Chapter 20: Chair of Forgetfulness

66 1 0
                                    

        Okay so before we continue the story, I'll introduce to you Cassie Pitt and Sean Kaizer Reyes. :) Sean Kaizer Reyes' picture is found at the right side. ^^ ----------------------------> 

        Si Cassie Pitt po ay isa sa mga best friends ni Ashley Dela Cruz. Magkakilala na sila simula bata palang. Syempre, magkatabi sila ng bahay eh. Simula elementary upto first year high school, magkaklase sila ni Ash pero pagsapit ng second year at third year, napunta siya sa kabilang section. Naging magbest friends sila Kate at Ash pagsapit ng second year.  At everyday sila mas nagiging close pero hindi naman nakalimutan ni Ash si Cassie. Kapag may time na recess nila at recess din ng kabilang section, nagkakasama silang tatlo kaya naging close sila Kate at Cass.

        Si Sean Kaizer Reyes naman ay ang FIRST LOVE ni Ashley Dela Cruz. Hindi naman na ganoon kabitter si Ashley kasi may crush naman na siya ngayon at 'yun ay si Grae Suarez. Bakit sila nagkahiwalay? Well, una sa lahat, naging crush ni Ash si Sean noong sila ay Grade Six. Bukod kasi sa napakatalino ni Sean, mabait pa ito, maalaga at palangiti. Matulungin din siya. Ito namang si Ash, 'di namamalayan na tumitindi na pala 'yung feelings niya para kay Sean. Ang hindi niya alam, may pagtingin si Sean sa kanya. <3 Pagdating ng first year high school, niligawan ni Sean si Ash. Nanligaw si Sean ng dalawang buwan. Matapos noon ay sinagot na ni Ash. Maganda naman ang takbo ng kanilang relasyon. Masaya silang dalawa. Pagsapit ng 2nd year, nakahalata na 'yung mga teachers. Noong una, okay pa naman eh pero dahil sa mga nagsusumbong sa teachers na PDA raw sila. Naghahalikan daw sila sa classroom which is NOT TRUE, eh ipinatawag sila ng Assistant Principal sa office at kinausap. Pinagsabihan sila na pag-aaral daw muna ang asikasuhin nila. Sinabi nila na hindi raw totoo ang mga sinabi nung nagsumbong at pinaniwalaan naman sila.  Makalipas pa ang ilang buwan, after celebrating their 14th monthsary, may lumapit kay Sean at sinabing nakita niya si Ash na may kasamang lalaki at may ipinakita pang picture. Crush ni Irene si Sean kaya gumagawa siya ng paraan para paghiwalayin 'yung dalawa. Kumuha siya ng picture ni Ash at phinotoshop niya kasama ang isa pa nilang kaklase na lalaki. Nagalit si Sean at ng sinubukan ni Ash na magpaliwanag, hindi siya pinakinggan at nakipagbreak ito kay Ash. Matapos noon, wala pang ibang nililigawan si Sean. Wala pang sumunod kay Ash.

Okay. Let's proceed to the story. ^______________________^ 

        TGIF! :D Ganoon pa rin naman. Usual lang 'yung nangyari sa school. NakaPE Uniform nga lang sila ngayon. LOL. Matapos ang flag ceremony, umakyat na sila sa taas. Tahimik ang lahat dahil busy silang nagrereview sa classroom dahil may quiz sila sa kanilang first subject at may quiz din sila sa kanilang Advanced Algebra which is the subject after recess. Matapos nun, nagrecess na sila. Bumili ng sopas si Kate, Ashley at Cassie at umupo sa may Eating Area. Tumabi naman si James kay Kate.

Kate: Gusto mo? *sinusubuan si James*

        Kinain naman ni James. Nagsidatingan si Kean at Grae at nakitable sa kanila. Maya-maya'y ...

Cass: uy si Mr. Amigable!

Kean: Oh ngayon?

Grae: Ano naman?

Ash: Alis kayong dalawa! Pang-apatan lang 'to! Sige, kukunin ni Sir ID niyo!

Kean & Grae: aii oo nga pala! *dali-daling  ibinalik ang upuan at umalis*

Kate: Good Morning Sir!

James: Good Morning Sir!

Cass & Ash: Good Morning Sir!

Sir Amigable: Good Morning!

        Umalis na sila at ibinalik ang mga ginamit sa canteen. Nagsimula na silang luminya at umakyat na sa taas. Nagrereview nanaman silang lahat para sa Advanced Algebra. After the quiz, bumaba sila sa 2nd floor upang pumunta sa Computer Room. Double Period sila ngayon sa Computer kasi Friday. ‘yung ibang estudyante, tulala lang na parang wala sa sarili. Napansin ito ni Mr. Gabrillo kaya naman …

Carnival LoveWhere stories live. Discover now