Chapter 33: What If

37 0 0
                                    

        Last day of exam na tapos bukas na ang FIELD TRIP! :D Excited na ang lahat kaya pinagsabihan sila ng mga teachers na huwag masyadong maexcite baka napabayaan ang pag-aaral, bumagsak pa. Matapos sagutan ang last subject, isinumite na sa harapan ang kanilang mga exam papers at bumaba na sila. Hinintay ni James si Kate sa baba. Nang andiyan na si Kate, hinawakan ni James ang kanyang kamay at nagsimulang maglakad papuntang Fetcher’s Area. Nasa likuran nila sina Kean at Grae.

Kean: Tol ha. Dumadamoves!

                Napalingon silang dalawa at ng makita ni Kean ang mukha nung babaeng kaholding hands ni James, …

Kean: Kate?

Grae: Baka gusto niyong mag-explain?

Kate: Uhh .. Kean, si James ‘yung tinutukoy kong boyfriend ko. ^__^

Grae: Naks! ‘yun oh!

Kean: Ahh. *pilit na ngumiti* Sige. Mukhang may pupuntahan pa kayo eh. Ingat kayo.

James: Sige mga tol. Una na kami.

Grae: Geh.

                Nang wala na sina James sa school,

Grae: Ba’t ganyan hitsura mo?

Kean: Ha? Ah wala.

Grae: Huwag mo sabihing may gusto ka kay Kate?

Kean: …

Grae: ‘yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Mahina ka kasi pare eh. Kung nung third year sana eh …

Kean: Oo na. Sige na diyan. It’s too late.

Grae: Sige pare. ‘yan na si Cassie eh.

Kean: Cassie at Ikaw. Sean at Ash. James at Kate. Ako nalang ba ang wala?

Grae: HAHAHA. Marami namang poste diyan tol oh. Mamili ka na. HAHAHA

Kean: G*go.

Grae: Sige. Mauna na kami ni Cass.

Kean: Geh. Ingat kayo, tol.

Grae: Sabihan mo lang ako tol kung kailangan mo ng katol ha?

Kean: G*go! Umalis na nga kayo.

                Naghanda na ang lahat para bukas. 2:00 palang ng umaga, nagluto na si YaH ng agahan na dadalhin ni Kate. Dumating naman si Kate sa school ng mga 3:00. NakaPE Uniform sila tapos nakapants. Nagdala rin siya ng jacket at syempre, cellphone. Pinaupo ang lahat ng mga Berde sa B-06 at lumapit na rin si Miss Langit para pagpiliin ang mga esudyante kung saan sila uupo. Syempre nagtabi ang love birds. Si Kean? Nakatabi si Ysabelle. Habang naghihintay ng iba pang estudyante, nagsoundtrip muna sila Ash at Kate. Pinakinggan nila ang kantang Pusong Lito. Nang makumpleto na, nagsisakayan na sila sa bus. ‘yung iba, nagCR pa muna bago umalis dahil mahaba haba pa ang kanilang biyahe. Pupunta sila ngayon sa Mind Museum sa Taguig City. Nasa harapan nila James si Miss Langit. Noong una, si Joe ang katabi ni Miss Langit pero nakipagpalitan si Kean kaya sila na ni Miss Langit ang magkatabi.

                Una nilang pinuntahan ay ang Greenbelt. Papanoorin nila ang Camp Rock? Basta ‘yun. Pero hindi ang Jonas Bros. ang andoon pero puro kantahan ang mangyayari at drama rin gaya nung nangyari sa Camp Rock 2. Ang tagal nilang naghintay sa labas kaya habang naghihintay, naglibot muna sila. Noong nagCR nga si Kate, hinanap niya ‘yung flush ng toilet kaso wala at dahil ihing ihi na siya, nirelease na niya ang water sa dam. Pagkatayo niya, biglang nagflush. AUTOMATIC pala. Nagpunta pa sila ng National Bookstore. Maya-maya’y pinatawag na sila ni Mr. Mendoza. After sa Greenbelt, nagpunta na sila ng Mind Museum. Nagkahiwa-hiwalay na. After maglibot, nagmerienda na sila sa may Jollibee doon tapos nagstay pa muna sila doon sa may parang playground tapos may bubbles. Hinding hindi mawawala ang picture taking.

Carnival LoveWhere stories live. Discover now