EPILOGUE **last part

Start from the beginning
                                    

Si Andrei naman ay bumalik na sa Korea. Tinanggap na niyang talo siya sa puso ni Winter. Ngunit inaccept niya ang offer sa kanya ni Winter at ito ay maging boy bestfriend niya.

--

(Winter POV)

It's been a year mula ng maganap ang laban na nagpabago sa buhay naming lahat. Hindi ko akalain na mabubuhay pa pala ako. Hindi ko akalain na ganto pala ulit mabuhay. Mabuhay ng walang poot, galit at pagnanais na makapaghiganti. Ganto pala mamuhay ulit ng normal. Sa loob ng isang taon wala akong ginawang mission sa Clan. Tulad ng sabi ni Autumn mahalaga ang buhay.

Aaminin ko namimiss ko na ang kakambal ko. 4 years na mula ng nawala siya. Pero ngayon wala ng bitterness dahil alam kong kung nasaan man siya ngayon masaya na siya. Tahimik na siya at mapayapa.

Sabi nila Hyung bumait na din daw ako. Hindi na daw ako pusong bato. May ganoon ba?? Hindi naman yata ako ganoon kasama diba??

Si Raikoo naman isang taon na ding nanliligaw sakin. Kahit naman mahal ko yun dapat pahard to get muna noh. Nasaktan ako eh. Syempre di ganun kadaling mawala yun.

Pagdating ko sa Uni parang ang weird ng mga tao. Well lagi namang weird mga tao dito pero yung smile kasi nila ang creepy.

"Winter punta ka daw sa soccer field sabi niya." nakangiting salubong sakin ng babae na hindi ko naman kilala.

"Ow---kay?? Sino?" takang tanong ko pero ngumiti lang siya. o diba kakaiba talaga eh.

Pumunta na lang ako sa soccer field pero wala namang tao. Talaga bang nakikipaglokohan sakin ang mga taong to o ano.

Aalis na sana ako pero may nakita akong mga sports car na papunta sa field. Ano na namang pasikat to?? Alam ko namang sila hyung yan eh.

Napatalon na yata ako sa gulat ng may kumalabit sakin. Aatakihin ata ako sa puso sa mga taong to. Ang daming pauso. Pagtingin ko kung sino si Clyde pala. Teka!! Anong ginagawa ni Clyde dito.

"Baby why are you here??" takang tanong ko sa kanya.

"Just turn around Umma and later you will know." sagot naman niya sakin. Kelan pa naging makata ang anak ko??

Sinunod ko na lang siya tumalikod na ako. Narinig ko na lang ang pagparada ng mga kotse nila hyung. Ano na namang pauso ito?? Pagtingin ko kay Clyde tuwang tuwa ehh?? Ano ba talagang nangyayari? Parang nanalo sa lotto si Clyde eh.

"Umma it's time. Turn around now." nakangiting sabi sakin ni Clyde. So sinunod ko na lang siya.

"Winter the first time i saw you many years ago tinamaan na ata ako sayo. Alam kong bata pa lang tayo noon pero ang sabi ko sa sarili ko gusto ko yung babae na yun ang makakasama ko hanggang pagtanda ko. Kaya lang many things happened according to what is destined for us. Pumunta kayo sa Korea kasama pamilya mo at si Autumn lang ang naiwan dito." pagkasabi ni Raikoo noon flashbacks from my past appeared in my mind. The time na tinulungan ko siyang makababa sa puno. Those days na naglalaro kami sa park. Those time i precious the most.

"Si Autumn yung naging way ko para magkaroon ng connection sayo. Tuwing tatawagan ka niya nakikinig ako. Tuwing magkaskype kayo nanonood ako. Tuwing uuwi ka dito nakikiusap akong ikaw papuntahin niya sa hideout para makasama kita. Doon umabot yung point na nagpanggap siyang girlfriend ko para mapaglapit tayong dalawa. I'm really thankfull to her. Dahil sa kanya nakakasama kita." yeah I'm also thankfull to her.

"Winter this day. Sa harap nilang lahat gusto ko sanang sabihin kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita jagi. At hindi ko alam ang mangyayari sakin kung mawala ka ulit. A year ago akala ko mawawala kana sakin. Akala ko mawawala na ang dahilan ko para mabuhay. Para lumaban sa lahat ng problema. Para magsumikap para sa future kasama ka. Pero nabuhay ka Winter. God gave me you. Binuhay ka niya para makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sayo. Kaya Winter ayaw ko ng mawala ka pa sakin. I promise to be a good one for you."napaiyak na ako sa sinabi niya. It's like my heart skip a beat everytime i look into his eyes.

Nakita ko na lang na umalis sila hyung sa harap ng mga kotse nila. At doon ko nakita ang mga letters and words na tinatago nila na nakadikit sa mga kotse nila.

WINTER WILL YOU BE MY GIRL?

"Ikoo. Alam mo ba kung gaano kamahal ang mga kotse na yan tapos lalagyan niyo lang ng mga words. Nagsasayang lang kayo ng pera tapos sinira niyo pa yung designs ng mga sports car na yan." sermon ko sa kanya.

"No ba yun Winter?" Malungkot na sabi niya.

"May sinabi ba ako? Pwede namang itanong na lang eh. Dami pang pakulo. Pero dahil i appreciate it. I'll give you a yes. Alam mo namang mahal din kita eh." nakangiti kong sabi.

"Talaga Winter??" tanong pa din niya. Nagnod na lang ako.

"Wooohhh Yessss Girlfriend ko na si Winter sinagot na niya ako." Tuwang tuwa na sabi niya. Niyakap niya pa isa isa sila hyung sa sobrang tuwa niya. Nilapitan niya din ako at niyakap.

"Thanks Winter promise di mo pagsisisihan to." nakangiting sabi pa ng loko.

Pero di ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko kaya naman nashock na lang ako. Proposal naba ito?? Dipa ako ready kakasagot ko lang sa kanya.

"Ahh Ikoo i think masyado pang maaga para magpropose ng kasal. Bata pa tayo tsaka gusto ko munang ayusin ang mga lovelife nila hyung bago lumagay sa tahimik. Alam kong kailangan ng parents ni Clyde pero aabot din tayo dun wag ka munang magmadali." tense kong sabi.

"Ha?? Anong sinasabi mo Jagi?" takang tanong naman niya.

"Di ka nagpopropose ng kasal??"

"Hindi itatali ko lang sintas ng sapatos ko." sabi niya. Okay pahiya ako doon.

"Bakit iniisip mong magpopropose nako?? Ayieee ganun mo ba ako kamahal kaya gusto mo ng magpakasal sakin." nakangiting sabi ng loko.

"Arrghh bahala ka dyan." sabi ko sabay walkout.

"Huy Jagi san ka pupunta."

"Dyan lang hahanap ng lalaking papakasalan pisti ka." sigaw ko sa kanya.

"Nandito naman ako bakit maghahanap ka pa." tanong niya habang hinahabol ako.

"Magpakasal ka sa sintas mo letche." sigaw ko ulit. Assuming ba ako?? Akala ko kasi talaga magpopropose siya eh.

Nabigla na lang ako noong hinila niya ang braso ko sabay yakap sakin.

"Papakasalan kita pero hindi pa ngayon. Magsisikap muna ako sa pag aaral para kapag papakasalan na kita hindi na natin kailangang umasa sa mga magulang natin at kaya kitang buhayin. Kayo ng magiging mga anak natin. Kayo nila Clyde at ng mga darating pang baby kaya Jagi wag ka ng magtampo." malambing na sabi niya.

"Promise yan ha." maluha luha kong sabi.

"Promise." nakangiting sabi niya before he seal it with a kiss.

I guess I'm really lucky to have this guy. And i do really wish that starting from this day sana maging maayos na ang lahat. Alam kong madami pang darating na pagsubok pero i guess kung kasama ko naman siya nothing is impossible.

end**

_____________________________________

ceikret

yeeeyyy finally natapos na siya. Thank you thank you sa mga nagbasa at patuloy pa ding nagbabasa.

Sorry natagalan ang pag ud ko sa last part ng epilogue. Ayaw kasing maglog in ng account na ginagawa ko sa exo-l website. Pinagtuunan ko siya ng pansin pero laging error. Waahhhh nakakafrustrate pero still hindi pa din ako nag gigive up. Hanggang ngayon nagtatry pa din akong maging member ng exo-l.

Balak ko muna pong tapusin yung story ko na Hidden Personality bago ko po ipublish ang Whay if God's Like One of Us. Sana po support din niyo yun.

Thanks again.

**edited**

ai wo

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now