Eksena I: Hey I just met you!

En başından başla
                                    

"O e bakit daw?" sabay lagok ni Badz ng beer

"Mag-enjoy enjoy din daw ako.Hindi puro trabaho lang"

"OO men, magenjoy ka kasi. Pra kasing syota mo na yang trabaho mo e.Hindi mo maiwan iwanan.Yaman mo na men!"

Tumawa ako, "Siraulo! syempre kailangan kong magtrabaho.Para mapatapos ko si Keiko tsaka ako mageenjoy pag graduate na yun"

"Men, ilang buwan nlng gagraduate na yan e.Magenjoy ka naman.Wala ka namang asawa e.Tsaka bibisitahin mo lang papa mo dun sa Japan.Mamsyal ka.MagBar.Gusto mo isama mo ko."sabay tawa ng malakas

"Loko!Bahala na.Hindi ko pa alam talaga"

"Akin na ticket mo!Mageexpired na yan next month.Shet ka!Pakshet ka Kenzo Yamashiro!!"

walang humpay na tawanan pag kasama ko si Badz. Puro kasi kalokohan 'tong taong to.

-Chelly's POV-

Hindi ko alam pero bakit ba parang pinagkakaitan ako ng langit pag dating sa lovelife?Nakakalungkot isipin na isa nakong desperadang babae.Kaya eto,

"eto akoooo! basabg basa sa ulan,walang masisilungan,walang malalapitan.."

"Gurl, ok ka lang?" tanong sakin ni honey sabay tawa ng malakas

Ngumiti ako sabay nalungkot ulit ang mukha. Dumapa ako sa kama at napapaisip. "Gurl, anu bang problema sakin?"

"O, bakit nanaman gurl?Lovelife nanaman?"

Tumingin lang ako kay honey at tumango

"Jusko gurl! grow up! Hindi ka nabubuhay para sa lalake.Darating din yan.Magantay ka lang kasi.MY GAWD!Nagmamadali?"

"Friend, it's been what? 4 years since He left me"

"Hanggang ngayon friend, BITTER Ocampo ka parin? Anu ka ba?" sabay akbay ni Honey sa balikat ko, "Hindi ka panget, walang kulang sayo pag dating sa physical appearance. Siguro medyo sablay lang konti sa ugali mo kasi lagi kang nagmamadali. Gusto mo agad agad.Yun ang ugly duckling sayo"

Nakasimangot ako.Hindi dahil sa pinagsabihan ako ni Honey.Kundi naisip kong baka tama sya.Baka my problema ako sa ugali ko.Siguro it's about time para magbago ako.Pero paano?san ako magsisimula? hayzz.. ang hirap naman!

-->After 3 days<--

-Chelly's POV-

Shet! malelate nako sa Flight ko. Ang hirap naman ng ganito. Masyado ata kasi akong na-amaze dun sa kwento ng babae. Kung pano sila nagka-inlaban nung jowa nyang kano. Dati daw kasi syang DH sa singapore tapos nakilala nya sa isang Bar yung kano.Nalasing at ayun, may nangyaring hindi inaasahan.Pinanagutan naman daw nung kano.Dead na dead pa nga daw sa kanya. Hindi naman kagandahan si Ate. Tipical na pinay lang pero may konting taglay na kayabangan sa paraan ng kanyang pagsasalita.Ako kaya, kelan ko kaya....

"Ay!shet!" tamang subsob naman yung ilong ko sa semento.Masakit ha!

"I'm sorry.I didn't notice you.Are you ok?Let me help you" habang inabot nya yung kamay nya.

Infairness, ang gwapo naman ni kuya.Malaki pa ang katawan. Singkit sya.Mukhang chinese.Ang puti pa.At ang bango bango nya.

"It's ok.I'm ok.I'm just catching my flight.But I think I'm almost here" sabay bulong ko sa sarili ko,"catching my flight??Tama ba grammar ko? Kahiya naman"

"I'm sorry?you're saying something ms..?"

"Chel.Michelle.And you are?"

"oh shet!I'm sorry.I'm in a hurry right now.I'll see you soon.Bye" sabay takbo ni kuya.sayang naman hindi nya nabigay ang pangalan nya.I-add ko sana sya sa Facebook.Balang araw magkikita rin ulit tayo.At malay mo, ikaw na ang destiny ko. Hay grabe!

Thank God.Umabot pa ko sa flight ko. Economy class lang ang seat ko.Kuripot talaga ng kumpanya namin. ipapadala lang ako sa ibang bansa, hindi pa pang business class yung kinuhang seat para sakin.Parang ang gulo naman 'tong Economy class.Parang hindi ako makakatulog ng maayos dito.Ang ingay ingay.Lalo na'tong nasa harap ng upuan ko.Paulit ulit lang naman yung sinasabi nya sa girlfriend nya.Badtrip talaga!

-Kenzo's POV-

"tatawagan kita ulit pag nasa Shibuya nako. Magpakabait ka jan ha? Keiko1magpakabait ka jan ha.o Sige na.Bye na.Yung bilin ko sayo ha.sige sige,Bye"

[end of call]

Anung gagawin ko sa Japan? badtrip talaga.Masyado lang akong maraming ala ala sa Japan.

-After 4 & 1/2 Hours-

Palabas nako ng airport ng biglang may nakita akong babaeng nadapa.Pangalawang beses ng may ganitong aksidente sa araw na'to.Nilapitan ko yung babae at tinulungan ko,

"daijobu de suka?tetsudawasete kudasai. [Are you ok?Let me help you]"

"Huh?I'm sorry?I cannot..Oh!it's you"

nagulat ako.Actually, dalawa kaming nagulat.

"Hey! I'm sorry about what happen later his day" sabi ko.

"It's ok" sabay smile nya sakin. "I'm Michelle again, and you are?"

"Kenzo"sabay shake hands ko. "Do you understand Japanese / Nihonggo?"

"No. I'm a Filipina. I only speak English & Tagalog"

"Ah talaga? Pinoy din ako e" sabay tawa ko. "Pure Japanese ako pero sa Pinas ako lumaki.Puso ko Pinoy"

"Nagtatagalog ka pala.Pinahirapan mo pa ko sa English" sabay ngiti nya. "kaloka ka ha!"

"Akala ko kasi Foreigner ka e.Teka,gusto mo muna magcoffee?" tinanong ko sya kasi parang balisa sya.

"Ok sige.Hindi rin ako kasi pamilyar dito.i-tour mo naman ako dito"

"Ok lang sige.Mahirap na baka maloko ka ng mga sira ulo dito"

"wow!sweet mo naman. Salamat" sabay smile nya sakin.

Hirap sa mga babae ngayon, magpakita ka lang ng konting caring at sweetness, mahuhulog na agad sayo. Hindi sa pagmamayabang ko pero pakiramdam ko babagsak sa Love story 'tong mga ganitong eksena e.Pero ok narin yung ganito.Para hindi ko muna makita si Papa. Maglilibang muna ako bago ako magpakita sa kanya.Para pag humarap ako sa kanya e, wala akong problema. Bakante ang isip ko.

By Chance..Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin