Chapter 29: A Big Revelation from a Visitor

47 0 0
                                    

        Nagsimula na ‘yung Opening nung Intrams. After nilang maglunch, wala ng Physics at Econ. Pinapunta na ang mga Virgo sa Aqua room at pinag-ayos. Pinatali ang buhok nila tapos minake upan sila sa mata. Syempre, GIRLS lang ‘yun. Tapos naglagay pa sila ng mga ribbon sa kamay nila. Green ang inilagay nila kasi ‘yun ang batch color nila. Berde. Pumunta rin sa room si Mr. Mendoza para kunin ‘yung assignment na ibinigay sa kanila. ‘yung commercial? Tapos bumaba na sila. Pinaglinya sila sa may Quadrangle tapos pinagchecheer sila. Andoon din kasi ‘yung lower years tapos cheer ng cheer. Syempre, hindi magpapatalo ang mga 4th years kaya nagsimula na rin silang magcheer. Pinapanood lang sila ni Mr. Amigable(‘yung ama noong Principal). Hanggang sa nagsimula ng magsipasukan ang lower years sa Gym. Last syempre ang 4th years. Nandoon na sila sa may tapat ng Eating Area. Si Kate, niloloko ni Mr. Gabrillo.

Mr. Gabrillo: Agiie. Nakakita ako ng aswang.

Mr. Montero: *natawa*

                Tinignan ni Kate ang sarili niya dahil sa pang-aasar ni Mr. Gabrillo sa kanya ng dahil sa make up niya habang si Mr. Montero, tumatawa lang.

                Nang makapasok na sila sa gym, nasa B-06 at B-07 ang Seniors tapos sigawan na. Habang nag-eenjoy sila Kate, dumako po muna tayo sa Montpellier, France kung nasaan ang mga magulang ni Kate.

                Gabi na doon nang may nagdoorbell sa bahay nila Kate.

Teenage Girl: What are we doing here Lola? Who’s house is this?

Lola: I think it’s time.

Teenage Girl: huh?

                Natigil sila sa pag-uusap ng may nagbukas ng pinto. Pinapasok sila sa loob.

Louie: Ma? Anong ginagawa niyo dito?

Lola: Louie, Anak. Patawarin mo sana ako.

Louie: Hindi naman po ako galit sa inyo eh.

Lola: Andrea, sorry. Sorry dahil hindi kita tanggap bilang asawa ng anak ko at kung hindi ako pumunta sa kasal ninyo. Hindi ako boto sa’yo Andrea nung nalaman ko kung sino ang Nanay mo. Ang nanay mo ang naging kaagaw ko sa tatay mo. Kami dapat ang ikakasal ng Tatay mo pero dahil nabuntis niya ang Nanay mo, iniwanan niya ako. Nagkaleche leche na ang buhay ko at doon ko nakilala ang ama ni Louie at nabuo siya.

                Nagtinginan ‘yung mag-asawa. Si Teenage Girl naman lumapit sa lola niya at ikinagulat ito ng mag-asawa.

Lola: At ngayon naman, hihingi ulit ako ng kapatawaran dahil sa ginawa ko. Ito, ito si Kate. May kakambal si Katelyn. Itinakas ko siya at binayaran ‘yung nurse para hindi sabihin sa inyong may kakambal siya. Noong nalaman kong Katelyn ang pangalan niya, ginawa kong Kateryn ang pangalan niya. *to Kateryn* Iha, sila ang ‘yong mga magulang. Sorry kung inilayo kita sa kanila. Sana mapatawad niyo akong lahat. May malubha akong sakit at naisipan ko na gumawa naman ng tama. Kailangan kong humingi ng tawad sa inyo. Bilang na ang mga araw ko dito sa mundo kaya sana man lang makagawa ako ng tama sa huli. Matatanggap ko kung hindi niyo ako kayang patawarin pero sana hindi pa huli ang lahat.

                Nagsimula ng maglakad papalabas ng bahay si Lola ng …

Louie: Ma? *lumapit at niyakap* Hindi ko po kayang magalit sa inyo. Kahit ano pong mangyari, Nanay ko pa rin po kayo at mahal ko po kayo.

                Nagsiiyakan sila doon sa bahay. Pinatira na nila si Kateryn sa bahay na iyon at pati ang Lola niya. Hindi na muna nila ininform si Katelyn para hindi ito mabigla. Ang gusto nilang mangyari ay ipakilala nila ito sa personal. Sa ngayon, babawi na muna sila kay Kateryn dahil matagal itong nawalay sa kanila.

Carnival LoveWhere stories live. Discover now