

James: Akala ko ba tulog ka na?

Kate: Oo nga. Nagising lang.

James: Bak— ?

Kate: Teka, hayan na! 12 na! HAPPY BIRTHDAY JAMES! :D

James: *napangiti* Thank you.

Kate: *sings Happy Birthday To You*

James: Okay na. Tama na. Masakit sa tainga. *smirk*

Kate: Hee! -.-“

James: I love you. *smiles*

Kate: I love you too Birthday Boy. *kisses the phone*

James: Ano ‘yun?

Kate: Ang alin?

James: ‘yung tunog? Paulit nga.

Kate: *kisses the phone*

James: Hindi ko marinig.

Kate: *kisses the phone*

James: Ang hina naman oh.

Kate & James: *kisses the phone*

Kate: O___O

James: ‘yan. Lips-to-lips ‘yun. *smirk*

Kate: Ang adik mo. *kinikilig*

James: Oh. Tulog na Mahal. Lalabas tayo mamaya kaya matulog ka na, okay?

Kate: Opo Mahal na Prinsipe. *smiles*

James: I love you Mahal na Reyna.

Kate: aii. I love you Mahal na HARI.

James: *smirk* Dream of me my Queen. *smiles*

Kate: Don’t forget to pray My King. *smiles*

         Kinaumagahan, sinundo ni James si Kate sa bahay tapos dinala sa bahay nila. Naghanda kasi ang pamilya ni James. Ang dami ngang pagkain eh. Matapos kumain, nagmovie marathon ang love birds sa kwarto ni James. After 3 movies, inihatid na ni James si Kate sa kanilang bahay.

**END OF FLASHBACK**

          During class hours, laging ineexcuse ang mga Silver and Gold Awardees ng 3rd year at 4th year para sa practice nila sa Prom. Mga Rigodon Dancers ay mga Awardees.

Irene: Kainggit naman sila. Hindi na sila nag-aaral.

Hanna: Kaya nga eh. Buti pa sila.

      Kapag may mga assignments, quizzes at projects, tinitignan nalang nila sa group nila sa facebook or nagtatanong tanong sila. Makalipas ang dalawang linggo, nag-exam na sila. After 3 days of exams,

**Look at the right side para malaman niyo kung anong event ang mayroon sa school. :D ---->>>**

                Nagmeeting na rin ang different clubs kung anong ibebenta nila at kung anong gagawin nila sa darating na Foundation Day ng school. Nauna na ang Science Club sa may malapit sa Canteen sa may loob ng Eating Area na malapit din sa hagdanan papuntang laboratory ng school. Magtitinda raw sila ng hotdogs, fishball at kung ano-ano pa. Mayroon ding gulaman. Habang busy na naghahalo ng gulaman si Kate at nagseserve sa mga customers, hindi niya napansin na may lalaking nakatayo sa harapan niya na may hawak na mga bulaklak. I-aabot na sana ni Kate ‘yung cup doon sa lalake ng makita niya ‘yung mga bulaklak. Kinikilig na ‘yung mga lower years na babae.

Carnival LoveWhere stories live. Discover now